Noli Me Tangere (56 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
9.19Mb size Format: txt, pdf, ePub

--Guinoong Linares--ang sa canya'y sinabi n~g cura, na ano pa't pinucaw siya sa canyang pagcawili sa panonood;--narito na si pari Damaso.

At tunay n~ga namang dumarating si pari Damaso, na namumutla at ga nalulungcot na; pagbaban~gon niya sa higaa'y si Maria Clara ang unang canyang dinalaw. Hindi na siya ang dating pari Damaso, na totoong mataba at mapag-aglahi; n~gayo'y lumalacad na walang imic at anyong hahapayhapay.

TALABABA:

[259] May nangyari sa Calamba na gayon ding bagay.

[260] Sa "original" na wicang castila'y sinasabing "casáronse" (napacasal silá) ó "cazáronse" (naghulihan sa pamamag-itan n~g pan~gan~gaso), laro n~g salitang hindi magawa sa wica natin.

=XLIII.=

=MGA PANUCALA.=

Hindi niya pinansin ang sino man, tuloytuloy siya sa higaan n~g may sakit, at saca niya hinawacan ang camay nito:

--¡Maria!--ang canyang sinabi n~g hindi maulatang pag-irog, at bumalong sa canyang m~ga mata ang m~ga luha;--¡Maria, anac co, hindi ca mamamatay!

Binucsan ni Maria ang canyang m~ga mata at tiningnan siya n~g tanging pagtataca.

Sino man sa m~ga nacacakilala sa franciscano'y hindi na~ngaghihinala man lamang na siya'y may taglay n~g gayong lubhang m~ga caguiliwguiliw na damdamin; hindi inaacala n~g sino mang sa ilalim n~g gayong matigas at magaspang na anyo'y may tangkilic na isang puso.

Hindi nacapanatili roon si pari Damaso, at umiiyac na parang musmos na lumayo sa dalaga. Tinun~go niya ang "caida" upang doo'y maibulalas niya ang canyang capighatian, sa lilim n~g m~ga gumagapang na halaman sa durun~gawan ni Maria Clara.

--¡Pagcalakilaki n~g canyang pag-ibig sa canyáng inaanac!--ang sapantaha n~g lahat.

Pinagmamasdan siya ni fray Salví na hindi cumikilos at hindi umiimic, at nan~gan~gagat labi n~g bahagya.

N~g anyóng natatahimic na si pari Dámaso'y ipinakilala sa canya ni doña Victorina ang binatang si Linares, na sa canyá'y magalang na lumapit.

Waláng imic na pinagmasdan siya ni pari Dámaso, mula sa m~ga paa hangang úlo, inabot ang súlat na sa canya'y iniabot ni Linares, at binasa ang lihim na iyóng anaki'y hindi napag-uunawa ang lamán, sa pagca't tumanóng:

--¿At sino po ba cayó?

--Acó po'y si Alfonso Linares, na inaanac n~g inyóng bayáw ...--ang pautál na sinabi n~g binata.

Lumiyad si pari Dámaso, mulíng minasdan ang binata, sumaya ang mukha at nagtindíg.

--¡Aba, icaw palá ang inaanac ni Carlicos!--ang biglang sinabi at siya'y niyacap; halica't n~g kita'y mayacap ... may ilang, araw lamang na catatanggap co pa n~g canyang sulat ... ¡abá, icaw palá! Hindi catá nakikilala ... mangyari baga, hindi ca pa ipinan~gan~ganac n~g aking lisanin ang lupaing iyón; ¡hindi cata nakilala!

At pinacahihigpit n~g canyáng matatabang m~ga bisig ang binata, na namúmula, ayawan cung sa cahihiyan ó sa pagcainís. Tila mandin nalimutan n~g lubós ni pari Dámaso ang canyáng pighati.

N~g macaraan ang iláng sandali n~g pagpapakita n~g pagguiliw at pagtatanong sa calagayan ni Carlicos at ni Pepa, tumanóng si pari Dámaso:

--¡At n~gayon! ¿anó ang ibig ni Carlicos na gawin co sa iyó?

--Tila mandin may sinasabi sa sulat na caunting bagay ...,--ang muling sinabi ni Linares n~g pautál.

--¿Sa sulat? ¿tingnan co? ¡Abá, siya n~ga! ¡At ang ibig ay ihanap catá n~g isáng catungculan at isáng asawa! ¡Hmm! ¡Catungculan ... catungculan, magaang; ¿marunong ca bang bumasa't sumulat?

--¡Tinanggáp co ang pagca abogado sa Universidad Central!

--¡Carambas! icaw pala'y isang picapleitos (mapang udyóc sa pag-uusapin) datapuwa't wala sa iyong pagmumukha ... tila ca isang mahinhing dalaga, n~guni't ¡lalong magaling! Datapuwa't bigyán catá n~g isang asawa ... ¡hm! ¡hmm! isang asawa....

