Noli Me Tangere (11 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
13.57Mb size Format: txt, pdf, ePub

[126] Ang bawa't isá sa m~ga dios n~g bahay.

[127] Ang palatuntunan n~g m~ga sumasampalataya sa maraming Dios. Sa m~ga táong gaya ni Capitán Tiago'y maiuucol lamang itóng tulâ ni Lucrecio: "Primus in orbe deus fecit timor;" ang tacot ang siyáng pinanggalin~gan n~g m~ga dios.--P.H.P.

[128] Palatuntunang walang kinikilala cung dî isáng Dios lamang.--P.H.P.

[129] Si Jesús, si María at si Joséf.

[130] Libin~gan n~g m~ga taga Egipto.

[131] Sombrerong may tatlong dúlo.

[132] Isá sa m~ga anyò (orden) n~g arquitectura.

[133] Loobin nawa n~g Dios na matuloy ang hulang itó sa sumulat n~g maliit na libro at sa ating lahat na sa canyá'y naniniwalâ--J.R.

[134] Pitóng wicâ; datapowa't hindi sinasabi n~g catagalugang "pitóng wicâ" cung di "Siete Palabras."

Hindi nagcacaisa ang m~ga Evangelista tungcol sa m~ga sinabi ni Jesús n~g siya'y napapacò na sa Cruz:

I. Sinasabi ni San Mateo sa cap. 27, versículo 46 n~g canyáng Evangelio at ni San Marcos sa capítulo 15, versículo 34 n~g canyáng Evangelio, na itó raw lamang ang sinaysay ni Jesús, n~g malapit na ang hora n~g "nona"--ani San Mateo--n~g hora n~g "nona"--ani San Marcos:
Dios co, ¿bakit aco'y pinabayaan mo?

II. Sinasabi namán ni San Lúcas sa m~ga versículong 34, 43 at 47, n~g capítulo 23 n~g canyáng Evangelio, na itó raw ang m~ga sinaysay ni Jesús n~g napapacò na siyá sa Cruz;

1.
Amá, patawarin mo silá; hindi nalalaman ang caniláng guinagawa.

2.
Ang catotohana'y sinasabi co sa iyo, n~gayo'y cacasamahin catâ sa Paraiso,
na bilang casagutan niyá sa isá sa dalawang magnanacaw (na hindî sinasabi sa m~ga Evangelio cung anó ang m~ga pan~galan) na nacapacong gaya rin niya, na sa canyá'y nagsalitâ n~g ganitó: "Alalahanin mo acó cung icaw ay na sa iyong caharian na."

3.
Amá co, sa m~ga camáy mo'y ipinagtatagubilin co ang aking calolowa.

III. At sinabi ni San Juan sa capítulo 19, m~ga versículo 26, 27, 28 at 30 n~g canyáng Evangelio, na itó raw m~ga wicang itó ang sinabi ni Jesús sa canyáng pagca-paco sa Cruz.

1. At sa pagca't nakita ni Jesús ang iná at ang alagád na canyáng sinisintang naroroon, sinabi sa canyáng iná:
Babae, nariyan ang iyóng anác.

2. Sinabi pagcatapos sa alagad:
Nariyan ang iyong ina.

3.
Nauuhaw acó.

4.
Natapos na.

Pinagsamasama n~g Iglesia Católica Apostólica Romana ang m~ga sinabing iyán at siyáng n~ginan~galanang
"Siete Palabras.
"--P.H.P.

[135] Ang Sacerdote sa Roma na n~g una'y humuhulà n~g m~ga mangyayari sa panahong darating, sa pamamag-itan n~g pagmamasid n~g paglipad at paghuni n~g m~ga ibon.

[136] Ang candilang malaki at mahaba.

[137] Ang taga Iberia.--Ang Iberia'y ang magcanugnóg na lupang kinalalagyan n~g España at Portugal.

[138] Mapapalad ang m~ga may espiritung dukhá

[139] Lumiligaya ang nacacacaya sa buhay.

