Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

She's Dating the Gangster (23 page)

BOOK: She's Dating the Gangster
4.82Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

“Ay. Hinde ko naririnig eh, nasa bag yung phone ko.” nag nod si Kenji, kinuha ko yung bag ko sa may table tapos kinuha ko yung cellphone ko, pag flip ko ng phone nakita ko 5 missed calls. 2 kay Kenji, isa kay Sara, isa kay Jigs, tapos yung last kay Lucas..

“Lucas..? Bakit kaya ako nun tinawagan?” sabi ko ng mahina

“Bakit tumawag si Lucas?” nagulat ako ng biglng nagsalita si Kenji, nasa likuran ko na pala siya.

“Hanggang ngayon pa ba naguusap kayo?”

“Hinde. Nagulat rin ako eh.” ok I lied. Nag chachat pa rin kaming dalawa, o kaya text, pero minsan lang talaga. Bakit ba! siya rin nakikpag usap kay Abigail ng patago eh! so what kung kami rin mag usap

patago!

Lumabas kami ni Kenji para pumunta ng park. Iniwan na muna namin si Grace kay kuya Nathan since

mukhang nag kakasundo rin silang dalawa.

Nakaupo lang kami ni Kenji sa may bench, pinapanood mag laro yung mga lalaki sa sa court. Pinilit ko si Kenji na makipag laro s kanila at pumayag naman siya, masaya ako tuwing nakikita ko siyang maglaro ng basketball. Bawat shoot niya, bawat agaw niya ng bola feeling ko para sakin lahat yun. Hinde ko alam kung bakit, basta masaya lang ako pag nakikita ko siyang maglaro.

Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at sinagot

“Athena, si Lucas to..”

“Uy. Napatawag ka?”

“Wala lang, tumawag ako kanina pero hinde mo sinasagot eh.”

“Ah. Nasa bag kasi phone ko.. Sorry.”

“Ganun ba? Oo nga pala, nakita ko si Nathan kanina sa ospital may dalang gamot, para sayo ba yun?”

gamot? Kaya ba siya natagalan kasi kinuha niya yung gamot ko sa ospital? Wrong timing talaga..

“Ha? Hinde ko alam eh, bakit? Pano mo naman nalaman na gamot yun? Baka vitamins ko yun.”

“Tinanong ko mismo dun sa doctor na nag check sayo. Umamin ka na nga sakin..”

“Ha? Ahh..”

Nakita kong papalapit na sa akin si Kenji, napansin niya atang may kausap ako sa cellphone, “Lucas tatawagan na lang ulit kita mamaya, ok? Nandito na si Kenji.” binaba ko bigla yung phone tapos umupo sa tabi ko si Kenji

“Sino yung kausap mo?”

“Ahh. Si Lucas.” sumimangot siya.

“Akin na nga yang phone mo!” kinuha niya yung phone ko tapos kinuha niya sa bag niya yung kanyang

cellphone. “Oh eto gamitin mo. Wag ka ng umangal. Pareho lang naman tayo ng unit eh.”

Kinuha ko yung cellphone niya tapos tiningnan ito, “Ano lock code nito?”

“Birthday mo.” huh? Pano niya nalaman birthday ko?

“Hinde ko naman sinabi sayo kung kelan birthday ko ha.. Pano mo nalaman?”

“Kelangan bang sayo ko malaman yun?” then he grinned at me.

“Ya!! Tell me!! Ppal li.” *hurry+

“Nalasing ka one time.. Tapos sinabi mo sa amin na ‘nagkatotoo na ata yung wish ko nung birthday ko!

Sobra sobra pa nga eh! July 6! Eto oh! Nasa tabi ko na’ ayun, tapos hinalikan mo ko sa lips.” he laughed.

“OMG NO WAY?!” tumawa lang siya.

“Oo sinabi mo yun.”

“Eh yung kiss??”

