Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

Noli Me Tangere (58 page)

BOOK: Noli Me Tangere
7.15Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

At nagtindig ang matandang lalaki, na nagn~gin~gitn~git, at idinagdag, na nagniningning ang panin~gin, malagunlong ang tinig at sinasabunutan ang canyang mahahabang m~ga buhóc:

--¡Sumpain acó, sumpain acó na aking piniguil ang mapanghiganting camay n~g aking m~ga anac; acó n~ga ang pumatay sa canila! ¡Cung pinabayaan co sanang mamatay ang may sala, cung hindi sana acó lubós nanalig sa justicia n~g Dios at sa justicia n~g m~ga tao, n~gayon disi'y may m~ga anac pa acó, marahil sila'y nan~gagtatago, datapuwa't n~gayo'y may m~ga anac naman sana acó, at hindi sila sana nan~gamatay sa capapahirap! ¡Hindi aco ipinan~ganac upáng maguing amá, caya wala acong m~ga anac n~gayón! ¡Sumpain acó, na hindi co natutuhang makilala sa aking catandaan ang lupaing aking kinatatahanan! Datapuwa't matututo acong ipanghiganti co cayó sa pamamag-itan n~g apoy, n~g dugo at n~g aking sariling camatayan!

Ang culang palad na amá, sa casilacbuhan n~g canyáng pighati, nalabnot ang bigkis n~g ulo, at dahil sa gayo'y nabucsan ang sugat sa noo, at doo'y bumalong ang isáng batisang dugo.

--Pinagpipitagan co ang inyóng pighati,--ang muling sinabi ni Elías,--at napagwawari co ang inyong panghihiganti; acó nama'y gaya rin ninyo, at gayón man, sa aking pan~gan~ganib na baca aking masugatan ang waláng malay, lalong minamagaling co pa ang calimutan co ang aking m~ga casawiang palad.

--¡Mangyayari cang macalimot, sa pagca't bata icáw at sa pagca't hindi ca namamatayan n~g isa man lamang anac, n~g sino mang siyáng iyong catapusáng maaasahan! N~guni't aking ipinan~gan~gaco sa iyo, hindi co sasactan ang sino mang walang casalanan. Nakikita mo ba ang sugat na ito? Upang huwag cong mapatay ang isang caawaawang cuadrillerong gumaganap n~g canyang catungculan, ipinaubaya cong siya ang sumugat sa akin.

--Datapuwa't tingnan po ninyó--ani Elías pagca lampas n~g sandaling hindi pag-imíc;--tingnan po ninyó cung alin ang cakilakilabot na siga na inyong pagsusugbahan sa ating culang palad na m~ga bayan. Cung gaganapin n~g inyong sariling m~ga camay ang inyong panghihiganti, gaganti n~g catacot tacot ang inyong m~ga caaway, hindi laban sa inyó at hindi rin laban sa m~ga taong sandatahan, cung di laban sa bayan, na ang caraniwa'y siyáng isinusumbong, at pagcacagayo'y ¿gaano caraming m~ga paglabag sa catuwiran ang mangyayari!

--¡Mag-aral ang bayang magsanggalang sa sarili, magsanggalang sa sarili ang bawa't isa!

--¡Talastas po ninyong iya'y hindi mangyayari! Guinoo, cayó po'y aking nakilala n~g ibang panahon, niyóng panahong cayo po'y sumasaligaya, niyao'y pinagcacalooban ninyo acó n~g m~ga paham na aral; maitutulot baga ninyong?...

Naghalukipkip ang matanda at wari'y nakikinig.