[140]
Lumualhati sa Dios sa caitaasan at capayapaan sa m~ga taong may mabuting calooban.
--Alinsunod cay Don Lázaro Bardón, catedratico sa Universidad Central sa Madrid, España, ay ganito raw sa wicang castilà ang tunay na cahulugan:
Gloria á Dios en las alturas; en la tierra, paz; entre los hombres; buena voluntad
--Luwalhati sa Dios sa caitaasan; sa lúpa'y capayapaan; sa m~ga táo'y mabuting calooban.

[141] Carunun~gang ucol sa Dios at ang sa canyá'y m~ga pinagcacakilanlan.

[142] Ilalagay n~g Papa sa Roma sa bilang n~g m~ga santo at santa.

[143] Caranun~gang nagpapaunawà n~g m~ga anyô at paraang dapat gawín upang masunduan ang m~ga pagcakilalang magaling n~g m~ga nangyayari.

[144] Felix Torres Amat, obispo sa Astorga. Siyá'y ang isá sa m~ga naghulog sa wicang castilà n~g Biblia.--Ang filosofíang sinulat ni Amat.

[145] Ang m~ga mundong waláng tiguil n~g mabilís na pagtacbó n~g araw. Cung masdán natin dito sa lupa'y m~ga bituing malamlám ang ningning. Ang m~ga pan~gulong planeta, alinsunod sa canilang láyò sa araw ay ang m~ga sumusunod: Mercurio, Venus, ang Lupang ating tinatahanan, Marte, Júpiter, Saturno at Neptuno. Bucód sa ritó'y marami pang m~ga planetang hindi makita cung dî sa pamamag-itan n~g "telescopio."

[146] Itinatag ang beaterio at Colegio n~g Santa Catalina ni Fr. Juan de Santo Domingo, provincial n~g m~ga fraileng dominico n~g taong 1696 at pinasimulán n~g araw n~g cafiestahan ni Santa Ana n~g taóng 1696 din. Ang dahil n~g pagtatayo n~g beaterio at colegiong itó'y n~g may cáligpitan ang m~ga babaeng ibig manatili sa pagcadalaga hanggang nabubuhay. Ang palatuntunan nilá'y ang palatuntunan din n~g Tercer Orden ni Santo Domingo, at nanunumpang tulad sa m~ga fraile, na magpapacalinis n~g catawa't calolowa, magpapacarukhâ at magmamasunurin. Pinapagtibay ang pagcacatayò n~g ligpitang itó n~g m~ga babae n~g Real Despacho na may fechang 17 n~g Febrero n~g 1716 na siyang nagbigay wacás sa m~ga iniharáp na tutol na huwag ipatuloy ang pagtatatag n~g beaterio at colegiong iyán. Inilagáy niláng pintacasi si Santa Catalina de Sena. Ipinag-utos na labinglimang monja de coro lamang ang mátitira roon, bilang paunlác sa labinglimang misterio n~g Rosario. Ipinagcaloob n~g Real Cédula n~g 1732 na macapaglagay n~g isáng simbahan at macagamit n~g isáng campana, at tuloy ipinag-utos na huwag piliting mamalagui ang m~ga monja sa lubós na pagligpit; cung di sa nauucol lamang sa magalíng na pamamanihala n~g beaterio at colegio.

Ang palatuntunang sinusunod doon ay di macararaan ang sino mang monja sa pintuang na sa loob n~g convento, na isáng matandang monja ang taga-bantáy; n~guni't sino mang tao'y macapapasoc doon, cailan man at may tan~ging pahintulot ang provincial n~g m~ga dominico. N~g huwag n~g manaog ang m~ga babaeng na sa beaterio at colegio n~g Santa Catalina ay nan~gaglagay ang m~ga paring dominico n~g tuláy na nakikita sa itaas n~g daang San Juan de Letrán, sa loob n~g Maynila at n~g doon magdaan ang m~ga babaeng iyón n~g pagpasa simbahan n~g San Juan de Letrang cacabit naman n~g Colegio n~g m~ga lalaking San Juan de Letran din ang pan~galan, at ang namamahala't nagtuturò'y pawang m~ga fraileng dominico. Sa gayong paraa'y maguinhawa n~ga namán ang pagsimba at pananalan~gin n~g m~ga monja sa simbahan n~g San Juan de Letrán.