“Joke lang.” hinampas ko siya sa may balikat, “Tara na. hatid na kita!”

Pagkadating namin sa bahay nandun na sila Jigs, Kirby at Sara. Nandun pa rin si Grace, aba! Hinde na ata siya uuwi eh! Nakalimutan na niya na niloko siya ni Gino!! Pero mukhang ok naman sila ni Kuya eh..

Masabi nga kay Sara mamaya!

Sa bahay na silang lahat nag dinner. Nagorder ng food si kuya Nathan, gumagalante na eh. Mga 9:23 nag uwian na silang lahat, ako si Sara and kuya Nathan na lang natitira sa may living room

“Oppa, why don’t you date Grace? I think you guys look good together!!”

“WHAT?! YOU GUYS ARE DATING ALREADY?! I THOUGHT YOU JUST MET??”

“Ya! I never said that they’re dating!”

“Oh. Right. Since you got dumped by your chick, date Grace!”

“YA! BIANCA DIDN’T DUMP ME!!!”

I laughed. Yeah, she didn’t dump him, she was already married. HA! Too bad.

Sara looked at me, “Wae? Mu sun ili ya?” *Why? What’s the matter?] i pointed at oppa using my lips

“Aish!! She’s married ok?? MARRIED!” tumawa na rin si Sara. Ok this is the best day so far.

Went in my room to rest, I checked Kenji’s phone.. Tss. He’s confident huh? I scanned his inbox and there’s no sign of Abigail. Hohoho! I know, I’m suspicious. I tried to check his gallery. Wow… it’s all.. me.

May picture pa kaming dalawa dun na naka pout ako tapos naka kiss siya sa akin. When did he take

this?? THESE rather.

After I checked Kenji’s phone I remembered that I was supposed to call Lucas, well I can’t. Since my phone’s with Kenji and Sara doesn’t have his number. So we ended up chatting, good thing he‘s on. I told him everything. Since he’s being suspicious and all. He went all the way here running, just to hug me. I deserve it.. I guess.

Kenji’s POV

“Ok class, do page 226 numbers 3, 5, 7 and 9.”

Amp!! Seatwork na naman! Leche talaga. Sa lahat ng ayoko pag may seatwork sa algebra eh! Badtrip.

Nahahassle tuloy ako! Tiningnan ko si Athena, mukhang olats lang sa kanya yung seatwork! Tss. Buti pa siya. Anak ng. woooh! Algebra..

Nilapit ko yung upuan ko kay Athena, “Pa-kopya..”

Tumingin lang siya sa akin tapos tinuloy yung pag sosolve niya. Ang damot ng wala!!

May kumatok sa pintuan ng classroom namin tapos bigla itong bumukas.

“Miss, you have a new student here.” sabi nung principal sa teacher namin, “Come here, this will be your new classroom, room 407 section 47. If you need anything I’ll be at my office, ok?” tapos umalis na ung principal.

“Come in, Mister…?” Mister? Ibig sabihin lalaki

“Lazaro.” LAZARO?!

Pumasok na yung lalaking nakasuot ng uniform namin, mahaba yung buhok medyo brownish tapos naka

sabit yung isang strap ng bag niya sa balikat niya, si Lucas.

“Mr. Lazaro, please introduce yourself to the class.”

Nagsmile si Lucas tapos humarap sa amin, “I’m Lucas Lazaro, I studied at Marymount High School for 5

months. Glad to be home.”

Nagpalakpakan yung mga classmates namin, ‘glad to be home’ si Lucas talaga! Tumayo sila Jigs at Kirby tapos hinug si Lucas. Lumapit naman si Lucas kay Grace tapos hinug niya rin ito.

“Lucas, you may sit there.” tinuro nung teacher namin yung bakanteng upuan sa may 3rd row, sa side namin ni Athena.

Pero bago umupo si Lucas, lumapit siya sa akin siyempre tumayo ako at nakipag shake hands

“Welcome home.” then niyakap ko rin siya. Friends kami diba? Ok na lahat sa amin.