Guinoo,--ang ipinagpatuloy ni Elías, na pinacasusucat na magaling ang canyáng m~ga wika;--nagca palad acong macagawa n~g isang paglilingcod sa isang binatang mayaman, may magandang puso, may caloobang mahál at mithì ang m~ga icagagaling n~g canyang tinubuang bayan. Ang sabihana'y may m~ga caibigan ang binatang ito sa Madrid, ayawan co, datapuwa't ang masasabi co sa inyo'y siya'y caibigan n~g Capitan General. ¿Anó po ang inyong acala cung siya'y ang ating papagdalhin n~g m~ga carain~gan n~g bayan at siya'y pakiusapan nating magmalasakit sa catuwiran n~g m~ga sawing palad?

Umiling ang matandang lalaki.

--¿Mayaman ang sabi mo? walang iniisip ang m~ga mayayaman cung hindi ang dagdagan ang canilang m~ga cayamanan; binubulag sila n~g capalaluan at n~g caparan~galanan, at sa pagca't ang caraniwa'y magaling ang canilang calagayan, lalo na cung sila'y may m~ga caibigang macapangyarihan, sino man sa canila'y hindi nagpapacabagabag sa pagmamalasakit sa m~ga culang palad. Nalalaman cong lahát, sa pagca't n~g una'y aco'y mayaman!

--N~guni't ang taong sinasabi co po sa inyo'y hindi cawan~gis n~g m~ga ibá: siya'y isang anác na inalimura dahil sa pag-aala-ala sa canyáng amá; siya'y isang binata, na sa pagca't hindi malalao't magcacaasawa, nag-iisip isip siya n~g sa panahong darating, n~g isáng magandang casasapitan n~g canyáng m~ga anác.

--Cung gayo'y siya'y isang taong magtatamong ligaya; ang catuwiran nating ipinagtatanggol ay hindi ang sa m~ga taong na sa caligayahan.

--¡Datapuwa't iyan ang catuwirang ipinagtatanggol n~g m~ga taong may puso!

--¡Hari na n~ga!--ang muling sinabi n~g matandang lalaki at saca naupo,--ipalagay mo n~g ang binatang iya'y sumang-ayong siya ang maghatid n~g ating carain~gan hangang sa Capitang General; ipalagay mo n~g siya'y macakita sa pan~gulong bayan n~g España n~g m~ga diputadong magsanggalang sa atin, ¿inaacala mo na baga cayang papagtatagumpayin na ang ating catuwiran?

--Atin munang ticmang gawin bago tayo gumamit n~g isang paraang kinacailan~gang magsabog n~g dugo,--ang isinagót ni Elías,--Dapat na macapagtacá po sa inyó, na acó, na isá rin namang sawing palad, bata at malacás ang catawan, ang siyang makiusap sa inyo, na cayo'y matanda na't mahina, n~g m~ga paraang payapa: at ganito, sa papca't aking napanood ang lubhang maraming cahirapang tayo rin ang may cagagawang gaya rin n~g m~ga cagagawan n~g m~ga malulupit; ang mahina ang siyang nagbabayad.

--¿At cung sacaling wala tayong magawang anó man?

--May magagawa tayo cahi't cacaunti, maniwala po cayo; hindi ang lahat n~g m~ga nan~gan~gatungculan sa baya'y hindi marunong cumilala n~g catuwiran. At cung wala tayong masundaan, cung aayaw pakinggan ang ating cahin~gian, cung magpacabin~gi na ang tao sa capighatian n~g canyang capuwa, pagnagcagayo'y ¡hahandog po aco sa bawa't inyong ipag-uutos!

Niyacap ang binata n~g matandang lalaking lipos n~g malaking catuwiran.

--Tinatanggap co ang iyong panucala, talastas cong gumaganap ca n~g iyong pan~gaco. Paririto ca sa aki't cata'y tutulun~gan upang maipanghiganti ang iyong m~ga magugulang, at aco nama'y tutulun~gan mo upang maipanghiganti co ang aking m~ga anac, ¡ang aking m~ga anac na pawang nacacatulad mo!

--Samantala'y huwag po ninyong pababayaang mangyari ang ano mang gahasang cagagawan.

