Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

She's Dating the Gangster (6 page)

BOOK: She's Dating the Gangster
9Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads
Chapter NINE

Siya nga, si pretty boy.. si Lucas..

Nag smile siya tapos lumapit siya sa akin, “Uy! Long time no see ha. Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo? Si Kenji ba..?”

“Ha.. Ah.. Oo..”

“D-day niyo ba to?”

“Ha?”

“Dateday.” Tapos nag smile siya sakin. Ang gwapo niya talaga.

“Aah. DATE?! Hinde ah. Binulabog lang niya nga ako sa pagtulog ko eh!”

“Binulabog? Bakit? Diba kayo?”

“HINDE AH!!”

“Hinde?” OMG. Ano ba sinabi ko? Masyado lang akong nadala! Ayokong sabihing may boyfriend ako kasi ang gwapo ng katapat ko, pero ATHENA MAY GIRLFRIEND NA SIYA!

“Ano nga ba ulit sinabi ko?” tama! act STUPID LIKE KENJI!

“Tinanong kita kung bakit ka binulabog ni Kenji, tinanong ko rin kung kayo. Ang sabi mo, hinde.”

“Ah.. hinde nga.. hinde niya ko binulabog. Kami ni Kenji. Sorry, magulo isip ko ngayon eh.. Puyat kasi ako.”

“Ahh..” and he fell for it time to change the topic

“Teka, saan ka nga pala nag aaral? Pati nasaan si Abigail?”

“Sa Marymount High. Si Abi? Umalis kasama ng mga friends niya.” Marymount High? Dito lang rin ata

yun around BF eh.. pero hinde ako sure.. hinde naman ako lumilibot dito sa BF eh..

“Ahh.. ganun ba..”

“Oo.” Tapos nag smile siya, “Uy sige Athena, mauna na ako. pupuntahan ko pa si Abi.”

“Aah.. oh sige, ingat ka!” nag smile ako, he smiled back. Then he left.

Paglabas ni Lucas ng PG, tumalikod na ulit ako para hanapin yung CR nakakita lang ako ng gwapo nawala yung pagka full tank ko, pero nung nawala, nagwarning nanaman! Ang nakakainis pa dun, pagtingin ko sa may right side nandun na yung cr! Ibig sabihin kanina ko pa hinde nakikita yung cr! Hanap ako ng hanap pag tumingin lang ako sa right side ko andun na yung cr! Nadala ako masyado sa stress kay Kenji at Lucas..

Paglabas ko galng CR nakita ko si kenji nag aabang sa tapat ng pinto. Ano ba siya! mapagkakamalan

siyang namboboso sa ginagawa niya eh!

Lumapit ako sa kanya, “oh bakit nandito ka?”

“Bakit ang tagal mong mag cr??”

“Eh ano bang pakialam mo?”

“Madami!!!”

Madami? Bakit? May pakialam ba siya sakin? Sa mga ginagawa ko at mga gagawin ko?

“Bakit ba kasi kelangan malaman mo kung ano yung mga gagawin ko? pati, bakit inintay mo pa ko sa

tapat ng cr?!”

“Wala lang.. kasi.. akala ko umalis ka ng hinde nag sasabi.. nagiging habit mo na kasi yun eh. kaya..

pumunta ako dito, para intayin ka.. bakit ba kasi ang tagal mo?”

“Hinde ko kasi nahanap kaagad yung cr..” sasabihin ko ba na nakita ko si Lucas? Oh hinde na lang? tutal wala naman siyang pakielam eh kung nagkita kami oh hinde.

“Ah.. yun lang ba? Wala ng ibang dahilan?”

“Pati nakasalubong ko si Lucas..”

“Si Lucas?! Nagusap kayo??”

“Oo, saglit lang naman eh.”

“Kahit na!! hinde mo dapat kausapi nyung lalaking yun!! alam mo naman na malaki yung grudge ko dun eh! Pati pano na lang pag nakita ng mga tao na magkausap kayo? Nilalagay mo yung sarili mo sa

kapahamakan! Alam ng mga tao na nagdedate tayo, tapos may kinakausap kang ibang lalaki! At yung

matindi dun, sa lalaking galit ako! ta@&*%$ naman!”

“Sabi ko naman na saglit lang kami nag usap diba? hinde ka ba makaintindi!? What’s wrong with that?!

and I’m just trying to be friendly, that’s it! Ayoko naman maging snob sa kanya kasi wala naman siyang ginagawa sa akin, and anong kinalaman ko sa away niyong dalawa? Was I the reason?!”

