Noli Me Tangere (20 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
6.13Mb size Format: txt, pdf, ePub

Nan~gasaicalawáng sáray n~g campanario ang dalawáng bátang nakita náting caúsap n~g filósofo. Ang pinacabátà sa canilá, na may malalakíng matáng maitím at matatacutíng mukhâ, pinipilit na idigkít niyá ang canyáng catawán sa catawán n~g canyáng capatîd, na totoong nacacawan~gis niyá ang pagmumukhâ, at ang caibhán lamang ay malálim tumin~gín at may pagcaanyóng matápang. Ang pananamit n~g dalawá'y dukháng-dukhâ at puspós n~g m~ga sursi at tagpî. Nan~ga-uupô sa capirásong cáhoy at capuwâ may tan~gang isáng lubid na ang dúlo'y na sa icatlóng sáray, doon sa itáas, sa guitnâ n~g cadilimán. Ang uláng itinutulac n~g hán~gin ay dumárating hanggáng sa canilá at pinapamímisic ang isáng upós n~g candilang nag-aalab sa ibábaw n~g isáng malakíng bató na caniláng pinagugulong sa coro, upang huwarán ang úgong n~g culóg, cung Viernes Santo.

--¡Batakin mo ang iyóng lúbid, Crispin!--anáng capatíd na matandâ sa bátà niyáng capatíd.

Nag-alambitin sa lúbid si Crispin, at nárinig sa itáas ang isáng daíng na mahinà, na pagdáca'y natacpán n~g isáng culóg, na ang úgong ay pinarami n~g libolibong alin~gawn~gáw.

--¡Ah! ¡cung na sa báhay sana táyong casáma n~g nánay!--ang ibinuntóng hinin~gá n~g maliit na tinítingnan ang canyáng capatíd;--doo'y hindî acó matatacot.

Hindî sumagót ang matandáng capatíd; minámasdan cung paáno ang pagtúlò n~g pagkit at tíla mandin may pinag-iisip.

--¡Doo'y walà sino mang nagsasabi sa aking acó'y nagnanácàw!--ang idinugtóng ni Crispin;--¡hindî itutulot n~g nánay! ¡Cung maalaman niyáng aco'y pinapalò....!

Inihiwaláy n~g matandáng capatíd ang canyáng m~ga matá sa nin~gas n~g ílaw, tumin~galâ, pinang-guiguílan n~g cagát ang malaking lúbid at bago bigláng binaltác, at n~g magcagayo'y nárin~gig ang matunóg na tugtóg n~g campánà.

--¿Mananatilî bâ tayo sa ganitóng pamumúhay, cacâ?--ang ipinatúloy ni Crispin. ¡Ibig co sánang magcasakit acó búcas sa báhay, ibig cong magcasakít acó n~g malaón at n~g acó'y alagâan n~g nánay at huwág na acóng pabalikín ulî sa convento! ¡Sa ganitó'y hindî acó pan~gan~ganlang magnanácaw at waláng háhampas sa akin! At icáw man, cacâ, ang mabuti'y magcasakit cang casáma co.

--¡Howag!--ang sagót n~g matandáng capatíd;--mamámatay táyong lahát: mamámatay sa pighatî ang nánay at cata'y mamámatay n~g gútom.

Hindî na sumagót ulî si Crispin.

--¿Gaáno bâ ang sasahurin mo sa bowáng ito?--ang tanóng ni Crispin n~g macaraan ang sandalî.

--Dalawáng piso: tatlóng multa ang ipinarusa sa akin.

--Bayaran mo na ang sinasabi niláng ninácaw co, at n~g huwag táyong tawáguing m~ga magnanacaw; ¡bayáran mo na, cacâ!

--¿Naúulol ca bâ, Crispín? Waláng macacain ang nánay; ang sabi n~g sacristan mayor ay nagnacaw ca raw n~g dalawáng onza, at ang dalawang onza ay tatlompo't dalawáng piso.

Bumilang ang malíit sa canyáng m~ga dalírì hanggáng sa dumating sa tatlompo't dalawá.

--¡Anim na camáy at dalawáng dalírì! At bawa't dalírì ay piso--ang ibinulóng na nag-iisip-iísip.--At bawa't piso ... ¿iláng cuarta?

--Isáng dáan at anim na pô.

--¿Isáng dáa't ánim na pong cuarta? ¿Macasandaan at ánim na pong isáng cuarta? ¡Nacú! ¿At gaano ang isáng dáa't ánim na pô?

--Tatlompô at dalawáng camáy--ang sagót n~g matandáng capatíd.

Sandalíng pinagmasdán ni Crispín ang maliliit niyáng camáy.

[Larawan:--¡Doo'y walâ sino mang nagsasabi sa aking aco'y magnanacaw!--ang idinuctóng ni Crispín;--¡hindî itutulot n~g nanay! ¡Cung maalaman niyang aco'y pinapalò....--Imp de M Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.]