--Isasalaysay mo ang m~ga carain~gan n~g bayang pawang talastas mo na, ¿Cailan co malalaman ang casagutan?

--Sa loob po n~g apat na araw ay mag-utos po cayo n~g isang taong makipagkita sa akin sa pasigan n~g San Diego, at sasabihin co sa canya ang maguing casagutan sa akin n~g taong aking inaasahang.... Cung siya'y sumang-ayo'y canilang kikilalanin ang ating catuwiran, at cung hindi'y aco ang unaunang matitimbuang sa pakikilabang ating gagawin.

--Hindi mamamatay si Elias, si Elias ang mamiminuno cung matimbuang si capitang Pablong busog na ang puso sa canyang panghihiganti,--anang matandang lalaki.

At siya rin ang sumama sa binata hanggang sa macalabas sa labas.

=XLVI.

SABUNGAN.=

Upang ipan~gilin sa Filipinas ang hapon n~g araw n~g linggo'y napasasa sabun~gan ang caraniwan, na gaya naman sa Españang ang larong pakikiaway n~g tao sa toro ang siyang pinaroroonan. Ang pagsasabong n~g manoc, hilig na masamang dito'y dinala n~g m~ga taga ibang lupain at mahiguit n~g isang daang taóng guinagawang panghuli n~g salapi, ay isa riyan sa m~ga pan~git na pinagcaratiban n~g bayan, na lalong malaki ang casam-an cay sa opio sa m~ga insic; diya'y napaparian ang dukha't inilalagay sa pan~ganib ang canyang boong pagcabuhay, sa pagmimithing siya'y magcasalaping hindi nagpapagal; napaparian diyán ang mayaman't n~g maglilibang, at diya'y caniyang guinagamit ang salaping labí sa canyang m~ga piguing at m~ga "misa de gracia"; datapwa't sa canila (sa m~ga mayayaman) ang capalarang diya'y pinaglalaruan, palibhasa'y magaling na totoo ang pagcacaturo sa sasabun~gin, marahil lalong magaling cay sa pagcaturo sa canilang anac na lalaki, na siyang hahalili sa ama sa sabun~gan, at wala n~ga caming itututol sa bagay na ito.

Sa pagca't ipinahihintulot n~g Gobierno, at hanggang halos canyang ipinagaanyaya, sa pag-uutos na gawin ang gayong panoorin sa "hayag na m~ga plaza", sa "m~ga araw n~g fiesta" (at n~g makita n~g lahat at macahicayat ang uliran), "pagcatapos n~g misa mayor hanggang sa dumilim sa hapon" (walong oras), dumalo tayo sa larong ito upang hanapin ang ilang m~ga cakilala.

Walang ikinatatan~gi ang sabun~gan sa San Diego sa m~ga sabun~gan sa iba't ibang bayan, liban na lamang sa ilang m~ga bagay. Nababahagui sa tatlong pitac: ang una, sa macatwid baga'y ang pasucan, ay isang malaking cabahayang tuwid, na may dalawampong metro ang haba at labing apat na metro ang luang; sa isa sa canyang m~ga taguilira'y may isang pintuang isang babae ang caraniwang nagbabantay, na siyang catiwala sa paninin~gil n~g sa pinto, ó cabayaran sa pagpasoc doon. Sa buwis na itong bawa't isa'y nagbibigay roon, tumatanggap ang Gobierno n~g isang bahagui, m~ga ilang daang libong piso sa isang taón: sinasabing sa salaping itong ibinabayad n~g "vicio" upang siya'y magcaroon n~g calayaan, nanggagaling ang ipinagpapatayo n~g m~ga maiinam na m~ga paaralan, ipinagpapagawa n~g m~ga tulay at m~ga daan, ipinagtatatag n~g m~ga ganting pala upang lumusóg ang pagsasaca at pan~gan~galacal ... purihin nawa ang vicio na naghahandog n~g gayong lubhang magagaling na m~ga bun~ga!--Sa unang pitac na ito nalalagay ang m~ga nan~gagbibili n~g hitso, m~ga tabaco, m~ga cacanin, m~ga pagcain at iba pa; naririan diyan ang caramihang batang lalaking sumasama sa canilang m~ga ama ó amaing sa canila'y nagsasakit n~g pagtuturo n~g m~ga lihim n~g pamumuhay.