Lunch break na namin, sabay sabay kaming bumaba ng tropa, siyempre kasama na si Lucas dun. Lahat ng mga tao nag tataka kung bakit kasama na namin si Lucas, yung iba nag bubulungan pa. yung ibang babae naman kinikilig. Ano ba to. Hinde ba nila nakikita si Lucas na pakalat kalat?? Tumambay kami sa mga bleachers malapit sa school lounge, dun na rin kami kumain.

Maya maya biglang tumakbo si Athena sa may cr. Napatayo si Lucas, tiningnan ko siya, parang nag

aalala, bakit ganun? May alam ba siya na hinde ko alam? Tumakbo si Sara sa cr para check si Athena, mga 15 minutes nakalipas, wala pa rin sila.

Nakita ko papalapit sa amin si Abigail. Napansin niya ata na nasa school na si Lucas. Tss. Lumipipad talaga ang balita.

Huminto siya sa tapat ko, “Kelangan kita makausap.. Mamayang uwian.. Magkita tayo dun sa dating

lugar.. Iintayin kita…” sabi niya

Mukang napakaseryoso ng sasabihin niya sa akin. Pupunta ba ako? Mukhang seryoso eh.. Pag pumunta

ako, malamang magagalit si Athena, pag hinde naman.. Sasama loob ni Abigail. Ano ba talaga ang dapat?

Wala naman sigurong masama kung maguusap kami… diba?

Chapter TWENTY EIGHT

Kenji’s POV

Lumabas na rin ng banyo si Athena at Sara, holding hands pa ha! Ayos. Bumobrokeback! Habang

papalapit silang dalawa, napansin kong medyo malungkot yung expression ng mukha ni Sara. Ano ba

kasing meron? Anong nangyari sa loob ng cr? Ano bang alam nila na hinde ko alam? Ano ba yung

tinatago nila sa akin??

Tumayo ako, “Anong nangyari?”

Napatingin si Sara kay Athena.. ano balak pa nilang itago sakin?!

“Anong nangyari?! Bakit ayaw niyong magsalita??”

Napayuko si Athena tapos si Sara tumingin sa akin, “She’s 8 weeks pregnant..”

Napatingin bigla si Athena kay Sara, “SARA!!” humarap siya sa akin, “Mi an.” Tapos naglakad siya

papunta sa may bench na inuupuan ni Grace. *I’m sorry+

“Per..o.. hinde naman.. walang.. samin.. hinde… ako.. ginawa.. pano..?” sabi ko ng paputol putol. Hinde ko alam kung pano ko sasabihin yung nasa isip ko, buntis?! Tama diba? tagalog ng PREGNANT, BUNTIS?!

Anak ng. SINONG TATAY?!

“YA!! I was just JOKING!” natawa sila Jigs at Kerb. Pinatong ni Sara yung kamay niya sa balikat ko,

“Joke.” Tapos lumapit siya kay Jigs.

Naiwan ako doong nakatayo. Nakatulala. A JOKE? tch. Hinde nakakatawa yung joke na yun. Halos

atakihin ako sa gulat nung sinabi niya yun!! ampotek! Ganun na ba mga joke ngayon?? Sasabihin bigla buntis yung girlfriend mo?! anak ng tokwa naman.

Lumapit sakin si Lucas, tapos inakbayan ako. “Ok ka lang ba?”

Tumango ako tapos ngumiti, “Buti naman at napilit ka nila Kerb bumalik dito. Matutupad na yung deal natin na dapat sabay sabay tayong gagraduate sa school na to.” Inakbayan ko rin siya

“Maiiwan ko ba naman ang Barney and Friends? Malamang hinde diba?”

“Thug Lords na kami papi!”

