Noli Me Tangere (65 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
9.26Mb size Format: txt, pdf, ePub

=LII.=

=ANG SULAT N~G M~GA PATAY AT ANG M~GA ANINO.=

Itinatagò ang buwan n~g madilím na lan~git; wináwalis n~g malamig na han~ging palatandâan n~g pagdating n~g Diciembre ang iláng dahong tuyô at ang alabóc sa makipot na landas na patun~gó sa libin~gan.

Nagsasalitaan n~g marahan ang tatlóng anino sa ilalim n~g pintuan.

--¿Kinausap mo ba si Elías?--ang tanóng n~g isáng tinig.

--Hindî, nalalaman mo n~g siyá'y may ugaling cacaibá at main~gat; n~guni't inaacalà cong siyá'y cacampí natin; iniligtás ni don Crisóstomo ang canyáng buhay.

--Caya acó pumayag,--anáng unang tinig;--¡ipinagágamot ni don Crisóstomo ang aking asawa sa bahay n~g isáng médico sa Maynilà! Acó ang nacacaalam n~g convento upang makipagliwanag sa cura n~g aming pautan~gan.

--At camí naman ang nacacaalam n~g cuartel, at n~g masabi namin sa m~ga civil na may m~ga anác na lalaki ang aming amá.

--¿Maguiguing ilán caya cayó?

--Limá, cainaman na ang limá. Maguiguing dalawampo raw cami,--anáng alilà ni don Crisóstomo.

--At ¿cung hindi lumabás cayóng magalíng?

--¡Sttt!--anáng isá, at hindi na umimic ang lahát.

Namamasid sa nag-aagaw n~g dilim at liwanag ang pagdating n~g isáng anino na marahang lumalacad na ang bacod ang siyáng tinútunton; manacánacang humíhintô na para mandíng lumílin~gon.

At may dahil n~ga namán. Sa dacong hulihán, na may dalawampong hacbang ang puwang, may sumusunod na isá pang anino, lalong malakí at tila mandín lalò pang anino cay sa náuna: totoong napacarahan ang pagyapac sa lupà, at biglang nawawalâ, na anaki'y linalamon n~g lupa, cailán mang humíhinto't lumilin~gon ang náuuna.

--¡Sinusundan acó!--ang ibinulóng n~g náuunang anino; ¿ang guardia civil caya? ¿nagsinun~galíng caya ang sacristan mayor?

--Ang sabi'y dito raw magtátatagpô,--ang iniisip n~g icalawáng anino; marahil may masamáng inaacalà caya inililihim sa akin n~g dalawáng magcapatid.

Sa cawacasa'y dumating ang nan~gun~gunang anino sa pintùan n~g libin~gan. Lumapit ang tatlóng aninong nan~gauna.

--¿Silá po bagá?

--¿Cayó po ba?

--¡Tayo'y maghiwahiwalay, sa pagca't sinúsundan acó nilá! Tátanggapin ninyó bucas ang m~ga sandata at pagcágabi gágawin. Ang hiyáw ay: «¡Mabuhay si don Crisóstomo!» ¡Lacad na cayó!

Nawalâ ang tatlóng anino sa licuran n~g m~ga pader. Nagtagò ang bagong dating sa pag-itan n~g pintô at naghintáy na hindi umiimic.

--¡Tingnan natin cung sino ang sumúsunod sa akin!--ang ibinulóng.

Dumating ang pan~galawáng anino na nag-iin~gat n~g mainam at humintóng parang nagtitin~gintin~gin sa paliguid niyá.

--¡Nahuli acó n~g pagdating!--ang marahang sinabi; n~guni't baca caya man~gagbalic.

At sa pagcá't nagpasimulâ n~g pag ambóng nagbabalang tumagál, inisíp niyang sumilong sa ilalim n~g pintùan.

At alinsunod sa dapat mangyari'y nabuglàan niyá ang isáng anino.

