Noli Me Tangere (73 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
2.8Mb size Format: txt, pdf, ePub

--
¿Conservare etiam sperasti, perfida?
¡Sa apóy!

At ipinatuloy ang canyáng pagsúnog.

At nacakita n~g isáng líbróng ang balát ay pergamino (balát n~g vaca) ay binasa niyá ang pan~galan:

«M~ga revolución n~g m~ga globo sa lan~git» (m~ga ganáp na pag-inog n~g m~ga planeta sa caniláng talagáng tinatacbuhan), na sinulat ni Copérnico; ¡pfui!
¡ite maledicti, in ignem calanis!
--ang bigláng sinabi at saca inihaguis sa nin~gas. ¡M~ga revolución at saca si Copérnico pa! ¡Patong patong na casalanan! Cung di dumatíng acó sa capanahunan ... «Ang calayaan n~g Filipinas»; ¡Tatata! ¡pagca m~ga libro! ¡Sa apóy!

At sinunog ang m~ga libróng waláng caanoano mang casamaan, na sinulat n~g m~ga taong waláng malay. Hindi man lamang nacaligtas ang nagn~gan~galang «Capitang Juan», na napacawalang sala. May catuwiran si pinsáng Primitivo: nagbabayad ang m~ga waláng casalanan sa m~ga sála n~g m~ga macasalanan.

Nang macaraan ang ápat ó limáng oras ay pinagsasalitaanan ang casalucuyang m~ga nangyayari sa isáng púlong n~g m~ga nagmámataas, sa loob n~g Maynilà. Silá'y caramihang matatandáng babae at m~ga dalagang matatandáng nacaca-ibig mag-asawa, m~ga asawa ó m~ga anác na babae n~g m~ga cawaní n~g pamahalaan, nan~gacasuot n~g báta, nan~gagpápaypay at nan~gaghíhicab. Capanayám n~g m~ga lalaki, na cawan~gis din namán n~g m~ga babaeng sa caniláng pagmumukha'y nahihiwatigan kung anó ang caniláng pinag-aralan at ang caniláng pinagbuhatan, ang isáng guinoong may catandáan na, maliit at pingcáw, na pinagpipitaganan n~g m~ga naroroon, at siyá namá'y nagpapakita sa canyáng m~ga caharap n~g isáng pagpapawaláng halagá sa canyáng hindi pag-imic.

--Ang catotohanan ay dating totoong nasususot acó sa m~ga fraile at sa m~ga guardia civil, dahil sa cagaspan~gán n~g caniláng m~ga asal,--ang sabi n~g isáng matabáng guinoong babae; n~gunit n~gayóng nakikita co ang sa canila'y pinakikinabang at ang caniláng m~ga paglilingcod, hálos aking icagágalac na pacasál sa alín man sa canilá. Macabayan acó.

--¡Gayón din ang sabi co!--ang idinagdág n~g isáng babaeng payát;--¡sáyang at n~gayo'y walâ rito ang náunang gobernador; cung siyá ang náririto'y lilinising parang «patena» ang bayang itó!

--¡At malilipol ang m~ga lahì n~g m~ga filibusterillo!

--Hindi ba ang sábiha'y marami pa ang m~ga pulóng kinacailan~gang padalhán n~g m~ga mámamayan doon. ¡Bakit hindi itápon doon ang ganyán caraming mayayabang na m~ga indio! Cung acó ang capitán general....

--M~ga guinoong babae,--anáng pingcáw;--nalalaman n~g capitán general cung anó ang canyáng catungculan; ayon sa aking nárin~gig ay totoong galit na galit siyá; sa pagcá't canyáng pinuspós n~g m~ga biyaya ang Ibarrang iyán.

--¡Pinuspos n~g m~ga biyaya!--ang inulit n~g payát na babae, na nagpápaypay n~g malaki ang poot;--¡tingnán na n~ga lamang ninyó ang pagca hindi marunong cumilala n~g útang na loob nitong m~ga indio! ¿Mangyayari bagáng silá'y ipalagáy na m~ga tao sa pagpapanayám? ¡Jesús!