“Oh, sino nag bigay nun? Ayos ha! Thug Lords.. parang, sindikato lang!” natawa kami pareho

“Si Athena nag bigay nun, para daw kasi kaming gangster kung kumilos eh.” Sinabi ko habang nakangiti,

“Iba siya paps. Ibang iba..”

“Alam ko..” sinabi ni Lucas habang tumatango, “Alam ko..”

Umakyat na kaming pito sa classroom, habang paakyat kami, nakasalubong namin si Abigail.

Nagkatinginan kaming dalawa, ngumiti na lang ako sa kanya tapos hinawakan ko yung kamay ni Athena.

Napansin kong napatingin siya sa kamay namin kaya umuwas na ko ng tingin sa kanya. Pagkadating

namin sa classroom umupo na kaagad ako sa upuan ko.

“Kelangan kita makausap.. Mamayang uwian.. Magkita tayo dun sa dating lugar.. Iintayin kita…”

Ano kaya yung sasabihin niya sa akin? Importante ba yun? pwede naman niyang sabihin sakin yun

kanina kung ganun ka importante yung bagay na yun eh, pero hinde niya kaagad sinabi. Bahala na lang kung ano maging desisyon ko mamayang uwian!

Dismissal na, hinde ko pa rin alam kung anong desisyon ko. Lumabas ako at nilapitan ko si Athena, nag aayos siya ng locker niya habang kausap si Kerb. Pinagmamasdan ko lang siya.. habang tumatagal..

mukang hinde ko kayang mawala si Athena sa tabi ko. Dahil sa kanya, nakalimutan ko lahat ng galit ko sa past, napapakita ko na yung tunay na Kenji, naging masaya ulit ako at dahil sa kanya, natututo ulit akong magmahal at magtiwala sa taong mahal ko. FCUK CHEESY!

Hinde ko mapigilang ngumiti habang tinitingnan ko siya, siguro iniisip nila na nababaliw na ko.. siguro nga. Pero mas mababaliw ata ako pag… nawala siya sa tabi ko.

Hinampas ako ni Lucas sa may balikat, “Hinde halatang masaya ka ha!! Tama na yan! Natutunaw na si

Athena!” siniko ko siya, “Athena! Si Kenji kanina ka pa hinihintay!” napatingin sa amin si Athena tapos ngumiti

“Gag0 ka talaga! Hinde ka pa rin nag babago!”

“Lul! Nag bago kaya ako! Hinde mo ba napapansin? Mas gwapo na kaya ako sayo!” tapos nag Mr. Pogi

pose siya (yung parang naka check yung kamay) “Sige mauna na ako.” kumaway siya sa akin habang

nakatalikod na siya.

Nilapitan na ako ni Athena tapos bumaba na kami ng building. Bigla siyang humawak sa may braso ko, unconsciously, napangiti ako. Sa totoo lang.. masaya talaga ako at nakilala ko si Athena. Palagi ko na atang sinasabi yun eh, pero seryoso ako. masaya talaga ako at nakilala ko siya.

Ihahatid ko na siya sa bahay niya, habang papalapit kami ng papalapit naiisip ko na magkakahiwalay na naman kami at bukas ko na naman siya makikita. Parang ang bilis masyado ng araw ko pag kasama ko

siya. tama nga sila, time flies when you’re happy.

Dumating na yung oras na magkakahiwalay na naman kami, bumitaw na siya sa pagkahawak niya sa

braso ko tapos hamarap sa akin, “Sige, pasok na ko.. ingat ka sa pag punta mo sa work, ok? Tawagan mo na lang ako pagkauwi mo pag hinde hassle..” nag smile siya tapos tumalikod na.

Ayoko pang magkahiwalay kami kaya hinawakan ko yung kamay niya, “Gusto mo bang…… sumama sa

work ko? Para naman ganahan ako mag trabaho..” sana pumayag siya.. pumayag ka! Amp.

Humarap siya sakin tapos ngumiti, “Akala ko hinde mo na itatanong yan eh. Pasok ka muna,

magshoshower lang ako.”