Capanig ang pitac na ito n~g isá pang lalong malaki n~g caunti, isang pinaca salas, na pinagtitipunan n~g madla bago gawin ang m~ga "soltada". Nariyán ang pinacamarami sa m~ga manoc, na nan~gatatali n~g isáng lúbid sa lupa, sa pamamag-itan n~g isang pacong but-ó ó lúyong; nariyan ang m~ga tahur, ang m~ga malulugdin sa sabong, ang mananari: diyán nan~gagcacayari, nagninilaynilay, nan~gun~gutang, sumusumpa, nagtutun~gayaw, humahalachac; hinihimas niyón ang canyáng manoc, na pinaraanan n~g camáy ang ibabaw n~g makikintab na m~ga balahibo; sinisiyasat nama't binibilang nito ang m~ga caliskis sa m~ga paa; pinagsasalitaanan ang m~ga maiinam na gawa n~g m~ga bayani; diya'y inyóng mapapanood ang maraming m~ga mukhang malulungcót, na bitbit sa m~ga paa ang bangcay na wala n~g balahibo; ang pinacamahalmahal na hayop sa loob n~g ilang buwan, pinalayawlayaw at sa canya'y ipinagcatiwala ang lalong caayaayang m~ga pag-asa, n~gayo'y wala cung di isáng bangcay na lamang, na ipagbibili sa isáng peseta, upáng lutuing luya ang cahalo at canin sa gabí ring iyón: "sic transit gloria mundi". Pauwi na ang natalo sa canyáng bahay, na pinaghihintayan sa canya n~g esposang cacabacaba ang loob at n~g m~ga limalimahid na m~ga anac, na hindi na taglay ang caunting pamimilac at ang sasabun~gin. Yaong lahat na m~ga panaguinip na calugodlugod, yaong m~ga pagaalagang tumagal n~g mahabang panahon, mula sa pagbubucang liwayway hanggang sa paglubóg n~g araw, yaong lahat n~g m~ga pagpapahirap at pagpapagal, ang kinauwia'y isang peseta, ang m~ga nálabing abó sa gayóng cacapal na asó.--Sa ulutang itó nakikipagtutulan ang lalong pan~god na isip: ang lalong gagasogaso'y pinagsisiyasat na magaling ang gayóng bagay, tinitimbang, pinagmámasid, ibinubucadcad ang m~ga pacpac, hinihipo ang m~ga casucasuan n~g m~ga hayop na iyón. Maiinam na totoo ang pananamit n~g m~ga ilang sinusundan at liniliguid n~g m~ga caanib n~g canicanilang m~ga sasabun~gin; marurumi namán ang m~ga ibá, natatatac sa canilang mamayat na m~ga mukha ang larawan n~g vicio, at caniláng sinusundan n~g boong pagmimithi ang m~ga kilos n~g m~ga mayayaman at canilang pinagmamasdang magaling ang m~ga pustahan, sa pagca't mangyayaring mahuho ang m~ga bulsa, datapuwa't hindi nangyayaring masiyahan ang masamang hilig; diya'y waláng mukháng hindi guising; diya'y wala ang mapagpabayang filipino, ang tamád, ang hindi makibuin: ang lahát ay pawang kilusán, masimbuyong budhi, pagsusumicap; masasabing silá'y may isang cauhawang siyáng nagbibigay casayahan sa tubig sa pusali.

