Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

She's Dating the Gangster (29 page)

BOOK: She's Dating the Gangster
5.73Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

na lang daw ako. For now written exam ako sa PE.”

Napakamot ng ulo si Lucas, “Oo nga pala. Tara na, baka malate pa tayo.” Naglakad na kami papuntang gym.

Pagkadating namin sa gym nagbihis na siya ng PE uniform, ako naman umupo sa may bleacher. Nakita

kong lumabas sila Sara at Grace sa restroom tapos nag lakad papalapit sa akin.

“Uminom ka ba ng gamot? Isusumbong kita kay Nathan pag hinde ka uminom!”

“Uminom ako. tanong mo pa kay Carlo noh. Siya kasama ko kaninang lunch.” Nakita kong lumabas si

Lucas ng cr, tapos biglang lumabas rin si Kenji.

Hinde ko mapigilang hinde siya titigan. Parang kelan lang nasa tabi ko siya.. ngayon ang layo na niya..

“You’re so near, yet so effing far..” sinabi ko ng mahina.

“Kanina ko pa napapansin na may mali sa paligid ko eh.. teka, actually last week pa eh. What’s up?”

nakatingin pa rin ako kay Kenji. Parang naiiyak ako tuwing tinititigan ko siya eh.. parang ang hirap.. ang sakit masyado.. “Ya! Wae geu rae???”

“Iiwan ko muna kayong dalawa..” sabi ni Grace tapos nag lakad na papunta kela Jigs.

Tumingin ako kay Sara, “Sarayah… Kenji and I..” tapos napatingin naman ulit ako kay Kenji..

“Oori… uhje heoujyuttuh..” *We broke up yesterday+

“MO RA GO?!” *What did you say?!+

Tumingin ulit ako kay Sara, “oori heoujyuttuhyo.” *We broke up+

“MWOU? Wae..” nag shrug lang ako. “Gwaenchana yo?” *Are you ok?+

“Ani.. an gwaenchana.. Maumi apuda.” *No, I’m not ok.. my heart hurts.+

Hinde ko na naman napigilan yung sarili ko. naiyak nanaman ako sa banding huli. Kahit saang angle mo tingnan talo ako.. ako lang yung nasasaktan, ako lang yung nagmamahal..

Niyakap ako ng mahipit ni Sara, “Ooljima.. chebal.. ooljima..” *Don't cry. Please.. don't cry..+

Bumitaw si Sara sa pagka yakap niya sa akin tapos pumunta sa PE teacher namin, nakita kong

nakahawak siya sa stomach niya tapos nag nod yung teacher. Paglapit niya sa akin hinawakan niya

kaagad yung kamay ko tapos dinala ako sa cr. Umarte pala siya para lang masamahan niya ako. Tinanong niya sa akin yung buong nangyari, tinanong rin niya kung may koneksyon daw ba ito kay Abi. Siyempre hinde na lang ako nag salita, sinabi ko nalang namalalaman na lang niya yung lahat soon.

Lumabas na kami ng cr tapos tumabi kami kay Grace at nanood ng lecture nila sa pe class. Hinde sila makapag laro kasi umuulan kaya sa loob muna sila ng gym mag ppractice. Pagkatapos ng PE class

umakyat kami ng building ni Sara para sa club meeting. Nag patawag kasi sila ng meeting after ng class.

Bago kami pumasok ng room sinabihan niya ako ng maging malakas ako, kayanin ko raw. Nakita namin si Jigs at Kirby naka upo sa may likuran. Lumapit kami sa kanila tapos nag Hi.

Tinanong ni Sara kung nasaan si Kenji, pero hinde daw alam nung dalawa. Hinde na lang namin pinansin yun. tumayo si Jigs para may bilhin sa skyline. Nakita namin ni Sara si Kenji at Lucas pumasok ng room tapos umupo si Kenji sa tabi ni Kirby na katabi ko sa right side ko. si Lucas naman nag smile sa akin tapos tumabi kay Kenji.

“ATHENA!!!” napatayo ako sa gulat ni Jigs.

Tumayo si Sara tapos hinampas si Jigs sa braso. “SIRA ULO KA RIN NOH?!?!?! DON’T DO THAT AGAIN!