Binuksan ng yaya nila yung gate tapos pumasok kaming dalawa sa loob ng bahay. Tahimik yung bahay

nila, wala ata si Nathan.

“Oppa’s not home, I think he’s with our uncle..”

“Ahh..” sabi ko. anong reply yan! Wala yung kuya Kenji! W-A-L-A!

“You wanna wait here, or in my room?”

“HA?!?!” nagsmile siya sa akin, sinabi niya bang sa room niya??? HER ROOM?? Wait sabi niya diba..

‘my room’ my = akin.. sa room niya! tama ba pagkarinig ko?

“Halika, dun tayo sa room ko.” teka, bakit bumibilis tibok ng puso ko? nakapasok na ko sa room ni

Athena dati eh! so wala ng problema kung papasok ulit ako, pati iintayin ko lang naman siyang matapos mali..go.. eh. ANAK NG!

Pagpasok namin ng kwarto niya, nilagay niya kaagad yung bag niya sa may table tabi ng PC niya. Amp!

Ano ba siya! She’s fcuking teasing me!

“Upo ka muna.” Umupo ako sa may sofa tapos umupo siya sa may bed niya, “Ayaw mo tumabi sakin?”

Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Anong problema niya?? SERYOSO! HINDE NAKAKATUWA! Lalaki

ako.. I have my own needs..

“You don’t like?” nagsmile siya sa akin, “Araso.” *alright+

“Ya. Gumanhe!” tinutukso niya talaga ako! hinde niya ba naiintindihan na lalaki ako? AT DALAWA LANG

KAMING NASA BAHAY NIYA! well, tatlo kami pero yung yaya niya hinde naman nakikialam yun eh. [geu

man hae = stop it]

“Wow! Korean yun ah.. bakit ba ayaw mong tumabi sa akin? Psh. Sige, ako na lang tatabi sayo.”

tumayo siya tapos umupo sa tabi ko, bigla niya akong niyakap.

“Hoy! Lalaki ako, natetempt din ako, alam mo ba yun? Bakit mo ba to ginagawa?”

“Kur sseh..” kiniss niya ako sa cheek ko, “Anong gagawin mo pag nalaman mong may twin sister ako?

tapos hinde mo alam na papalit palit lang pala kami.. hinde mo alam na hinde pala talaga ako si

Athena..” *keur sseh = well..+

“Malalaman ko naman kung sino yung Athena sa hinde eh. maffeel ko yun.. bakit may kakambal ka

ba?” umiling siya, “bakit bigla mong natanong yun?”

“Wala lang. sige maliligo na ko! dito ka lang ha! Ay! May bago akong laptop! Pinadala ng dad ko galing korea.” kinuha niya yung laptop niya sa may cabinet niya, “Gusto ko sabay natin buksan eh, pero na excite ako kaya binuksan ko na siya kagabi. Cute noh?” nag smile siya tapos lumabas na ng kwarto niya.

Tiningnan ko yung laptop niya, maganda nga. Mukhang bagong labas lang kasi ngayon ko lang to nakita eh. Spoiled nga talaga to, binibilhan ng bagong gamit kahit hinde naman kelangan. Sa bagay, hinde

naman siya magastos na tao eh. Premyo niya to dahil mabait siyang anak.

Binuksan ko yung monitor ng pc niya, tapos nag halungkat ng kung anu-ano. Pumunta ako sa My

Pictures. Ang daming folders, siyempre una kong nakita yung MY G-PRINCE na folder, all caps ba naman eh.

“G-Prince.. Gangsta Prince. Tss.”

Clinick ko yung folder pero hinde ko mabuksan, may password pang kelangan! ANO BA TO!! Sino kaya

yung nasa loob nun? Ayokong mag assume na ako yun. amp! Pano pag yung Tae Sung yun!? shiet!