--¡Ah! ¿sino pô cayó?--ang itinanóng n~g bagong dating na ang tinig ay sa matapang na lalakl.

--At ¿sino pô ba naman cayô?--ang isinagót n~g isá n~g boong capanatagan.

Sandalíng hindi nan~gagsiimic; pinagpipilitan n~g isá't isáng makilala ang canyáng caharáp sa pamamag-itan n~g anyô n~g tinig at sa pagmumukháng naaaninagnagan.

--¿Anô po ba ang hinihintay ninyó rito?--ang tanóng n~g may tinig na pagca lalaki.

--Na tumugtóg ang á las ocho upang aking macuha ang baraja n~g m~ga patay, ibig cong manalo n~gayong gabí n~g salapi,--ang sagót n~g isá na ang tinig ay caraniwan; at cayó namân, ¿anó't cayó po'y naparito?

--Sa ... gayóng ding dahil.

--¡Abá! ikinatutuwa co; sa ganyá'y hindi acó mag-iisá. May dalá acóng baraja; pagcarin~gig co n~g unang tugtóg ay maglálagay acó sa canilá n~g
aldur
; sa icalawáng tugtóg ay maglálagay namán acó n~g
gallo
; ang m~ga barajang gumagaláw ay iyán ang m~ga baraja n~g m~ga patáy, na kinacailan~gang agawin sa pamamag-itan n~g pananagâ. ¿May dalá rin po ba cayóng baraja?

--¡Wala!

--¿At paano?

--Magaang; cung paano ang paglalagáy ninyó sa canilá n~g bangcâ; hinihintay cong silá namán ang maglálagay n~g bangcâ sa akin.

--¿At cung hindi maglagáy n~g bangcâ ang m~ga patáy?

--¿Anó ang gagawin? Hindi pa ipinag-uutos na sapilitang magsúsugal ang m~ga patáy....

Sandalíng hindi silá nag-imican.

--¿Cayó po ba'y naparitong may sandata? ¿Paano ang inyóng gágawing pakikiaway sa m~ga patáy?

--Sa pamamag-itan n~g aking m~ga suntóc,--ang isinagót n~g pinacamalaki sa canilá.

--¡Ah, diablo, n~gayón co naalaala! hindi tumátayâ ang m~ga patáy pagca may higuít sa isá ang bilang n~g m~ga buháy, at tayo'y dalawá.

--¿Siyá n~ga po ba? n~guni't áayaw acóng umalís.

--Acó ma'y gayón din, nan~gan~gailan~gan acó n~g salapi,--ang isinagót n~g pinacamaliit; n~guni't gawín natin ang isáng bagay: magsugál tayong dalawá, at ang matalo'y siyáng umalís.

--Halá ...--ang isinagót n~g isá na may cauntíng samâ ang loob.

Pumasoc silá't humanap sa gayóng nag-aagaw n~g dilim at liwanag n~g isáng lugar na lalong nauucol; hindi nalao't nacásumpong silá n~g isáng baunang bató at doon silá naupô. Kinuha n~g pinacapandác sa canyáng salacót ang baraja, at nagpanin~gas namán ang isá n~g fósforo.

Sa ilaw ay nagtin~ginan ang isá't isa, datapuwa't ayon sa pag-aanyô n~g canícaniláng mukha'y hindi nan~gagcacakilalanan. N~guni't gayón man, sa pinacamataás at tinig macalalaki ay makikilala natin si Elías, at sa pinacamaliit ay si Lucas, dahil sa pílat niyá sa pisn~gí.

--¡Alsahín po ninyó!--ang winica nitó, na hindi nálilin~gat n~g pagmamasíd sa caharáp.

Itinabí ang iláng butóng nakita sa ibabaw n~g libin~gang bató't saca nag-
andar
n~g isáng alás at isáng cabayo. Pinagsunodsunód ni Elías ang pagpapanin~gas n~g fósforo.

--¡Sa cabayo!--anyá,--at n~g magcatanda'y nilagyán n~g isáng bun~gô n~g tadyáng.