--At ¿nalalaman ba ninyó ang aking nárin~gig?--ang tanóng n~g isáng militar.

--¡Tingnán natin!--¿Anó iyón?--¿Anó ang sinasabi nilá?

--Pinagtitibay n~g m~ga taong mapaniniwalaan,--anáng militar sa guitná n~g lalong malakíng hindi pag-imic n~g madlâ;--na ang lahát n~g m~ga cain~gayang iyón sa pagtatayô n~g isáng páaralan ay walâ cung di pawang catacata lámang.

--¡Jesús! ¿nakita na ninyó?--ang bigláng sinabi n~g m~ga babae, na nan~gag sisipaniwalà na sa catacata.

--Isáng sangcalan lámang ang páaralan; ang bantà niyá'y magtayô n~g isáng cutà, at n~g buhat doo'y macapan~ganlóng cung silá'y lusubin na namin....

--¡Jesús! ¡pagcálakilaking cataksilan! Ang isáng indio n~ga lámang ang tan~ging macapagtátaglay n~g ganyáng pagcaimbiimbíng m~ga isipan,--ang bigláng sinabi n~g babaeng matabâ. Cung acó ang capitán general, nakita sana nilá ... nakita sana nilá....

--¡Gayón din ang sabi co!--ang bigláng sinabi namán n~g babaeng payát na ang pingcáw ang kinacausap. Dáracpin co ang lahát n~g abogadillo, cleriguillo, mán~gan~galacal, hindi co na pagagawán pa n~g
causa
at silá'y aking itatapon ó ipadádalá sa ibáng lupaín. ¡Bawa't masamâ'y bunutin patí n~g ugát!

--¡Abá, sabihana'y castilà ang magugulang n~g filibusterillong iyán!--ang pahiwatig n~g pingcáw na hindi tumitin~gin can~gino man.

--¡Ah, gayón palá!--ang sinabing mariin n~g hindi masiyahang babaeng matabâ;--¡cailán ma'y ang m~ga halûan ang dugô! ¡sino mang indio'y hindi nacawawatas n~g panghihimagsic! ¡Mag-alagà ca n~ga namán n~g m~ga uwác! ¡mag-alagà ca n~ga namán n~g m~ga uwác!...

--¿Nalalaman ba ninyó ang narin~gig cong salitaan?--ang itinanóng n~g isáng babaeng halûan ang dugô (mestiza), na sa gayóng paraa'y pinutol ang salitaan.--Ang asawa raw ni capitáng Tinong ... ¿naaalaala ba ninyó? iyong may-ari n~g bahay na ating pinagsayawan at hinapunan niyóng fiesta sa Tundó....

--¿Iyón bang may dalawáng anác na babae? ¿at anó?

--¡Abá, ang babaeng iyó'y bagong caháhandog n~gayóng hapon sa capitán general n~g isáng singsíng na isáng libong piso ang halagá!

Lumin~gón ang pingcáw.

--¿Siyá n~ga ba? ¿at bakit?--ang tanóng na numíningning ang m~ga matá.

--Ang sabi raw n~g babae, iyón daw ay bigáy niyáng papascó....

--¡Isáng buwán pa muna ang lálampas bago dumating ang pascó!

--Marahil nan~gan~ganib na bacá lagpacán siya n~g sigwá ...--ang pahiwatig n~g babaeng matabâ.

--At caya siyá'y cumúcubli,--ang idinugtóng n~g babaeng payát.

--Ang pagsasanggaláng cahi't hindi pinúpucol nino man ay pagpapakilalang tunay na may casalanan.

--Iyán n~ga ang sumasaisip co; tinamaan ninyó ang sugat.

--Kinacailan~gang tingnáng magalíng iyán,--ang hiwatig n~g pingcáw;--nan~gan~ganib acóng baca riyá'y may nacáculong na pusà.