“PERO NGA GIRLFRIEND KITA! DAPAT HINDE MO SIYA KAKAUSAPIN KASI ALAM MONG MAGKAGALIT

KAMI!”

“FRIENDS NGA LANG KAMI EH! FRIENDS!! Alam mo ba ibig sabihin ng FRIENDS??” nagagalit siya dahil

kinausap ko si Lucas, ano bang malay ko sa gulo nilang tatlo?! Magkakilala na ba kami nung time nay un?

Buti ba kung alam ko yung buong pangyayari, eh hinde naman eh! bakit kelangan niyang mag-vent sa

akin!?

“Hinde mo kasi ako maintindihan eh!! bahala ka na nga!” tumalikod siya tapos nag walk-out. MY GOD!

what’s wrong with him!?

Sumunod ako sa kanya, papalabas na siya ng PG, hinawakan ko yung braso niya para huminto siya sa pag lalakad at pakinggan yung part ko.

“HINDE KO PALA MAINTINDIHAN EH, EDI IPAINTINDI MO SA AKIN!!! " napansin ko na medyo nag

stiffened siya. "Look, I’m sorry. Ayokong madamay sa gulo ninyo, wala naman akong alam diba?

Pumayag na nga ko na tulungan kang mabalik sayo si Abigail eh, if patuloy tayong magaaway ng ganito, then our plan will not succeed.. ano bang masama kung magiging magkaibigan kami diba?”

“Kasi… meron kang.. yun.. hinde malabong magustuhan ka ni Lucas..”

“Ha?”

“Magkaibigan tayo, baka saktan ka ni Lucas, ayoko mangyari sayo un. Kahit na lagi tayong nag aaway, ayokong gaguhin ka na lang ng isang gag0.”

“Wag ka na ngang magalit! Tara mag mall na lang tayo!”

“Tss ikaw talaga. Tara na nga!”

Sabay kaming nag lakad ni Kenji papalabas ng PG, nagtrike kami hanggang labas ng BF at sumakay kami ng bus, papunta ng ATC. First time ko lang mag commute dito sa pilipinas, pero nung nasa korea pa ko madalas kaming mag bus ni Sara. Nakakaasar, niyaya ko siyang mag mall, eh wala naman akong dalang

bag! Sadyang sarili ko lang at cellphone lang yung dala ko!

Kaya nilibre ako ni Kenji sa lahata, fare, food at siguro sa kung ano pang pwede naming magawa dun sa mall.

Nagikot-ikot kami ni Kenji, sinamahan niya ako tumingin ng mga damit pero sabi ko sa kanya na ok lang sa akin na maghiwalay muna kami at magikot-ikot muna siya. tatawagan ko na lang siya pag tapos na ko tumingin ng mga damit. Pumayag naman siya.

Pumasok ako sa isang store para tumingin ng mga damit, habang tumitingin ako, nakakita na naman ako ng familiar na mukha, naka side view kasi yung tao, tapos wala pa akong suot na contact lens! Eh ang bulag ko pa naman din pag wala akong suot na salamin or contact lens..

Hinde ko na lang pinansin yung nakita kong babae, baka kasi mapahiya lang ako. tuloy tuloy pa rin ako sa pag titingin ng mga damit tapos may biglang kumausap sa akin

“Athena! Musta na?”

“Uy! Ikaw pala Abigail! Sabi ko na nga ba familiar yung itsura mo eh. sorry, hinde kita pinansin kaagad, Malabo kasi mata ko eh, wala akong suot na contacts.”

“Ok lang yun, oo nga pala, bakit mag isa ka lang? wala ka bang kasama?”

“Meron. Pinag-ikot ikot ko muna siya.”

“Si Kenji ba yun? Buti hinde siya tinamad mag drive!” fishing siya ha.. baka gusto niya lang itanong kung kasama ko si Kenji, kung nasaan siya at kung bakit niya ako kasama!

“Oo, si Kenji nga, sabi ko kasi sa kanya mag-ikot ikot muna siya kasi baka mainip siya kakasunod sa akin, pati nag commute lang kami.” Nag smile ako

“Alam mo nung kami pa ni Kenji hinde niya ako iniiwan, kung saan ako mag punta kasama ko pa rin siya, ayaw niyang nagiisa ako. pati hinde niya ako pinagcocommute, lagi siyang magpapahatid sundo sa

driver. Oh kaya mag dadala ng car.. ewan ko lang kung bakit nag bago na siya ngayon..” tapos nag smile siya.