She’s fragile!” napatingin kaming lahat sa ginawa ni Sara. Sinigawan niya kasi si Jigs sa tapat ng maraming tao.

“Bakit ka nagagalit?! Kelangan mo ba talagang sumigaw?”

“Mali yung ginawa mo eh!! Matututo ka ba kung hinde ka sisigawan?!” hinde na sumisigaw si Sara,

pinag tataasan nalang niya si Jigs ng boses

“Bakit ka ba kasi galit na galit!? PMS?!”

“I told you, she’s fragile!! Don’t you get it?” inulit na naman ni Sara yung ‘fragile’ kelangan niya ingatan yung pagsasalita niya. hinde lahat ng tao alam na may sakit ako..

“Sara.. ok lang. Ano ka ba. Wag mo ng awayin si Jigs.”

“Anong ok?? hinde yun ok! hahayaan mo na lang bang masaktan ka palagi?! Pano pag---EWAN! Bahala

ka!” lumabas si Sara ng room sinundan naman siya ni Jigs.

“Fragile? Bakit ka fragile?” tinanong ako ni Kirby, “may sakit ka ba sa puso?”

“Ha?” hinde ko alam yung isasagot ko. hinde ko naman pwedeng sabihin basta-basta na lang na may

HCM ako sa tapat ng maraming tao.. “Wala. PMS lang si Sara. Ayaw niya kasi ng nagugulat ako eh.”

tapos nag smile ako sa kanya.

“Ganun ba? Ay. Gusto mo tabi kayo ni Kenji? Teka magpapalit lang kami.” tumayo si Kirby ng hinde

hinihintay yung sagot ko. “Palit tayo.” Sabi niya kay Kenji.

Tumayo naman si Kenji at umupo sa tabi ko. Nung bumalik na sila Sara at Jigs nagsimula na mag salita si Kirby tungkol sa upcoming na fair bago mag Christmas break. Magtatayo raw kami ng 3 na booths,

marriage booth, dare to pay, yung last hinde pa napag dedecidan. After ng club activity umuwi na ako para magbihis. Sinundo ako ni Lucas dahil sasamahan niya ako sa work.

Masyado ng maliit yung mundo namin ni Kenji, kelangan isa sa amin gumawa ng paraan. Kaya eto na

yung last day kong mag peperform sa sushi bar. Nakita ko si Kenji nagseserve na sa isang table pero hinde niya ako nakita. Dumeretso ako sa office at kinausap ko yung owner ng Asianized para sabihin na last night ko na sa restaurant na to. Tinanong niya ako kung bakit kelangan mag quit na ako pero sinabi ko na personal na reason yun. pumayag naman siya kahit na alam kong labag sa kalooban niya.

Nung umupo ako sa may tapat ng piano sinabi ko sa lahat na last performance ko na at 10 songs lang sakto yung tutugtugin ko. Sinimulan ko na yung pag tugtog.. unang song ko Bluer than Blue.

Napapatingin ako palagi kay Lucas, nakikinig lang siya sakin tapos nag ssmile. Fifth song ko naman Only reminds me of you.. napansin kong si Kenji napapatingin sa akin. Gusto kong lapitan niya ako pero

napaka impusible nung gusto kong mangyari. Dumating na rin ako sa last song ko…

SONG PLAYING: SOMEDAY - NINA

Nagsimula na kong i-play yung keys, lahat nung tao nag ‘Aww’ nag slight smile ako. Napansin ata ng mga tao na puro sad songs yung tinutugtog ko, yung request lang nila yung halos hinde sad eh. pero pag ako na yung kusang tumutugtog lahat maluungkot. Hinde ko naman pwedeng pilitin magplay ng masayang

song kung hinde naman ako masaya diba?

“Someday yoùre gonna realize. One day yoùll see this though my eyes.. By then I won`t even be

there.. Ìll be happy somewhere.. Even if I cared..”

Napatingin ako kay Kenji habang kumakanta at tumutugtog ako. nakita kong nakangiti siya habang

nagseserve. Masaya siya sa ginagawa niya.. masaya siya kahit wala na kami..

“I know you don`t really see my worth You think yoùre the last guy on earth Well Ìve got news for you I know Ìm not that strong But it won`t take long Won`t take long..”