--¡Nacáculong na pusà! iyán n~ga! iyán n~ga sana ang sasabihin co!--ang inulit n~g babaeng payát.

--At acó,--ang sinabi namán n~g isáng babae, na umagaw n~g pananalita sa payát;--ang asawa ni capitang Tinong ay napacaramot ... hanggá n~gayo'y hindi pa tayo pinadádalhan n~g anó mang hangdóg, gayóng tayo'y napaparoon na sa canyáng bahay. Tingnán ninyó, pagcá ang isáng maramot at macamcam ay nagbibitiw n~g isang handóg na isáng libong piso'y ...

--¿N~guni't totoó ba iyán?--ang tanóng n~g pingcáw.

--¡At napacatotoo! ¡at napacatunay! sinabi sa aking pinsáng babae n~g nan~gin~gibig sa canyá, na ayudante n~g capitán general. At hálos ibig cong acalaing ang singsíng na iyón ang suot n~g pan~ganay n~g araw n~g cafiestahan. ¡Siya'y lagui n~g batbát n~g m~ga brillante!

--¡Siyá'y isáng tindahang lumalacad!

--Isáng paraan din namáng magalíng upáng macapagbilí, na gaya rin n~g alin man sa ibáng m~ga paraan. Nang huwag n~g bumilí pa n~g isáng tautaohan ó bumayad pa n~g isang tindahan....

Linisan n~g pingcáw ang pulong na iyon sa pamamag-itan n~g isáng dahilán.

At n~g macaraan ang dalawáng oras, n~g nan~gatutulog na ang lahát, tumangáp ang iláng namamayan sa Tundo n~g isáng anyaya sa pamamag-itan n~g m~ga sundalo ... Hindî mapabayáan n~g Punong may capangyarihang ang m~ga tan~ging táong m~ga mahal at may m~ga pag-aari ay matulog sa caniláng báhay, na hindi magalíng ang pagcacain~gat at bahagya na ang lamig: ang pagtulog sa Fuerza n~g Santiago at iba pang m~ga bahay n~g gobierno'y lálong tiwasáy at nagsasaulì n~g lacas. Casama sa m~ga táong itóng pinacamamahal ang caawa-awang si capitang Tinong.

TALABABA:

[262] ¿Anó ang aking nakikita? ¿bakit?

[263] ¿Anó ang itinatanong ninyó? ¿Waláng ano mang linalaman n~g pag ìisip na hindi muna nagdaan sa pakiramdam. Hindi ninanais ang hindi nakikilala.

[264] ¿Sinong m~ga tao ang ating capanayam?

[265] Caibigan, aking caibigan si Platon, n~guni't lalong caibigan co ang catotohanan.

[266] Masama ang nangyayari at nan~gan~ganib acóng baca magcaroon n~g cakilakilabot na wacás.

[267] Sa pamamag-itan n~g hampás, ang pakikipagmatuwiran sa tumátangguì n~g pagkilala n~g m~ga catuwiran.

[268] ¡Sa aba nilá! cung saan may úsoc ay may apóy. Bawa't isá'y humahanap n~g cawán~gis; caya n~ga, cung bibitayin si Ibarra, siyá namá'y bibitayin din ...

[269] Hindi co kinatatacutan ang pagcamatáy sa catre; n~guni't kinatatacutan co ang pagcamatáy sa bundóc-bunducan sa Bagumbayan.

[270] Ang nacasulat ay naguiguing sacsi. Ang hindi mapagaling n~g m~ga gamót ay napagagaling n~g bácal; ang hindi mapagaling n~g bácal ay napagagaling n~g apóy.