--¡Juego!--aní Lucas,--at sa icaapat ó icalimang
carta
ay lumabás ang isáng alás.

--Natalo cayó,--ang idinugtóng;--n~gayó'y pabayaan po ninyóng acó'y mag-isáng humanap n~g pagcabúhay.

Umalís si Elías na hindi nagsabi n~g catagâ man lamang, at nawala sa guitna n~g cadilimán.

Nang macaraan ang ilang minuto'y tumugtóg ang á las ocho sa relós n~g simbahan, at ipinahayag n~g campana ang oras n~g m~ga caluluwa; n~guni't hindi inanyayahan ni Lucas makipagsugál sa canyá ang sino man, hindi tinawagan ang m~ga patáy, na gaya n~g iniaatas n~g pamahiin; ang guinawá'y nagpugay at bumulóng n~g ilang panalan~gin, nagcruz n~g boong cataimtimang tulad sa marahil guinágawa rin sa sandaling iyón n~g puno n~g Cofradía n~g Santísimo Rosario.

Nagpatuloy ang pag-ambón sa boong magdamág. Pagca á las nueve n~g gabi'y madilím na ang m~ga daan at wala n~g taong lumalacad; ang m~ga farol n~g lan~gis na dapat ibitin n~g bawa't namamayan sa tapat n~g canilang bahay, bahagya n~g nacaliliwanag sa pabilóg na isáng metro ang luwang: tila mandin inilagáy ang m~ga ilaw na iyó't upang makita ang carilimán.

Naglálacad n~g paroo't parito sa magcabicabilang dulo n~g daang malapit sa simbahan ang dalawáng guardia civil.

--¡Maguináw!--ang sabi n~g isá sa wicang tagalog na may puntóng bisayà; hindi tayo macahuli n~g isá man lamang sacristan, waláng gágawa n~g casiraan n~g culun~gán n~g manóc n~g alferez ... Nan~gadalà dahil sa pagcápatay doon sa isá; nacayáyamot sa akin itó.

--At sa akin,--ang isinagót n~g isá;--sino ma'y waláng nagnanacaw; datapuwa't salamat sa Dios at ang sabiha'y na sa bayan daw si Elías. Ang sabi n~g alferez ay ang macahuli raw sa canyá'y máliligtas sa palò sa loob n~g tatlóng buwán.

--¡Aa! Nasasaulo mo ba ang canyáng m~ga
señas
?--ang tanóng n~g bisaya.

--¡Mangyari bagá! ang taás ay matangcád ayon sa alferez, catatagán ayon sa cay padre Dámaso; maiitím ang m~ga matá, catatagán ang ilóng, catatagán ang bibíg, waláng balbás, maitim ang buhóc....

--¡Aa! ¿at ang m~ga tan~ging
señas
?

--Maitím ang barò, maitím ang salawal, mán~gan~gahoy....

--¡Aa! hindi macatatacas, tila nakikinikinita co na siyá.

--Hindi co siyá pagcacamal-an sa ibá, cahi't macatulad niyá.

At ipinagpatuloy n~g dalawáng sundalo ang caniláng pag-
ronda.

Mulíng natatanawan na namán natin sa liwanag n~g m~ga farol ang dalawáng aninong nagcacasunod na lumalacad n~g boong pag-iin~gat. Isáng mabalasic na
¿quién vive?
ang siyáng nagpahintô sa dalawá, at sumagót ang nauna n~g
¡España!
na nan~gan~gatal ang tinig.

Kinaladcád siyá n~g m~ga sundalo at siyá'y dinalá sa farol upáng siyá'y kilalanin. Siyá'y si Lucas, n~guni't nan~gag-aalinlan~gan ang m~ga sundalo at nan~gagtatanun~gan sa tin~ginan.

--¡Hindi sinasabi n~g alferez na may pilat!--anáng bisayà sa sabing marahan.--¿Saán ca paroroon?