Bakit hinde ko rin kayang maging masaya kahit wala na siya sa tabi ko? hinde ba pupwedeng maging

masaya rin ako kahit na hinde na kami?

“Someday someonès gonna love me.. The way I wanted you to need me.. Someday someonès gonna

take your place. One day Ìll forget about you. You'll see i won't even miss you.. Someday, someday..”

Napadaan siya sa gilid ko at nagkatinginan kaming dalawa.. hinde na ulit siya bumalik pagkadaan niya.

nararamdaman kong nakatingin siya saakin, nararamdaman kong pinapanood niya ako.

“Right now I know you can tell. Ìm down and Ìm not doing well.. But one day these tears they will all run dry.. I won`t have to cry, sweet goodbye.. “Someday someonès gonna love me.. The way I wanted

you to need me.. Someday someonès gonna take your place. One day Ìll forget about you. You'll see i won't even miss you.. Someday, someday..”

Kenji.. nasasaktan ka rin ba katulad kong nasasaktan? Ganun mo ba siya kamahal kaya pati ang iwan ako ginawa mo na rin? Masaya ka ba sa kanya ngayon Kenji..? Kasi kung masaya ka talaga at kung yung

dahilan kaya ka nasasaktan ay dahil sa aakin..

“Someday, someday…”

I’ll let you go.

Pagkahatid sa akin ni Lucas hinde na muna ako pumasok sa loob. Inintay kong makauwi si Kenji.. Kahit gaano kasakit gagawin ko na. Kahit gaano pa kahirap gagawin ko na.. dun siya masaya eh..

Nakita ko na siyang nag lalakad. “Kenji!”

Napatingin siya sa akin nung tinawag ko siya. Binuksan ko yung gate tapos lumabas ako para lapitan si Kenji. Lumapit rin siya sa kin para mag meet kami atleast half way. “Bakit? Gabi na ah.. matulog ka na..”

“Ang tagal kong pinag isipan nito.. Nung una pumayag akong gawin yun pero bigla kong binawa nung

nakita ulit kita.. Pero ngayon sigurado na ko.. Gagawin ko na yung gusto mo.. gagawin ko na yung

hiniling mo..” I gave him a weak smile, “Napagisipan ko na yung dapat kong gawin.. napansin ko rin kasi kung gaano ka kasaya nung nagkabalikan kayo eh.. naisip ko rin.. ako yung naging harang sa inyong

dalawa.”

“Athena..”

“Ok lang ako.. Hinde madaling kalimutan ka.. wag kang mag alala.. sususbukan ko.. gagawin ko lahat ng makakaya ko para lang makalimutan kita..”

Am I overdoing it? tama pa ba ginagawa ko? nasasaktan ko na ba siya? kelangan ko na bang tumigil o kaya bawiin yung sinasabi ko? Tears started to fall.

“Ano.. Athen--”

“Gwaenchahna.” Tumalikod ako para punasan yung luha ko tapos humarap ulit ako sa kanya ng

nakasmile. “I never realized how important you are to me until now.. but I’ve decided.. Let’s try to avoid each other..” *Gwaen cha na = I'm ok+

Liar. You can’t do it. Just thinking of it kills.

With a smile i said.. “Sana maging masaya kayo..” tumalikod ako. biglang tumulo yung luha ko sa sinabi ko. pumasok na ako ng loob ng bahay. Ayoko ng marinig pa yung sasabihin niya.. alam kong mag

thathank you lang siya.

Why does it have to hurt this bad? Why can’t I just die? Why..?

Chapter THIRTY FOUR

Lucas’ POV

“Lucas it’s over.. I let him go..”

Last line na narinig ko kay Athena na tungkol kay Kenji. After nung Thursday hinde na niya binabanggit kahit yung name ni Kenji sa akin o kung kanino man na kasama namin.

Nung Friday mahahalata mong iniiwasan niya talaga si Kenji, pero siyempre hinde niya pwedeng iwasan buong araw si Kenji since magkatabi sila sa classroom. Nginingitian niya naman siiya pag nasa tapat ng maramign tao, pero pag wala masyadong nakatingin mapapansin mong may mali. Hinde ko alam kung

maaawa ako kay Kenji o hahayaan ko na lang yung nangyayari dahil mali naman yung ginawa niya.