--Padre, hindi po acó lubháng nagdadalidali,--ang sinabi ni Linares na nahihiya.

Datapuwa't si pari Dámaso'y nagpaparoo't parito sa magcabicabilang dúlo n~g caida, na ito ang ibinúbulong:--¡Isang asawa, isáng asawa!

Hindi na malungcot at hindi naman masaya ang canyang mukha; n~gayo'y nagpapakilala n~g malaking cataimtiman at wari'y may iniisip. Pinagmamasdan ni pari Salví ang lahat n~g ito mula sa malayo.

--¡Hindi co acalaing macapagbibigay sa akin n~g malaking capighatian ang bagay na ito!--ang ibinulong ni pari Dámaso n~g tinig na tumatan~gis;--datapuwa't sa dalawang casamaa'y dapat piliin ang pinacamaliit.

At lumapit cay Linares at saca inilacas ang pananalita:

--Halica, bata,--anya:--causapin nata si Santiago.

Namutla si Linares at cusang napahila sa sacerdote, na nag-iisipisip sa paglacad.

N~g magcagayo'y humalili naman sa pagpaparoo't parito sa caida si pari Salví, na naggugunamgunam ayon sa dati niyang caugalian.

Isang tinig na sa canya'y nagbibigay n~g magandang araw ang siyang nagpahinto n~g canyang capaparoo't parito: tumunghay at ang nakita niya'y si Lucas, na sa canya'y bumati n~g boong capacumbabaan.

--¿Anó ang ibig mo?--ang tanong n~g m~ga matá n~g cura.

--Among, ¡aco po ang capatid n~g namatay sa caarawan n~g fiesta!--ang sagot na cahapishapis ni Lucas.

Umudlot si pari Salví.

--¿At ano?--ang ibinulong na bahagya na marin~gig.

Nagpupumilit umiyac si Lucas at pinapahid n~g panyo ang canyang m~ga mata.

--Among,--ang sinabing nagtutuman~gis,--¿naparoon po aco sa bahay ni don Crisóstomo upang humin~gi n~g cabayaran sa búhay ..., ipinagtabuyan muna aco n~g sicad, at ang sabi'y aayaw raw siyang magbayad n~g ano man, sa pagca't nan~ganib daw siyang mamatay sa sala n~g aking guiliw at cahabaghabag na capatid. Nagbalic po acó ó cahapon, n~guni't siya'y nacapasa Maynila na, at nag-iwan n~g limang daang piso upang ibigay sa akin, parang isang caawang-gawa, at ipinagbiling huwag na raw bumalic aco cailan man! ¡Ah, among, limang daang piso sa aking caawa-awang capatid, limang daang piso, ah! ¡among!...

N~g una'y pinakikinggan siya n~g cura na nagtataca at inuulinig ang canyang pananalita, saca untiunting nasnaw sa canyang m~ga labi ang isang lubhang malaking nagpapawalang halaga at pag-alipusta, sa pagcamasid n~g gayong daya at paglambang, na cung nakita sana ni Lucas, marahil siya'y tumacas at nagtumacbo n~g boong tulin.

--¿At ano ang ibig mo n~gayon?--ang itinanong na casabay ang sa canya'y pagtalicod.

--¡Ay! among, sabihin po ninyo sa akin, alang-alang sa Dios, cung ano caya ang dapat cung gawin; sa tuwi na'y nagbibigay ang among n~g mabubuting m~ga hatol....

--¿Sino ang may sabi sa iyo? Hindi icaw tagarito....

--¡Nakikilala ang among sa boong lalawigan!

Lumapit sa canya si pari Salví na nanglilisic ang m~ga matá sa galit, itinuro sa canya ang lansan~gan at saca sinabi sa gulat na si Lucas:

--¡Humayo ca sa iyong bahay at pasalamat ca cay D. Crisostomo na hindi ca ipinabilanggo! ¡Lumayas ca rito!

Nalimutan ni Lucas ang canyang pagpapacunwari at bumulong:

--Abá ang isip co'y....

--¡Lumayas ca rito!--ang sigaw ni pari Salví na malaki ang galit.

--Ibig co po sanang makipagkita cay pari Dámaso....

--May gagawin si pari Dámaso ... ¡lumayas ca rito!--ang muling ipinagutos n~g matindi n~g cura.

Nanaog si Lucas na nagbububulong:

--¡Isa pa naman ito ... pagca siya'y hindi nagbayad n~g magaling!... Cung sino ang bumayad n~g magaling....

Nan~gagsidalo ang lahat, dahil sa malacas na catatalac n~g cura, pati ni pari Dámaso, ni capitan Tiago at ni Linares....