Bagá man n~g una'y ligpitan ang Santa Catalina n~g m~ga babaeng castilang ibig tumalicod sa m~ga layaw at casayahan sa mundo, hindi nalao't minagaling n~g m~ga fraileng dominico, na man~gasiwâ ang ilán sa m~ga monja sa pagtuturò sa m~ga dalagang ibig pumasoc at mag-aral sa Santa Catalina. Ang itinuturò doo'y pag-basa, pagsulat, doctrina cristiana, m~ga gawáng ucol sa babae. Nan~gag-aaral din namán n~g pagpapacabanál. Dinagdagan n~g m~ga dominico n~g 1865 ang dami n~g m~ga "hermana" at n~g lalong mapalaganap ang caniláng m~ga pagtuturò. Hindî itinutulot sa m~ga pumapasoc sa Colegio n~g Santa Catalina ang macaaalis cung di rin lamang may totoong malaki't di maiwasang dahilán.

Ang namamahalà sa beaterio'y ang provincial n~g dominico at isáng "priora" na siyá, ring "madre superiora" sa colegio, at may isáng directorang nacaaalam n~g m~ga pagtuturò.--P.H.P.

=VII.=

=MAIROG NA SALITAAN SA ISANG "AZOTEA"=

Maagang nan~gagsimbá n~g umagang iyón si tía Isabel at si María Clara: mainam na totoo ang pananamít nitó at may tan~gang isáng cuintás na azúl ang m~ga butil, na inaarì niyáng parang brazalete,[147] at may salamín sa matá si tía Isabel, upang mabasa ang daláng "Ancora de Salvación"[148], samantalang nagmimisa.

Bahagyâ pa lamang nacaaalís sa altar ang sacerdote, nagsabi ang dalagang ibig na niyáng omowî, bagay na totoong ipinangguilalás at isinamâ n~g loob n~g mabaít na tíang waláng boong acalà cung dî ang canyáng pamangking babae'y mápagbanal at madasaling tulad sa isáng monja man lamang. Nagbubulóng, at pagcatapos na macapagcucrûz ay nagtindíg ang mabaít na matandáng babae.--¡Bah! patatawarin na acó n~g mabaít na Dios na dapat macakilala n~g púso n~g m~ga dalaga cay sa inyó pô tía Isabel--Ang sasabihin sana ni María Clara sa canyá upang putlín ang canyáng matitindí, n~guni't sa cawacasa'y m~ga pagsesermóng-ná.

N~gayó'y nacapag-agahan na tila at nilílibang ni María Clara ang canyáng pagcainíp sa paggawâ n~g isáng sutláng "bolsillo", samantalang ibig pawìin n~g tía ang m~ga bacás n~g nagdaang fiesta sa pagpapasimulâ n~g paggamit n~g isáng plumero. Sinisiyasat at inuusisa ni Capitang Tiago ang m~ga iláng casulatan.

Bawa't lagunlóng sa daan, bawa't cocheng dumaraan ay nan~gagpápacaba sa dibdib n~g vírgen at siya'y pinan~gin~gilabot. ¡Ah, n~gayó'y ibig niyáng maparoon ulî sa beaterio, sa casamahán n~g canyáng m~ga caibigang babae! ¡Doo'y matitingnan niyá "siyáng" hindî man~gín~ginig, hindî magugulumihanan! Datapowa't ¿hindî bagá, siyá ang iyóng caibigan n~g panahóng musmus ca pa? ¿hindî bâ cayó'y nan~gaglálaro n~g laróng halíng at hanggáng sa cayó'y nag-aaway na manacànacâ? Ang dahil n~g m~ga bagay na itó'y hindî co sasabihin; cung icáw na bumabasa'y umibig ay mapagkikilala mo, at cung hindî namán ay sayang na sa iyó'y aking sabihin; hindî mapag-uunawa ang m~ga talinghagang itó n~g hindî na casisinta cailán man.