Buhat sa ulutang ito'y tumutun~go sa labanang ang pamagata'y "Rueda". Ang tuntun~gan nito, na nababacuran n~g cawayan, ang caraniwa'y mataas cay sa dalawang panig na sinabi na n~g una. Sa dacong itaas, na halos sumusucó na sa bubun~gan, may m~ga gradería, lunsódlunsód bagang upuan, na iniuucol sa m~ga manonood ó m~ga magsasabong, dalawang salitang nagcacaisa n~g kinauuwian. Sa boong itinatagal n~g labanan ay napupuno ang m~ga graderiang itó n~g m~ga taong may gulang na at n~g m~ga batang nan~gagsisigawan, nan~gaghihiyawan, nan~gagpapawis, nan~gag-aaway at nan~gagtutun~gayaw: ang cagalinga'y bihirang bihira ang babaeng nacararating diyán. Nan~gasasa "Rueda" ang m~ga táong litáw, ang m~ga mayayaman, ang m~ga bantog na "tahur", ang contratista (a entista) at ang sentenciador (tagahatol). Sa lupa, na mainam ang pagcacapicpic ay nan~gaglalaban ang m~ga hayop, at buhat diya'y ipinamamahagui n~g Capalaran sa m~ga familia ang m~ga tawanan ó m~ga pagtan~gis, ang magagaling na pagcain ó ang cagutuman.

Sa horas n~g ating pagpasoc ay naroroon na ang gobernadorcillo, si capitang Pablo, si capitang Basilio, si Lucas, ang tao bagang may pilat sa mukha, na totoong nagdamdam n~g pagcamatay n~g canyang capatid.

Lumapit si capitang Basilio sa isa sa m~ga taong bayan at tumanong:

--¿Nalalman mo ba cung anong manoc ang dala rito ni Capitang Tiago?

--Hindi co po na lalaman; may dumating po sa canyang dalawa caninang umaga, ang isa sa canila'y ang lasac na tumalo sa talisayin n~g Consul.

--¿Sa acala mo caya'y mailalaban sa canya ang aking si bulic?

--¡Aba, nacú, mailalaban po! ¡Ipupusta co po sa inyong manoc ang aking bahay at ang aking baro!

Dumarating sa sandaling iyon si capitang Tiago. Ang pananamit ay tulad sa m~ga malalacas na magsasabong: barong lieszong Caatóng, salawal na lana at sombrerong jipijapa. Sumusunod sa canyá ang dalawang alila; dala n~g isa ang lasac at ang isa nama'y isang puting sasabun~ging totoong pagcalakilaki.

--¡Ang sabi sa akin ni Sinang ay pagaling na n~g pagaling si María!--ani capitang Basilio.

--Wala n~g lagnát, datapuwa't mahina pa.

--¿Natalo po ba cayó cagabi?

--Caunti; nalalaman cong nanalo cayó ... titingnan co cung macababawi acó.

--¿Ibig po ba ninyóng isabong ang lásac?--ang tanong ni capitang Basilio, na tinitingnan ang manóc, at saca hinin~gi itó sa alila.

--Alinsunod, sacali't may pustahan.

--Gaano po ba ang ipupusta ninyó.

--Cung magcuculang din lamang sa dalawa'y hindi co na isasabong.

--¿Inyo bang nakita na ang aking búlic?--ang tanóng ni capitang Basilio at saca tinawag ang isang táong may dalang isang maliit na sasabun~gin.

--¿Gaano po ba ang ipupusta ninyó?--ang tanóng.

--Cung gaano ang inyóng ipusta.

BOOK: Noli Me Tangere
7.15Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

A Stitch on Time 5 by Yolanda Sfetsos
Water Rites by Mary Rosenblum
The French Revolution by Matt Stewart
A Cowboy's Touch by Denise Hunter
Redzone by William C. Dietz
All In by Kate Willoughby
Different Gravities by Ryan M. Williams
Wreck of the Nebula Dream by Scott, Veronica