Then I gave her a fake smile. B!tch.

“Abi!” sabay kaming napatingin sa lalaking tumawag sa kanya.. si Lucas.

“Hey Luke!" tapos nagmadaling lumapit si Abigail kay Lucas, ngayon yayakap yakap ka sa kanya

pagkatapos mong ipagmayabang sakin yung tungkol sa inyo ni Kenji!

“Uy, Athena.” Then he smiled at me, I smiled back.

Ayoko na, masyado ng maliit yung mundo namin dito sa store na to, kelangan isa sa amin umalis na.

“Sige, mauna na ako, pupuntahan ko pa si Kenji eh.” nagsmile ako sa kanila tapos nag lakad na papalayo

“Alam mo Athena nung kami ni Kenji, hinde niya ako hinahayaang puntahan siya,ang gusto niya siya

yung pumupunta sa akin.”

Tumingin ako sa kanya at sinabing, “Kasi sa aming dalawa, ako yung BATAS. I’m his princess, queen, and god, and he’s my slave.” Nag smile ako tapos napansin kong nag form into a fist yung kamay niya while naka smile siya. tumalikod na ako tapos nag sisimulang mag lakad.

Ano bang problema niya? When did I brag about something to her? Bakit kelangan niyang magsabi ng

stuff tungkol sa kanila ni Kenji?! As if I care! Pati wag nga niyang itulad yung relationship namin ni kenji ngayon sa kung anong nangyari sa kanilang dalawa dati, kasi alam kong mas HEALTHY yung amin kesa

nung sila! Nakakaasar! Mukha lang pala talaga siyang mabait! GREAT PRETENDER! Hate her!

Naiinis talaga ako! Bahala nga siya sa buhay niya! Hinde ko siya tatawagan! Siya tumawag sakin! Hanapin niya ko kung gusto niya!!

Nagpunta ako sa may lobby para magisip.

Calling..

상민 오빠 [SangMin Oppa]

“What?”

“Bakit parang badtrip ka?”

“No.. I’m just tired..”

“Stop pouting!”

“How'd you know I’m pouting?”

“Look to your left.”

Tumingin ako sa left ko at nakita ko si Kuya Nathan naka smile.

Inend na namin yung tawag, tapos lumapit si kuya sa akin.

“Who are you with? Why didn’t you tell me that you’re going somewhere?”

“Sorry.. I didn’t plan this..”

Nagsmile sakin si kuya tapos tinap yung ulo ko, “So are you with your namja chingoo?” *namja chingoo =

boyfriend]

“ANIYO!! He’s not my boyfriend oppa!!” *aniyo = no; oppa = older brother+

Tumawa si kuya Nathan, ano ba to! Pati siya niloloko na niya ako. ano bang problema nila? Dapat nga maniniwala siya sa akin ‘coz im his one and only dongsaeng! [younger sibling]

“I’m sorry, it’s just that.. I’m happy for you, ‘coz you know.. after Tae Sung, you’re finally back to your old self. You can smile, laugh and bully again.” Tapos nag smile siya

Tae Sung oppa.. he’s my first love. I met him in Korea.. kapit bahay namin siya sa korea. 3 years ang tanda niya sa akin, sobrang close sila ni Kuya Nathan kasi pareho silang half-korean half pinoy, tapos magka age pa sila. Araw araw nasa bahay namin siya, tapos lagi niya akong inaaway! Pag iiyak na ko he’ll hug me then he will give me a lollipop.

One time inaway ako nung mga classmate ko sa korea, bakit daw ako dun nag aaral, eh hinde naman

daw ako Korean.. wala akong magawa kasi wala naman akong kakampi, sa araw araw na pag pasok ko sa

school na yun, walang nakakaalam sa family ko sa mga nangyayari sakin sa school, pero isang araw

nakita ako ni Tae Sung oppa na binubully ako ng mgaclassmates ko, ipinagtanggol niya ako sa mga yun at sinabing ‘pag inaway niyo ulit si Athena lagot kayong lahat sa akin! Ipapakain ko kayo sa malaking aso namin!’ siyempre in korean niya sinabi yun.

Tapos nung malaki na kami siguro mga 14? Sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Pag dating ko raw ng 17

years old, kelangan maging girlfriend niya ako. pumunta siya sa states nun para lang sabihin na gusto niya ako at kelangan maging girlfriend niya at the age of 17. Pag balik ko ng Korean, nalaman ko na lang na may girlfriend na siya.. sa bagay.. ilang taon lang naman ako nun eh pero hinde ko masasabing ok lang sakin yun kasi hinde naman talaga ok sakin. Sa totoo lang nasaktan ako ng sobra sobra.