--"Sa acalà co María'y may catowiran ang médico--ani Capitang Tiago. Dapat cang pasalalawigan, namumutlâ ca n~g mainam at nagcacailan~gan ca n~g m~ga mabubuting han~gin. Anó bang acalà mo: ¿sa Malabón ... ó sa San Diego?

Namulá si Maríang tulad sa "amapola"[149] pagcárinig niyá nitóng hulíng pan~galan, at hindî nacasagót.

--"N~gayó'y páparoon cayó ni Isabel at icáw sa beaterio, at n~g cunin ninyó roon ang iyóng m~ga damít, at macapagpaalam ca sa iyóng m~ga caibigan; hindî ca na papasoc ulî roon.

Dinamdam ni María Clara iyáng hindî malírip na calungcutang bumabalot sa cálolowa, pagcâ iniiwan ang isáng kinatirahang pinatamuhán natin n~g caligayahán; n~guni't nagpagaang n~g canyáng pighatî ang pagcaalaala n~g isáng bagay.

--At sa loob n~g apat ó limáng araw, pagcâ may damít ca nang bágo'y paparoon tayo sa Malabón.... Walâ na sa San Diego ang iyóng ináama; ang curang nakita mo rito cagabí, iyóng paring bátà ay siyáng bagong cura natin doón n~gayón; siyá'y isáng santo.

--¡Lalong nacagágaling sa canyáng catawán ang San Diego, pinsan!--ang ipinaalaala ni tía Isabel;--bucód sa roo'y lalong mabuti ang bahay natin doón, at sacâ malapit na ang fiesta.

Ibig sanang yacapin ni María Clara ang canyáng tía; n~guni't narinig niyáng tumiguil ang isáng coche ay siyá'y namutlâ.

--¡Ah, siyá n~gâ!--ang isinagót ni Capitang Tiago, at nagbago n~g pananalitâ at idinagdág:--¡Don Crisóstomo!

Nalaglág sa m~ga camáy ni María Clara ang tan~gang canyáng guinágawà; nag-acalà siyáng cumilos ay hindî nangyari: isáng pan~gin~gilabot ang siyáng tumátacbo sa canyáng catawán. Nárinig ang yabág n~g paa sa hagdanan at pagcatapos ay ang sariwà at voces lalaki. Tulad sa cung ang voces, na itó'y may capangyarihang hiwágà, iniwacsí n~g dalaga ang laguím at nagtatacbó at nagtágò sa panalan~ginang kinálalagyan n~g m~ga santo. Nagtawanan ang dalawáng magpinsan, at nárinig ni Ibarra ang in~gay n~g sinásarhang pintuan.

Namúmutlà, humíhin~ga n~g madalás, tinutóp n~g dalaga ang cumácabang dibdíb at nag-acalang makiníg. Náriníg ang voces, yaóng voces na pinacasísinta't sa panag-ínip lamang niyá náririnig: ipinagtátanong siyá ni Ibarra. Sa pagcahibáng sa towâ ay hinagcán niyá ang santóng sa canyá'y nálalapit, si San Antonio Abad; santong mapalad n~g nabubuhay at n~gayóng siyá'y cahoy; láguì n~g may magagandáng m~ga tucsó! Pagcatapos ay humanap n~g isáng bútas n~g susîan, upang makita niya si Ibarra; mapagsiyasat ang canyáng anyô; n~gumín~gitî si María Clara at n~g cunin siyá n~g canyáng tía sa gayóng panonood, sumabit sa líig n~g matandáng babae at sinisì itó n~g halíc na paulit-ulit.

--N~guni't halíng, ¿anó ang nangyayari sa iyó?--ang sa cawacasa'y nasabi n~g matandáng babae, na pinapahid ang isáng lúhà sa m~ga matá niyáng lantá na.