Nung activity period pumasok si Athena ng classroom ng nakangiti. Niloko pa siya ni Jigs na mukhang good mood siya since parang ang saya saya niyang pumasok ng room. Pero nung magsisimula na yung

‘meeting’ bigla siyang nagsalita na aalis na siya sa Barney and Friends at lilipat na siya sa ibang org dahil dahil daw hinde siya makatanggi sa moderator nung org na yun. Nabigla yung lahat dahil sa sinabi ni Athena, siyempre ang dakilang ‘girlfriend’ ni Kenji lilipat ng org. Pero pagkatapos nung announcement ni Athena sabay pasok naman ni Kenji at Abi. Nagbulungan lahat ng members sa nakita nila.

Nagsmile lang si Athena na parang wala lang sa kanya yung nangyari. Nagbow siya tapos nagsalita ng Korean. Clueless si Kenji at Abi sa nangyari. Nung tumingin ako kay Sara naka yuko lang siya tapos umiiling. Siyempre naintindihan niya yung sinabi ni Athena, si Jigs naman kinukulit si Sara tungkol sa sinasabi ni Athena. Nung nakaupo na si Abi nagbow ulit si Athena sa tapat namin, tumalikod siya at lumabas na ng room. Nung napatingin ako kay Kenji nakita kong nakatingin siya sa pintong nilabasan ni Athena.

Matagal tagal din siyang nakatingin sa pintuan hanggang sa hinawakan ni Abi yung kamay niya kaya

napatingin siya kay Abi at umupo sa tabi nito. Ako rin eh, hinde ko alam kung masasaktan ako na makita si Abi na kasama si Kenji.. pero.. masaya ako pag kasama ko si Athena. Hinde ko alam kung bakit, pero masaya talaga ako pag kasama ko siya.

December 16, nag exam kami sa South University. Niyaya kami ni Kirby na sumabay na lang sa kanya

pero tumanggi si Athena. Ang sabi niya

“Hinde.. magpapahatid na lang ako kay Kuya. Si Lucas na lang isabay mo.”

Tumanggi rin ako dahil pag sumabay ako kay Kirby alam kong malulungkot si Athena dahil maffeel

niyang nagiisa lang siya. Kaya kaming dalawa yung magkasamang nagexam sa South University. Pareho

rin kami ng course na pinili.

December 17 niyaya kong umalis si Athena para manood ng movie. Pumayag naman siya since nalaman

niyang libre. Ang kuripot ng babaeng yun! Nakarinig lang na libre pumayag kaagad! Pumalakpak yung

tenga eh! naexcite pa! Pero nagtataka ako nung sinabi kong kumain kami.. umayaw siya. nag dadiet daw kasi siya. DIET?! Eh ang payat niya nga eh. Teka. tumaba siya ng konti kumpara dati pero payat pa rin siya.

Christmas fair

First day ng fair namin ngayon, Christmas fair kasi namin ngayong week. Lahat ng org nag set-up ng booths. Ang BnF 3 booths ang tinayo, yung akin kay Jigs at kay Kirby. Supposedly apat dapat, pero ayaw ni Kenji mag tayo ng kanya. Dahil sa dami ng members ng BnF kalahati nun yung nag tulungan ng pag

gawa ng booth. Petiks kami kasi kami boss eh. Dinivide na lang sa 20 bawat araw yung mag babantay ng booth, 10 sa umaga 10 sa hapon. Siyempre kaming mga master hinde pwedeng mawala.

Marriage booth yung kay Jigs at Sara, meron siyang guy na pinasuot na costume ng pari tapos may mini altar, ibang klase parang nasa church talaga. Pwede kayong magpakasal ng may bayad o i-handcuff yung tao na gustong pakasalan nung isang tao by request pero may bayad. Pwede ring sapilitan na

pagpapakasal pag pinagtripan nila yung tao.

Dare to Pay yung kay Kirby boy. May mga hidden na scotch tape sa sahig once na natapakan mo yun,

may dare ka. Siyempre nasa fishbowl yung mga dare, kukuha ka ng isa tapos pag nabasa mo na mamimili ka kung gagawin mo, or babayaran mo yung dare para hinde mo na gawin yung dare.