Biglang bumukas yung pintuan ng kwarto tapos pumasok si Athena. Tapos na siyang maligo?! Saan siya naligo!? Diba dito yung banyo niya?! kaya pala ang lakas ng loob niya kasi hinde siya sa sarili niyang banyo maliligo eh! tss.

“ANG INIT SA LABAS!! GRABE!” sinabi niya habang nag papaypay siya gamit yung kamay niya. OMG SHE

LOOKS SOOOOOO... HOT? Basa pa yung buhok niya.. ano ba to! ang lakas talaga ng trip niya! Hinde

hinde! change topic!

“Naka bukas na nga ac mo eh, teka, hinde mo ba to pinapatay?”

Umiling siya, “Simula last month ayaw nilang ipa-patay yung ac eh. Ok lang daw kahit tumaas yung bill ng kuryente basta wag lang daw patayin yung ac. Kahit si Sara ayaw niya ipa-patay eh nanagalit.

Hehehe!! Weird noh?”

“Oo. weird nga. Ano, tara na?”

“5 minutes.” Umupo siya sa may couch tapos nag susuklay ng buhok.

Tumayo ako tapos umupo sa tabi niya, “Can I have a kiss? A long on--”

Naputol yung sentence ko kasi bigla niya akong kiniss.

After nung kiss namin, medyo naging awkward yung moment. Napansin kong nag blush siya tapos

tumayo na. niyaya ko na siya sa bahay para samahan akong mag bihis. Pagkatapos kong mag bihis

dumeretso na kaming dalawa sa work ko.

Pagkadating naming sa work ko, ang dami na kaagad na tao, puno na yung place pero wala namang mga

inorder.

“Iniintay ka ata nila. Puro babae oh.”

“Tss. Wala akong pakialam. Ginagawa ko lang naman trabaho ko eh.” naglakad kami papunta sa may

counter, “Dito ka sa table na to, dito mo ko hintayin ok? anong gusto mong kainin?”

“KIMCHI!!” nagsmile ako sa kanya tapos hinawakan yung mukha niya, “Ay.. kelan pa nagka piano dito?

Wala naman yan dati ha..”

“Gusto kasi ni boss gawing medyo sosyal yung place eh, kaya ayan naglagay sila ng space para sa piano.

Yun nga lang walang marunong mag piano.”

“Magkano bayad???” Mukhang pera.

“250 per night. Mga 10 songs dapat!”

“Sige! Sabihin mo mag aapply ako bilang pianist! Hehehe! Start na ko ngayon ha?” tumayo siya tapos pumunta sa may piano, umupo siya tapos binuksan yung cover ng keys.

Nagsimula na siyang tumugtog. Lahat ng tao napatingin sa kanya, kahit si boss napalabas ng opisina niya at napatingin kay Athena.

“Siya yung girlfriend mo diba? Magaling siya mag piano.”

“Gusto niya raw mag apply, kung ok lang daw..”

“Tanggap na siya. Sabihin mo, kung marunong rin siyang kumanta mas maganda. Dadagdagan ko ng

P50.00 bawat song na kakantahin niya. ok ba yun?”

Tumango ako. parang mas malaki pa yung kikitain niya kesa sakin ha?? Piano at kanta lang siya,

samantalang ako naglilinis kumukuha ng orders nagpapakahirap mababa sweldo!

Nakaka 5 songs na si Athena, sabi ni boss mag break daw muna siya ng 1 hour, hinde naman daw kami

nag mamadali.

Umupo kaming dalawa ni Athena, binigay ko na sa kanya yung kimchi na inorder niya kanina, napansin kong masaya siya habang nag pipiano. Siguro hilig niya talaga yun.

*bzzzzt*

Nilabas ko yung cellphone ni Athena, tiningnan ko kung sino yung tumatawag,

Calling..

Carlo Paez

Flinip ko yung phone para sagutin yung tawag niya, nakatingin lang sa akin si Athena

“Si Kenji to.”