--¡Isang walang hiyang hampas-lupa, na naparitong nanghihin~gi n~g limos at aayaw magtrabajo!--ang sinabi ni pari Salví, na dinampot ang sombrero at bastón at tinun~go ang convento.

=XLIV.=

=PAGSISIYASAT NG CONCIENCIA.=

Mahabang araw at malulungcot na m~ga gabí ang guinawang pagtatanod sa ulunan n~g hihigán; nabinat si María Clara caracaracang matapos macapagcumpisal, at wala siyang sinasalita, sa boong canyang pagcahibang, cun di ang pan~galan n~g canyang ina, na hindi niya nakikilala. Datapuwa't siya'y pinacaaalagaan n~g canyang m~ga caibigang babae, n~g canyang amá at n~g canyang tía; nagpapadala n~g m~ga pamisa at n~g m~ga limos sa lahat n~g m~ga larawang mapaghimala; nan~gaco si capitan Tiagong maghahandog n~g isang bastong guinto sa Virgen sa Antipolo, at sa cawacasa'y nagpasimula n~g untiunting paghibas n~g lagnat n~g boong cahusayan.

Nangguiguilalas ang doctor de Espadaña sa m~ga cabisaan n~g jarabe de altea at n~g pinaglagaan n~g liquen, m~ga panggamot na hindi binabago. Sa laking pagcatuwa ni doña Victorina sa canyang asawa, isang araw na natapacan nito ang cola n~g canyang bata, hindi niya nilapatan n~g caugaliang parusang bawian n~g panglagay na n~gipin, cun di nagcasiya na lamang na sa canya'y sabihin:

--¡Cung hindi ca pa naguing pilay, tatapacan mo pati n~g corsé!

--¡At hindi gumagamit n~g corsé si doña Victorina!

Isang hapon, samantalang dinadalaw ni Sinang at ni Victoria ang canilang caibigan, nan~gagsasalitaan naman sa comedor ang cura, si capitang Tiago at ang mag-anac ni doña Victorina, hanggang sila'y nan~gagmimirindal.

--Tunay n~gang aking dinaramdam n~g di cawasa,--ang sinasabi n~g doctor;--at daramdamin din namang totoo ni pari Dámaso.

--¿At saan po ang sabi ninyong siya'y ililipat nila?--ang itinanong ni Linares sa cura.

--¡Sa lalawigang Tayabas!--ang isinagot n~g cura n~g walang cabahalaan.

--Ang magdaramdam naman n~g malaki ay si María pagca canyang nalaman,--ani capitang Tiago;--siya'y canyang kinaguiguiliwang parang isang ama.

Tiningnan siya n~g pasuliyap ni fray Salvi.

--Inaacala co po among,--ang ipinagpatuloy ni capitang Tiago,--sa nagbuhat ang lahat n~g sakit na ito sa sama n~g loob na canyang tinanggap n~g araw n~g fiesta.

--Gayon din ang aking acala, at magaling po ang guinawa ninyo sa hindi pagpapahintulot na siya'y causapin ni Guinoong Ibarra; siya sana'y lalo n~g lumubha.

--At cung hindi sa amin,--ang isinalabat ni doña Victorina,--sumasalan~git na sana si Clarita at nag-aawit na n~g m~ga pagpupuri sa Dios.

--¡Amen Jesus!--ang inacala ni capitan Tiagong marapat sabihin.

--Inyo rin namang palad na hindi nagcaroon ang aking asawa n~g ibang may sakit na lalong mataas ang uri, sa pagca't cung nagcagayo'y napilitan sana cayong tumawag n~g iba, at dito'y pawang m~ga han~gal; ang aking asawa'y....

--Aking inaacala, at ipinagpapatuloy co ang aking sinabi,--ang isinalabat naman sa canya n~g cura,--na ang pagcapan~gumpisal ni María Clara ang siyang pinagbuhatan niyong magaling na pagbabago n~g canyang calagayan, na siyang sa canya'y nacapagligtas n~g buhay. Higuit sa lahat n~g gamot ang isang concienciang malinis, at pacaunawaing hindi co tinututulan ang capangyarihan n~g dunong, ¡lalong-lalo na ang dunong sa cirugía! n~guni't ang isang malinis na conciencia'y ... Basahin ninyo ang m~ga banal na libro, at inyong makikita cung gaano ang m~ga sakit na napagaling sa pamamag-itan lamang n~g isang mabuting confesión.

--Ipatawad po ninyo,--ang itinutol ni doña Victorina na nag-init,--ang tungcol diyan sa capangyarihan n~g confesión.... gamutin n~ga po ninyo ang asawa n~g alférez n~g isang confesión.