Last booth, Picture to Luke. Ahem. Syempre ako may hawak nito. Magpapapicture lang sila sa akin tapos makukuha nila yun 5-10 minutes, kasi i-eedit pa ng mga kasama ko yung pics. May naka set-up na 2

desktop at 1 laptop para mabilis yung gawa.

Day 2

Second day na ng fair. Busy parin kaming BnF sa booth namin. Halos wala na kaming time para kumain ng sabay sabay. Kanya-kanya na muna kami ng mundo. Pati si Athena hinde namin nakakasama dahil sa

busy nga kami.

Day 3

Medyo lumuwag yung schedule naming BnF. Sabi nga ng mga teachers kami na raw yung may pinaka

maraming kinita to think na 3rd pa lang namin. Naglunch kami ng sabay sabay pero hinde namin

nakasama si Athena. Mukhang busy pa rin siya sa org niya kaya hinde na namin masyado pinansin.

Day 4

Lunch break na, hinde ko pa rin nakikita si Athena. Simula nung monday hinde ko pa siya nakakasama ng break. Wala ata ni isa sa amin ang nakasama siya, siguro si Grace at Sara o baka pati si Carlo. Pero hinanap din siya sa akin ni Sara kahapon eh.. ibig sabihin hinde sila magkasamang kumain.

Pumunta ako sa may booth ni Jigs at Sara para itanong kung nasa saan si Athena

“Sara, nakita mo ba si Athena?”

“Itatanong ko rin sana sayo un eh. Yayayain ko sana siyang kumain kasi oras na ng pag take niya ng med eh.” napatingin si Jigs kay Sara

“Med? Gamot para saan?” tanong ni Jigs kay Sara.

“Para sa katawan niya. May sakit si Athena. Sinabi ko naman sayo yun diba? Mahina yung katawan niya kaya kelangan magtake ng gamot.” Sabi ni Sara kay Jigs.

“Ahh oo nga pala.” humarap sa akin si Jigs, “Babes, hinde pa namin nakikita si Athena eh. Hinde ko pa nga siya nakikita simula nung Sunday eh.”

Actually ako rin eh.. sa totoo lang, simula monday ko pa siya hinde nakikita. Hinde ko na siya

nakakasabay sa pag pasok at sa paguwi. Dumating si Kirby at Kenji tapos umupo sa may tabi ko Kirby. Si Kenji naman nakatayo sa isang sulok nag tetext.

“Luke.. sa totoo lang she’s been acting weird lately.. she barely goes out of her room. Pagtinitingnan ko siya sa room niya, nakaharap lang siya sa PC niya or sa laptop. Hinde ko nga siya nakikitang kumakain eh..” sabi ni Sara

Napansin kong napatigil sa pag tetext si Kenji. Nakatitig lang siya sa cellphone niya hinihintay niyang may magsalita sa amin. I guess…

“Baka naman hinde mo lang napapansin na kumakain siya? Baka kasabay niya si Carlo o kaya si

Nathan..”

Umiling si Sara, “Hinde! We eat together. She’s always asleep during meal time. Friday pa to nangyari eh.. bread lang yung kinain niya nung lunch. And that was hear meal for the whole day I think. Hinde ko siya nakitang kumain nung gabi nun.” ibig sabihin hinde kumakain si Athena for almost 6 days?!

“Ayun si Carlo oh. Itanong mo kaya kung nakita niya si Athena.” Napatingin kaming lahat sa pag turo ni Kirby., “CARLO!” sigaw ni Kirby.

Napatingin si Carlo sa amin tapos lumapit siya, “Nakita niyo ba si Ate Athena??” nagulat kaming apat sa tanong ni Carlo. Hinde niya rin nakita si Athena ngayong araw, ibig sabihin si Grace na lang yung nag iisang tao na pusible niyang kasama ngayong araw.

“Tinanong ko rin si Ate Grace pero hinde niya rin nakita. Bigla raw umalis si Ate nung mga 11 am.” Nag tinginan kami ni Sara. 11? eh 12:00 na ah??