Feeling ko nainsecure rin siya sa status ko nun sa korea.. ang tagal ko rin nun nalungkot, 2 years halos nagmukmok ako dahil sa sakit. Pero ngayon ok na ulit ako. 1 year ng nakalipas yung pag mumukmok ko.

kaya ngayon, IM MORE THAN OK. t years ko na syang hinde nakikita at nakakausap kaya ok lang kahit

ilang beses mo pang sabihin sa mukha ko yung pangalang TAE SUNG.

“ATHENA!!! YA DONGSAENG!!!”

“Huh??”

“OMFG! You’re idling!!!”

“Hehehe.. sorry. Kanina mo pa ba ako tinatawag?”

“Uhh.. Yeah? Kanina pa rin may tumatawag sayo!”

“Ah. Hehe. Ikaw kasi eh!! you mentioned Tae Sung oppa’s name! ayan tuloy!”

“Sorry!” tapos nag smile siya.

Tiningnan ko phone ko, 2 missed calls, puro si Kenji! Bahala siya! ayoko siyang tawagan! Hanapin niya ko.

“Kuya, si Kenji parang si Tae Sung oppa.. pareho sila ng ugali! Lagi akong inaaway! Grabe!”

“Edi magugustuhan ko pala yang si Kenji? Kasi kaibigan ko si Tae Sung eh, yun nga lang.. iba parin pag lumaki ng korea. baka hinde sila ganung magkaugali.”

“Ewan ko.. pero kasi.. parang ngayong naaalala ko si Tae Sung oppa, feeling ko..spirit niya si Kenji eh..

parang malas talaga ako sa mga fil-kor.”

“Hinde yan. Halika nga dito!” hinug ako ni kuya Nathan.

Magkamukha si Kenji at si Tae Sung.. hinde naman sobra pero may angle lang.. tapos magkaugali,

minsan mabait madalas nakakabwiset. Ewan ko. weird.

Magkasama kami ni kuya sa lobby for 40 mins. Kwentuhan lang. nakakatamad na kasi mag libot. Wala

akong salamin na dala, wala akong contacts na suot, wala rin akong dalang pera! Ayoko naman sabihin kay kuya kasi pagtatawanan lang ako nun.. pero kasi may nakita akong magandang dress eh! gusto kong bilhin pero wala akong pera!

“Athena!” sabay kaming napatingin ni kuya sa lalakign tumawag sa akin, hinde ko pa siya mamukaan

kasi ang layo niya pa, tapos Malabo pa mata ko!

“Si Tae Sung ba umuwi ng pinas?” Tae Sung? Hinde naman umuwi ng pinas yun eh, bakit siya uuwi

dito!? Kaya nga ako umuwi dito para hinde ko na siya makita eh! pero bakit naman niya naitanong yun?

Tae Sung.. Tae sung..

Papalapit sa amin yung lalaki.. lumilinaw na rin yung mukha niya sa paningin ko, AAAAAAAHHH!!! Si

Kenji!

“He’s not Tae Sung oppa! He’s Kenji.” Napatingin sakin si kuya Nathan.. What??

“Ano ka ba!! Kanina pa kita hinahanap! Mga 1 hour na ata kitang hinahanap eh!!!” napatingin siya kay kuya Nathan, “Sino naman to?? Nameet mo dito tapos nakipag landian ka na?”

Nag grin lang si kuya Nathan sa mga sinabi ni Kenji..

“No dumb@ass. He’s my oppa.”

“At sinong niloko mo?! hinde nga kayo magkamukha eh.” nakasmile pa rin si kuya Nathan kay

Kenji,naiintindihan niya si Kenji! Pareho kasi silang ganyan. hassle.

“You must be Kenji, I’m Nathan Dizon. Athena’s kuya” tapos inalok ni kuya yung hand niya para

makipag shake hands.

Nakatingin lang si Kenji kay kuya, parang nagulat siya sa mga sinabi ni kuya..

“Ngayon na niniwala ka na ba?”

“Kenji delos Reyes. Boyfriend niya.” Tapos nakipag shake hands si Kenji.

BOOK: She's Dating the Gangster
9Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

Ellie's Wolf by Maddy Barone
Pumpkin Head Mystery by Gertrude Chandler Warner
Dangerous Desires by Dee Davis
Winds of Eden by Catrin Collier
My Perfect Mate by Caryn Moya Block