--¡Isang sugat, guinoong babae,--ay hindi isang sakit na may ikinapangyayari ang conciencia!--ang isinagot ni pari Salví, na may halong poot;--gayon man, ang isang mabuting confesión ay macapaglalayo sa canya sa pagtanggap n~g m~ga hampas na gaya n~g canyang m~ga tinanggap caninang umaga.

--¡Sa canya'y marapat!--ang ipinagpatuloy ni doña Victorina, na parang hindi niya narin~gig ang lahat n~g sinabi n~g pari Salví.--Napacawalang bait ang babaeng iyan! Sa simbaha'y wala n~g guinagawa cung di masdan aco, ¡mangyari bagá! siya'y isang babaeng walang capararacan; tatanun~gin co na sana siya niyong linggo cung mayroon acong m~ga tautauhan sa mukha, n~guni't ¿sino ang magcacapol n~g dumi sa sarili sa pakikipag-usap sa taong walang uri?

Sa ganang sa cura, nama'y parang hindi niya narin~gig ang lahat n~g m~ga caltáb na ito, at nagpatuloy:

--Maniwala po cayo sa akin, don Santiago; n~g malubos na gumaling ang inyong anac ay kinacailan~gang makinabang búcas; dadalhan co siya rito n~g viático ... inaacala cong wala siyáng ano mang dapat na ipan~gumpisal, gayon man ... cung ibig niyang man~gumpisal n~g sandali n~gayong gabi....

--Ayawan co,--ang idinugtong agád ni doña Victorina, na sinamantala ang isang patlang n~g salitaan,--hindi co mapag-isip cung bakit may m~ga lalaking nan~gagcacaroon n~g pusong mag-asawa sa gayong m~ga panggulat, na gaya na n~ga n~g babaeng iyan; cahi't malayo'y namamasid cang saan siya nanggaling; napagkikilalang namamatay siya n~g caingguitan; ¡mangyari baga! ¿gaano na ang sahod n~g isang alférez?

--Nalalaman na po ninyo, don Santiago, sabihin ninyo sa inyong pinsang ihanda ang may sakit sa pakikinabang bucas; paririto aco n~gayong gabi upang siya'y bigyang capatawaran sa mumunting casalanan....

At sa pagca't nakita niyang lamalabas si tía Isabel, pinagsabihan niya ito sa wicang tagalog:

--Ihanda po ninyo ang inyong pamangkin sa pan~gun~gumpisal n~gayong gabi; dadalhan co siya rito bucas n~g viatico; sa ganya'y lalong madadali ang canyang paggaling.

--N~guni, Padre,--ang ipinan~gahas na itinutol n~g kimi ni Linares,--baca po niya acalaing siya'y nan~gan~ganib na mamatay.

--¡Huwag po cayong mabahala!--ang sa canya'y isinagot na hindi siya tinitingnan;--nalalaman co ang aking guinagawa: marami n~g totoong may sakit ang aking inalagaan. Bucod sa roo'y sasabihin niya cung ibig niya ó hinding makinabang, at makikita ninyong siya'y paooo sa lahat.

Ang unauna'y napilitan si capitan Tiagong sa lahat ay paoo.

--Pumasoc si tía Isabel sa silid na kinalalagyan n~g may sakit.

Nananatili sa hihigan si María Clara, namumutla, totoong namumutla; na sa canyang tabi ang canyang dalawang caibigang babae.

--Cumain ca pa n~g isang bútil,--ang sa canya'y sabi ni Sinang n~g paanas, at sa canya'y ipinakita ang isang butil na maputi, na kinuha sa isang maliit na tubong cristal;--ang sabi niya'y pagca nacaramdam icaw n~g tunog ó hugong sa tain~ga mo'y iyong ihinto ang panggagamot.

--¿Hindi na ba sumulat uli sa iyo?--ang tanong na marahan n~g may sakit.

--¡Hindi, marahil siya'y totoong maraming guinagawa!

--¿Hindi ba nagpapasabi sa akin n~g ano man?

--Walang sinasabi cung di canyang pagpipilitang siya'y alsan n~g Arzobispo n~g excomunión upang....

Inihinto ang salitaan, sa pagca't dumarating ang tía.

--Sinabi n~g among na maghanda ca raw sa pan~gun~gumpisal, anac co,--ani tía Isabel;--iwan ninyo siya at n~g magawa niya ang pagsisiyasat n~g canyang conciencia.

Other books

Rugged by Lila Monroe
book.pdf by Fha User
Illusions of Evil by Carolyn Keene
Trouble With Liberty by Kristen Butcher
Little Doors by Paul Di Filippo
Dead as a Dinosaur by Frances Lockridge
Underground by Chris Morphew
Once Upon a Plaid by Mia Marlowe
The Seventh Mother by Sherri Wood Emmons