“Bakit ba kayo masyadong nag aalala sa kanya? Matanda na si Athena. Alam na niya yung ginagawa

niya. alam niya yung tama sa mali.. Kaya wag niyo na lang siyang pakialaman.” Tumalikod siya sa amin tapos nag lakad papalayo.

“Anong problema nung lalaking yung?!” napakamot ng ulo si Jigs “Parang kelan lang tinawagan niya

kami ni Kirby para makipag inuman pero nung pinagusapan namin si Athena bigla na lang siyang umiya--

-”

“Jigs tama na.” pinutol ni Kirby yung sinasabi ni Jigs. “Hinde tamang pagusapan yung nangyari nun sa ganitong sitwasyon. Tama rin si Kenji. Matanda na si Athena.. alam niya yung ginagawa niya. Bumalik na lang tayo sa trabaho kung hinde kayo kakain.”

Tumalikod si Kirby tapos pumunta siya sa may booth niya. Mahahalata niyong nagaalaal si Kirby kay

Athena pero ayaw lang niyang ipakita para hinde na rin kami mag alala ng tuluyan.

Pati.. tungkol saan yung sasabihin ni Jigs? Bakit hinde ko ata alam yung mga nangyari nung time na yun..?

Bumili na lang kami nila Jigs ng pagkain sa canteen at dinala to sa may booth namin. Habang kumakain kami si Sara hinde mapakali. malakas daw yung feeling niyang may masamang nangyari kay Athena.

May lalaking tumatakbo papalapit sa aming tatlo, “Sara!! Si Athena nakita sa may playground ng

gradeschool walang malay!”

Napatayo si Sara sa sinabi nung babae. “ANO?!?! NASAN NA SIYA NGAYON?!?!?!”

“Nandoon pa rin.. Hinahanap kasi nila si Kenji eh, pero hinde nila mahanap. Natatakot yung mga

classmate natin na baka pag ginalaw nila si Athena magalit si Kenji.”

Tumakbo ako sa narinig ko at pumunta sa may playground. Doon lang pala siya nagsstay tuwing break.

Pero bakit naman sa may gradeschool pa?? Kung gusto naman niyang mag isa pwede naman siyang

umuwi eh.. safe pa siya dun. Bakit niya ba ginagawa samin to?

Pagkadating ko sa may play ground nakita ko si Athena na nakahiga sa ground walang malay. Kinabahan ako sa nakita ko… Ayokong isipin pero hinde ko mapigilan.

“Hinde namin alam kung kanina pa siya nandito kasi kakarating lang din naming tatlo. Yung ibang

kasama namin hinahanap si Kenji..” sabi nung isang lalaki.

“Athena?? Naririnig mo ba ako??” hinde siya sumagot. Nawalan nga siya ng malay. Nahimatay siguro

siya sa gutom. O baka..??

Una natatakot pa akong tingnan kung tumitibok pa yung puso niya pero hinde ko pwede paandarin yung takot ko ngayon. Nilagay ko yung kamay ko sa may left part ng chest niya para icheck kung may heart beat pa siya.. nakampante ako nung naramdaman ko yung beat nito.

Binuhat ko siya at nagmadaling pumunta ng clinic. Nakasalubong namin si Kenji tumatakbo papunta sa amin. Napatigil ako sa pag mamadali dahil huminto siya sa tapat ko, “Lucas anong nangyari??” tanong niya sa akin habang hinahabol yung hinga niya.

“Nahimatay lang siya. Wag kang mag alala. Ako na ang bahala sa kanya.” Nagsimula na ulit akong

tumakbo papuntang clinic.

Habang buhat-buhat ko si Athena napansin kong magaan lang siya. Pumayat rin yung mukha niya..

siguro nga ginutom niya yung sarili niya.. may kinalaman kaya to kay Kenji? O baka naman sa sakit niya?

Alam naman niyang mahina katawan niya eh.. hinde na niya pupwedeng pabayaan pa lalo yung

kalusugan niya.

Pagkadating namin sa may infirmary tinanong ako ng nurse kung anong nangyari kay Athena, siyempre

hinde ko naman talaga alam yung nangyari kaya sinabi ko na lang na nahimatay siya sa gutom.

Nung chineck ng doctor si Athena, tinanong niya ako kung bakit daw walang nakapansin na namumutla

na siya.. pati namayat daw siya since nung last na kita niya sa kanya.