--Magdádala acó n~g pamisa upang gawín bucas.

--¿Hindi mo ba nakikita si Elías?

--¡Hindi co po siyá nakikilala, guinoó!--ang sagót ni Lucas.

--¡Hindi co itinátanóng sa iyo cung siyá'y nakikilala mo, ¡tan~ga! cami ma'y hindi namin siyá nakikilala; itinátanóng co sa iyó cung siyá'y nakita mo!

--Hindi pô, guinoo.

--Pakinggán mong magalíng, sasabihin co sa iyó ang canyáng m~ga
señas
. Ang taás ay cung minsa'y matangcád, cung minsa'y catatagán; ang buhóc at ang m~ga matá'y maiitim; at ang lahát n~g m~ga ibá pa'y pawang m~ga catatagán,--anáng bisayà.--¿Nakikilala mo na siyá n~gayón?

--¡Hindi po, guinoó!--ang isinagót ni Lucas na natútulig.

--¡Cung gayó'y
¡sulong!
hayop, burro!--At ipinagtulacan siyá nilá.

--¿Nalalaman mo ba cung bakin ang acala n~g alferez ay matangcád si Elías at ang acalà naman n~g cura'y catatagán lamang ang taás?--ang itinanóng na nag iisip-isip n~g tagalog sa bisayà.

--Hindi.

--Sa pagcá't nacabaón sa pusáw ang alférez n~g siyá'y mámatyagan, at ang cura namá'y nacatayô.

--¡Siyá n~gâ!--ang bigláng sinabi n~g bisaya; mainam ang pag-iisip mo ... ¿bakit ca nagguardia civil?

--Hindi capagcaraca'y guardia civil acó; acó'y dating contrabandista,--ang isinagót n~g tagalog na nagpapahan~ga.

N~guni't silá'y linibáng n~g isá pang anino: sinigawán nilá itó n~g ¿quién vive? at bago dinalá nilá sa ilaw. N~gayó'y si Elías na n~gâ ang siyáng sa canilá'y humaharap.

--¿Saán ca paroroon?

--Akin pong hinahabol, guinoó, ang isáng taong humampás at nagbalà sa aking capatíd na lalaki; ang taong iyó'y may pílat sa mukhá't nan~gn~ga~ngalang Elías ...

--¿Há?--ang bigláng sinabi n~g dalawá at nan~gagtin~ginang nagsisipanghilacbót.

At pagdaca'y nan~gagtacbuhang ang tun~go'y sa simbahang sasandali pa lamang na pinaroonan ni Lucas.

=LIII.=

=IL BUON DI SI CONOSCE DA MATTINA.=

Maagang cumalat sa bayan ang balitang may nakitang m~ga ilaw sa libin~gan n~g gabing nacaraán.

May sinasabi ang punò n~g V.O.T. (Venerable Orden Tercera) na m~ga candilang may ilaw at cung paano ang anyô at cung gaano ang caniláng m~ga lakí, datapuwa't ang hindi matucoy ay ang bilang, n~guni't may nabilang siyáng hanggáng dalawampô. Hindi dapat atimín ni hermana Sipa, na caanib sa Cofradía n~g Santísimo Rosario, na ang macapagyabáng lamang na nacakita n~g biyayà n~g Dios na itó'y ang isáng na sa hermandad (capatiran) na caaway; sinabi namán ni hermana Sipa, cahi't hindi malapit doon ang canyáng tinátahanan, na siyá'y nacárin~gig n~g m~ga daíng at hibíc, at hanggáng sa tila mandín canyáng nakikilala ang tinig n~g tan~ging m~ga tao, na n~g unang panahó'y canyáng naca ..., datapuwa't alang-alang sa pag-ibig sa capuwa taong atas sa binyaga'y hindi lamang canyáng pinatatawad, cung di namán canyáng ipinananalan~gin at inililihim ang caniláng m~ga pan~galan, at dahil dito'y pagdaca'y pinapagtitibay na siyá'y santa. Hindi totoong matalas ang tain~ga, ang catotohanan, ni hermana Rufa, n~guni't hindi dapat tiisin niyáng narin~gig ang bagay na iyón ni hermana Sipa't siyá'y hindi, at dahil dito'y nanaguinip siyá at sa canyá'y humarap ang maraming m~ga caluluwa, hindi lamang n~g m~ga taong patáy na, cung di namán n~g m~ga buhay; hiníhin~gi n~g m~ga caluluwang silá'y bahaguinan n~g m~ga indulgenciang canyáng maliwanag na itinátala't pinacaiin~gatan. Masasabi niyá ang m~ga pan~galan sa m~ga familiang nan~gan~gailan~gan, at wala siyáng hiníhin~gi cung di isáng muntíng limós upáng isaclolo sa Papa, sa m~ga pan~gan~gailan~gan nitó.