=LX.=

=MAG-AASAWA SI MARIA CLARA.=

Natútuwâ n~g mainam si capitán Tiago. Sa boong panahóng itóng catacot-tacot ay walâ sino mang nakialam sa canyá: hindi siyá ibinilanggô, hindi pinahirapan siyá sa pagcáculong na sino ma'y hindi macausap, m~ga pagtanóng, m~ga máquina eléctrica, m~ga waláng licat na pagbasâ n~g tubig mulâ sa talampacan hanggáng tuhod sa m~ga tahanang na sa ilalim n~g lupà, at ibá pang m~ga catampalasanang totoong kilalá n~g m~ga tan~ging guinoong tumatawag sa caniláng sarili n~g «civilizado». Ang canyáng m~ga caibigan, sa macatuwíd bagá'y ang canyáng naguíng m~ga caibigan (sa pagcá't tinalicdán na n~ga n~g lalaki ang canyáng m~ga caibigang filipino, mulâ sa sandaling silá'y maguíng m~ga hinalain sa gobierno), nan~gagbalíc na namán sa canícaniláng bahay, pagcatapos n~g iláng araw n~g caniláng pagliliwalíw sa m~ga bahay n~g gobierno. Ang capitán general din ang siyáng sa canilá'y nagpalayas sa m~ga tahanang canyáng pinamamahalaan, palibhasa'y ipinalagáy niyáng hindi silá carapatdapat na manatili roon, bagay na lubháng ipinagdamdám n~g pingcaw, na ibig sanang ipagsayá ang malapit n~g dumating na pascó sa casamahan n~g gayóng mayayaman at masagana.

Umuwi sa canyáng bahay si capitáng Tinong na may sakít, putlain at namámagâ,--hindi nacagalíng sa canyá ang pagliliwalíw,--at lubháng nagbago, na anó pa't hindi nagsásalitâ n~g catagâ man lamang, hindi bumabatì sa canyáng m~ga casambaháy, na tumatan~gis, nagtátawa, nagsásalitâ at nan~gahahalíng sa galác n~g loob. Hindi na umaalis sa canyáng bahay ang cahabaghabag na tao, at n~g huwág lumagáy sa pan~ganib na macabatì sa isáng filibustero. Cahi't ang pinsán mang si Primitivo, bagá man tagláy niyá ang boong carunun~gan n~g m~ga tao sa una, ay hindi macuhang siyá'y mapaimíc.

--
Crede, prime,
--ang sabi sa canyá;--pinisíl sana nilá ang liig mo cung hindi co sinunog ang lahát mong m~ga papel; datapuwa't cung nasunog co sana ang boong bahay, hindi man lamang sana hinipo cahi't ang buhóc mo. Pero
quod eventum, eventum; Gracias agamus Domino Deo quia non in Marianis Insulis es, camoles seminando
[271].

Hindi cailâ cay capitán Tiago ang m~ga nangyaring catulad n~g pinagdanasan ni capitán Tinong. Nagcacanlalabis sa lalaki ang pagkilalang utang na loob, bagá man hindi niyá maturól cung sino caya ang pinagcacautan~gan niyá n~g gayóng tan~ging m~ga pagtatangkilic. Ipinalálagay ni tía Isabel na ang bagay na iyó'y himalâ n~g Virgen sa Antipolo, n~g Virgen del Rosario, ó cung hindi ma'y n~g Virgen del Cármen, at ang lalong cáliitang canyáng mahihinala'y himalâ n~g Nuestra Señora de la Correa: ayon sa canyá'y hindi sasala sa alin man sa canilá ang gumawâ n~g himalâ. Hindi itinátanggui ni capitán Tiago ang cababalaghán, n~guni't idinúrugtong:

--Pinaniniwalaan co, Isabel, datapuwa't marahil ay hindi guinawáng mag-isa n~g Virgen sa Antipolo; marahil siyá'y tinulun~gan n~g aking m~ga caibigan, n~g aking mamanugan~gin, ni guinoong Linares, na nalalaman mo nang binibirò pati ni guinoong Antonio Cánovas, iyón bagáng nacalagáy ang larawan sa «Ilustración», iyóng aayaw papaguingdapating ipakita sa m~ga tao cung di ang cabiyác lamang n~g canyáng mukhâ.