“Don't worry, gigising na rin si Athena mamaya maya. Mabuti na lang at masyado kang mabilis na

boyfriend dahil mabilis mo siyang nadala dito. Kung hinde baka kung ano na nangyari sa kanya. Na-

inform na rin naman kami tungkol sa sakit ni Athena. ” Boyfriend..? Girlfriend ko si Athena? “Sige maiwan ko na muna kayong dalawa.”

Pinagmamasdan kong matulog si Athena.. unti unti akong napapangiti habang tinitingnan ko siya..

mukhang mauulit na naman yung nangyari sa amin ni Kenji noon.. hinde ko mapigilan.. gusto kong

mapasaya si Athena.. ayaw kong nakikita siyang nahihirapan. Eh pero.. Pano ko siya mapapasaya kung yung taong nag papasaya sa kanya ay yung taong nagpapahirap rin sa kanya? Ang labo na talaga ng

buhay.

After 10 minutes unti unting dumilat yung mga mata ni Athena. Napangiti ako dahil nagising na rin siya.

“Potek! Buti nagising ka na.. ano, nagugutom ka na ba?” umiling siya sa, “bakit ka ba hinde kumakain?

Alam mo namang kelangan mo ng lakas diba? hinde mo ba alam kung gaano akong kinabahan nung

nakita kitang nakahiga? Nung nakita kita doong nakahiga tapos walang malay.. akala ko baka..”

nagdadalawang isip akong sabihin yung kasunod na salita pero hinde ko kaya..

“Na baka wala na ako? Natakot ba kita? Sorry..” ngumiti siya pero halatang nahihirapan pa siyang

gumalaw

Umiling ako, “Hinde mo naman kelangan magsorry eh.. hinde na mahalaga kung natakot ako.. basta ok

ka na ngayon..”

Nagsmile siya tapos sinubukan niyang umupo. Inalalayan ko siya tapos napatingin siya sa dextrose na nakainject sa kanya. “I hate needles.. but they love me that much, huh? tapos nag pout siya.

“Hinde ka kasi kumakain eh. Ayan tuloy yung kapalit. Hinde ka naman mataba para magdiet eh..”

“Wala lang.. Akala ko kasi makukuha ko yung awa niya eh. Hinde pala.. ikaw pa unang nakakita sa

akin..” she then gave me a slight smile. “Lucas.. anong nagustuhan mo kay Abi?”

Bakit niya kaya biglang tinanong sakin to? Sa tono ng boses niya parang napakaseryoso ng tanong niya.

parang kelangan sagutin ko ng maayos yung tanong niya..

“Si Abi kasi..” biglang parang may nahulog na bagay sa may gilid ng kortina.

Tumayo ako para silipin kung sino yun pero bago ko pa buksan yung kortina nag pakita na siya.

“Kenji.” Bati ko sa kanya. Tumango lang siya bilang bati. Napatingin ako kay Athena, mapapansin mong iniiwasan niya ng tingin si Kenji kasi nakatingin na siya sa may kanan niya. “Ok na si Athena. Na-stress lang daw siya, tapos sinamahan pa ng init. Hinde naman seryoso yung nangyari ngayon.”

Siyempre nagsinungaling ako. Hinde ko naman pupwedeng sabihin na nahimatay si Athena dahil

ginutom niya yung sarili niya para makuha yung awa ni Kenji diba? Responsibilidad ko na si Athena

ngayon. Kelangan ko siyang protektahan sa mga bagay na makakasakit sa kanya.

“Ganun ba..?”

Tumango ako, “Oo. Wag kang magalala. Dadalhin ko siya mamaya sa ospital para makasiguro kami.”

Sinabi ko yun habang nakatingin kay Athena.

Napatingin sa akin si Athena, “Ospital na naman?? Ya! I told you I hate needles..” nagsmile lang ako sa kanya.

BOOK: She's Dating the Gangster
5.73Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

TemptingJuliana by Unknown
Dishonour by Black, Helen
Brian Garfield by Tripwire
Both of Us by Ryan O'Neal
Her Viking Wolf by Theodora Taylor
Truth or Dare by Janis Reams Hudson
The Lizard Cage by Connelly, Karen