Isáng batang ang hanap-buhay ay mag-alaga n~g m~ga hayop, na nan~gahás magpatibay na wala siyáng nakita liban na lamang sa isáng ilaw at dalawáng táong nan~gacasalacot, nahirapang lubha upang macaligtás sa m~ga hampás at m~ga lait. Nawaláng cabuluháng siyá'y manumpâ, na canyáng casama ang canyáng m~ga calabaw at silá ang macapagsasabi:

--¿Durunong ca pa sa m~ga celador at sa m~ga hermana,
paracmason,
hereje?--ang siyáng caniláng sinasabi sa canyá't siya'y iniirapan nilá.

Nanhíc ang cura sa púlpito at inulit ang sermón tungcól sa Purgatorio, at muli na namáng lumabas ang m~ga pipisohin sa canicaniláng kinatataguan.

N~guni't pabayaan natin muna ang m~ga caluluwang nan~gaghihirap, at pakinggán natin ang salitaan ni don Pilipo at n~g matandáng Tasio, na may sakit at nag-íisa sa canyáng maliit na bahay. Malaon nang hindi bumaban~gon sa canyáng kinahihigaan ang filósofo ó ulól, at nararatay dahil sa isáng panghihinang madalî ang paglubhâ.

--Ayawán, sa catotohanan, cung marapat co cayóng handugan n~g masayáng batì dahil sa pagcátanggáp sa inyó n~g inyóng pagbibitiw n~g catungculan; n~g una, n~g hindi pakinggán n~g boong cawalánghiyaan ang palagáy n~g marami sa m~ga nan~gagpupulong, sumasacatuwiran cayóng hin~gin ninyó ang pahintulot na macapagbitíw cayó n~g inyóng catungculan; n~guni't n~gayóng cayó'y nakikitalád sa guardia civíl ay hindi magalíng. Sa panahón n~g pagbabaca'y dapat cayóng manatili sa inyóng kinalalagyan.

--Tunay n~ga, datapuwa't hindi, pagca naglililo ang general,--ang sagót ni don Filipo;--talastas na po ninyóng kinabucasa'y inalpasan n~g gobernadorcillo ang m~ga sundalong aking nahuli, at nagpacatangguítangguíng gumawa n~g cahi't anó pa man. Wala acóng magawa cung walang pahintulot ang aking punò.

--Wala n~ga, cung cayó'y nag-íisa, datapuwa't malakí ang magágawa ninyó cung catulong ninyó ang m~ga ibá. Dapat sanang sinamantala ninyó ang ganitóng pangyayari upang cayó'y macapagbigáy ulirán sa ibáng m~ga bayan. Sa ibabaw n~g catawátawáng capangyarihan n~g gobernadorcillo'y naroon ang catuwiran n~g bayan; iyán sana ang pasimula n~g isáng magalíng na pagtuturò ay inyóng sinayang na di guinamit.

Other books

Dead Romantic by C. J. Skuse
In This Light by Melanie Rae Thon
Broken by Christina Leigh Pritchard
In a Mist by Devon Code-mcneil
Urge to Kill by John Lutz