“Si Ate Athena?? Kelangan ko siya makausap..”

“Teka lang..” inabot k okay Athena yung cellphone niya, “Si Carlo. Mukhang importante eh.”

Kinuha niya yung phone, “Hello?”

Biglang nanlaki yung mata ni Athena, “Nasan ka ngayon? Ok ka lang ba??”

Tumatango siya, pucha parang nakikita ni Carlo yung pag tango niya ah.

“Sige, pupunta ko dyan! Intayin mo ko, ok??” binaba na niya yung phone.

“Ano raw yun?” dahan dahan inangat ni Athena yung ulo niya, “May nangyari ba?”

Tumango siya. “Yung lola ni Carlo dinala sa hospital kagabi.. hinde niya alam yung gagawin niya kasi hinde pa raw gumigising.. hiwalay na kasi yung parents niya at may kanya kanyang pamilya kaya yung lola na lang niya yung nag aalaga sa kanya.”

Halatang nagaalala siya kay Carlo. Parang magkapatid na rin kasi ang turingan nila. Mabait na bata si Carlo kahit kelan lang namin siya nakilala. Lagi niya kaming binibigyan ng pagkain tuwing recess, pag lunch lagi silang nag kkwentuhan ni Athena.. kaya pala kanina wala siya kasi nasa ospital siya.

“Sige, tapusin na lang natin yung work, tapos diretso na tayo sa ospital ok?” nag nod siya sa sinabi ko.

Tinuloy namin yung work namin, kunwari wala na lang nangyari, tumugtog siya ng masasayang kanta,

ako naman tuloy sa pag silbe sa mga customers. Habang tumatagal dumadami pa rin yung customers.

Masaya sana eh, kaya lang si Athena nag aalala na. pag dating ng 10:00 pm, nag madali na kaming

makakuha ng taxi at pumunta na sa ospital kung saan naka confine yung lola ni Carlo.

Mga 2 hours din kaming nandoon, gusto pa sana mag stay ni Athena pero sinabi ko sa kanya na may

pasok pa kami bukas. Medyo kumalma na si Athena dahil napansin niyang ok lang naman si Carlo. Nag

taxi na lang rin kami pabalik tapos nag pababa sa tapat ng village namin. Nakabalik naman kami ng

kampante yung loob.

Hinawakan ko yung kamay niya para alam niyang nasa tabi niya lang ako.

“Alam mo, ang laki ng pinag bago mo. Hinde ka na gangster. Lover ka na ba?” tumawa siya ng mahina.

“Ayoko ng makikipag away ka ha. ayaw ko ng may mangyayari sayo..”

“Lalaban lang ako pag sinabi mong lumaban ako..” tumingin siya sakin tapong ngumiti. “Seryoso.

Babawian ko lang yung mga hayop na yun pag sinabi mong lang na ‘Kenji lumaban ka!’ para may

permission ako.”

“Promise?”

“Promise.”

Pagkadating namin sa may park hinarang kami ng 5 lalaki. Kakasabi lang ni Athena na ayaw niya akong makipag away pero yung away talaga yung lumalapit sakin eh! Potek.

“Tigas rin ng mukha mo noh? Pwede bang layuan mo nga yung girlfriend ng kaibigan ko!” Sinong

girlfriend ang pinag sasasabi nito?! Hinde ko nga siya kilala eh! “Nag away yung dalawa ng dahil sayo alam mo ba yun?!”

BOOK: She's Dating the Gangster
4.82Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

Every Fear by Rick Mofina
Dearly Devoted Dexter by Jeff Lindsay
Abduction by Simon Pare
Sweet Salvation by Maddie Taylor
Who Killed Palomino Molero? by Mario Vargas Llosa
Nothing Is Terrible by Matthew Sharpe
Cemetery Club by J. G. Faherty
The Nuclear Winter by Carl Sagan