Nahiyâ si María Clara at tinacpán ang m~ga matá, n~g canyáng mabibilog na m~ga brazo.

--¡Halá, maghusay ca, halica!--ang sabi n~g matandáng babae n~g boong pag-irog.--Samantalang nakikipag-usap siyá sa iyóng amá n~g iyóng ... ¡halica at huwag cang magpahintay!

Napadalá ang dalagang tulad sa isáng musmós, at doon silá nagculóng sa canyáng "aposento."

Masayá ang salitaan ni Capitang Tiago at ni Ibarra n~g sumipót si tía Isabel na halos kinacaladcad ang canyáng pamangkíng babae, na nagpapalin~gàlin~gà cung saansaan, datapuwa't hindî tumítin~gin sa canino mang táo....

¿Anóng pinag-usapan n~g dalawáng cálolowang iyón, anó ang canicaniláng sinabi diyán sa salitaan n~g m~ga matá, na lalong lubós ang galíng cay sa salitaan n~g bibíg, salitaang ipinagcaloob sa cálolowa at n~g huwag macaguló ang in~gay sa pagtatamóng timyás n~g damdamin? Sa m~ga sandalíng yaón, pagca nagcacawatasán ang dalawáng linikháng sumasaligaya sa kilos n~g m~ga balintataóng natatabin~gan n~g m~ga pilíc-matáng pinaglalampasanan n~g pag-iísip, ang pananalita'y mabagal, magaspáng, mahinà, wan~gis sa ugong n~g culóg na nan~gan~galagcag at waláng tuos cung isusumag sa nacasisilaw na liwanag at mabilís n~g kidlát: nagsasaysay n~g isáng damdaming kilala na, isáng isipang napag-uunawà, na, at cayâ lamang guinagamit itó'y sa pagcá't ang mithî n~g púsò'y siyáng nacapangyayari sa boong cataohang saganang saganà sa galác, íbig na ang boong catawán niyáng casama ang lahát n~g sancáp na lamán, butó at dugô at ang boong caisipán ay magsaysáy n~g hiwagang m~ga catowâang inaawit n~g espíritu. Sa tanóng n~g pagsintá sa isáng sulyáp na numíningning ó lumálamlam, waláng m~ga sagót ang salitâ: tumútugon ang n~gitî, ang halíc ó ang buntóng hinin~gá.

At pagcatapos, sa pagtacas n~g dalawáng nagsisintahan sa "plumero" n~g tía Isabel na nagpapaban~gon sa alicabóc, silá'y pumaroon sa azotea upang silá'y macapag-usap n~g boong calayâan sa silong n~g m~ga bálag; ¿anó ang caniláng pinag-usapan n~g marahan at nan~gín~ginig cayó, m~ga maliliit na bulaclác n~g "cabello-de-ángel"? Cayó ang magsabi't may ban~gó cayó sa inyóng hinin~gá at may m~ga cúlay cayò sa inyóng m~ga labì; icáw, "cefiro"[150] ang magsabi yamang nag-aral ca n~g di caraniwang m~ga tínig sa líhim n~g gabíng madilim at sa talinghagà n~g aming m~ga cagubatang virgen; sabihin ninyó, m~ga sinag n~g áraw, maningníng na tagapagpakilala sa lúpà n~g Walang Hanggán, tan~ging hindî nahahawacan sa daîgdig n~g m~ga natátangnan: cayó ang man~gagsabi, sa pagca't walâ acóng nalalamang isaysáy cung dî m~ga cahalin~gáng hindî mainam dingguín.

N~guni't yamang áayaw ninyóng sabihin, aking títingnan cung aking maisásaysay.

Other books

The Secret Knowledge by Andrew Crumey
Glasshouse by Charles Stross
Ice by Lyn Gardner
The Violent Century by Lavie Tidhar
Disciplinary Measures by Cara Bristol
Runaway by Bobbi Smith
Wistril Compleat by Frank Tuttle