At hindi mapiguil n~g mabait na tao ang isáng n~gitî n~g canyáng pagcatuwâ, cailán ma't canyáng márin~gig ang isáng mahalagáng balità tungcól sa m~ga nangyari. At tunay n~ga namáng dapat icatuwâ. Pinagbubulungbulun~ganang mabibitay si Ibarra; sa pagcá't bagá man maraming totoo ang m~ga caculan~gang pangpatibay upáng siyá'y maparusahan, nitóng huli'y may sumipót na nagpapatotoo sa sumbóng na laban sa canyá; na may m~ga pahám na nagsaysáy na maáari n~gang cutà ang escuélahan, ayon sa anyó n~g pagcacágawâ, bagá man may cauntíng caculan~gán, bagay na siyá na n~ga lamang maáasahan sa han~gál na m~ga indio. Ang m~ga alin~gawn~gáw na itó ang siyáng sa canyá'y nacapapanatag at nacapagpapan~gitî sa canyá.

Cung paano ang pagcacaiba n~g m~ga bálac ni capitáng Tiago at n~g canyáng pinsáng babae, nan~gagcacahatì namán ang m~ga caibigan n~g familia sa dalawáng bahagui; nananalig ang isáng bahaguing yaó'y gawâ n~g himalâ, at ang isáng bahagui namá'y inaacalang gawâ yaón n~g pámahalaan, bagá man ang naniniwalà n~g ganito'y siyáng lalong cácauntî. Nagcacabahabahagui namán ang m~ga nagpapalagay na yaó'y himalâ: nakikita n~g sacristan mayor sa Binundóc, n~g babaeng maglalacò n~g candilà at n~g puno n~g isáng cofradía, ang camáy n~g Dios na pinagagalaw n~g Virgen del Rosario; sinasabi namán n~g insíc na magcacandilà na siyáng nagbibili n~g candilà cay capitán Tiago cung siyá'y napasasa Antipolo, casabay ang pagpapaypáy at pag-ugóy n~g m~ga hità:

--¡No siya osti gongóng; Miligen li Antipolo esi! Esi pueli mas con tolo; no siya osti gongóng.[272]

Pinacámamahal ni capitang Tiago ang insíc na iyón, na nagpapánggap na manghuhulà, manggagamot, at ibá pa. Minsa'y sa pagtin~gin sa palad n~g camáy n~g canyáng nasirang asawang na sa icaanim na buwan ang cabuntisán ay humulà n~g ganitó:

--¡Si eso no hómele y no pactaylo, mujé juete-juete![273]

At sumilang sa maliwanag si María Clara upáng maganap ang hulà n~g hindi binyagan.

Si capitan Tiago'y main~gat at matatacutin, caya't hindi agad-agad macapagpasiyá na gaya n~g guinawa ni Paris na taga Troya, hindi niyá matan~gi n~g gayón gayón lamang ang isá sa dalawáng Virgen, sa tacot niyáng bacá magalit ang isá sa canilá, bagay na macapágbibigay n~g malaking capahamacán.--«¡Mag ingat!»--ang sabi niyá sa canyáng sarili;--«¡baca pa ipahamac natin!»

Na sa ganitóng pag aalinlan~gan siyá, n~g dumating ang pangcát na cacampi n~g gobierno; si doña Victorina, si Don Tiburcio at si Linares.

Nagsalitâ si doña Victorina sa n~galán n~g tatlong lalaki, bucód sa nauucol sa canyáng sarili; binangguit niyá ang m~ga pagdalaw ni Linares sa capitan general, at inulit-ulit ang cabutihang magcaroon n~g isang camag anac na mataás na tao.

--¡Ná!--ang iwinacas,--como izimos: el que a buena zombra ze acobija buen palo ze le arrima.[274]

--¡Tum ... tum ... tumbalic, babae!--ang isinala n~g doctor.

Other books

Pack and Mate by Sean Michael
Prince: A Biography by Mitchell Smith
No Strings Attached by Kate Angell
The Gift by Lewis Hyde
Warped Passages by Lisa Randall
Dread on Arrival by Claudia Bishop
Leviathan by John Birmingham