--¡Tatlompô at dalawáng camáy!--ang inuulit úlit--ánim na camáy at dalawang dalírì, at bawa't dalírì ay tatlompô at dalawáng camáy ... at bawa't dalírî ay isáng cuarta ...¡Nacú gaáno caráming cuarta niyán! Hindî mabibilang n~g isá sa loob n~g tatlông áraw ...at macabíbili n~g sinelas na úcol sa m~ga paa at sombrerong úcol sa úlo, pagcâ umiinit ang áraw, at isáng malakíng páyong pagca umúulan, at pagcain, at m~ga damít na úcol sa iyo at sa nánay at....

Nag-isíp-ísip si Crispin.

--¡N~gayó'y dináramdam co ang hindî co pagnanácaw!

--¡Crispin!--ang ipinagwícà sa canyá n~g canyáng capatíd!

--¡Huwág cang magálit! Sinabi n~g curang pápatayin daw acó n~g pálò pag hindî sumipót ang salapî; cung ninácaw co n~ga sána ang salapíng iyó'y aking maisisipot ...¡at cung sacali't mamatáy acó, magcaroon man lamang icáw at ang nánay n~g m~ga damít!...

--¡Sáyang at hindî co n~gâ ninácaw!

Hindî umimíc ang pinacamatandâ at hiníla ang canyáng lúbid. Pagcatapos ay nagsalitáng casabáy ang buntóng hinin~gá.

--¡Ang ikinatatacot co'y bacâ, cagalitan ca n~g nánay cung maalaman!

--¿Sa acálà mo cayâ?--ang tanóng n~g malíit na nagtátaca.--Sabíhin mong maigui ang pagcabugbog sa akin, ipakikita co ang aking m~ga pasâ at ang punít cong bulsá: hindî acó nagcaroon cailan man cung dî isáng cuarta lámang na ibinigay sa akin niyóng pascó at kinúha sa akin cahapon n~g cura ang isáng cuartang iyón. ¡Hindî pa acó nacacakita n~g gayón cagandáng isáng cuarta! ¡Hindî maniniwálà ang nánay! ¡hindî maniniwalà!

--Cung ang cura ang magsabi....

Nagpasimulâ, n~g pag-iyác si Crispín, at ibinúbulong sa guitnâ n~g paghagulhól:

--Cung gayó'y umuwî ca n~g mag-isá; aayaw acóng umuwî. Sabihin mo sa nánay na acó'y may sakít; aayaw acóng umuwî.

--¡Crispín, huwág cang umiyác!--anang matandáng capatíd.--Hindî maniniwalà ang nánay; huwág cang umiyác; sinabi ni matandáng Tasiong may handâ raw sa ating masaráp na hapúnan.

Tumin~galâ si Crispín at pinagmasdán ang capatíd.

--¡Isáng masaráp na hapúnan! Hindî pa acó nanananghalîan: áayaw acóng pacanin hanggáng hindî sumísipot ang dalawáng onza ... Datapuwa't ¿cung maniwalà ang nánay? Sabíhin mong nagsisinun~galíng ang sacristan mayor, at ang curang maniwalà sa canyá'y sinun~galing din, na siláng lahát ay sinun~galing; na sinasabi niláng magnanacaw daw tayong lahát, sa pagca't ang tátay natin ay "viciosong".

N~guni't sumún~gaw ang isáng úlo sa maliit na hagdáng patun~gó sa pan~gulong aáray n~g campanario, at ang úlong itó, na cawan~gis n~g cay Medusa[251], ang siyáng bigláng humárang n~g salitâ sa m~ga lábì n~g bátà. Yaó'y isáng úlong habâ, payát, na may mahahabang buhóc na maitím; salamíng azul sa matá ang siyáng cumúcublí n~g pagca bulág ang isáng matá. Yaón ang sacristán mayor, na talagáng gayón cung pakita, waláng ín~gay, hindî nagpáparamdam n~g pagdatíng.

Nanglamíg ang magcapatíd.

--¡Minumultahán catá, Basilio, n~g caháti, dáhil sa hindî mo pagtugtóg n~g maayos!--ang sábi n~g voces na malagunlóng na tíla waláng campanà sa lalaugan.--At icáw, Crispín, mátira ca rito n~gayóng gabí hanggáng sa sumipót ang iyóng ninácaw.

Tiningnán ni Crispín ang canyáng capatíd, na parang siyá'y humihin~ging tangkílic.

--Binigyán na camí n~g capahintulutan ... hiníhintay pô camí n~g nánay sa á las ocho--ang ibinulóng ni Basiliong tagláy ang boong cakimîan.

--¡Icáw man namán ay hindî macaaalís sa icawalóng oras; hanggáng sa icasampô!

--N~guni't talastás na pô ninyóng hindî nacapaglálacad pagca á las nueve na, at maláyò ang báhay.

--At ¿ibig mo yatang macapangyari pa cay sa ákin?--ang itinanóng na galít n~g táong iyón. At hinawacan si Crispín sa bísig at inacmàang caladcarín.

--¡Guinoo! ¡may isáng linggó na pô n~gayóng hindî namin nakikita ang aming iná!--ang ipinakiusap ni Basilio, at tinan~gnán ang canyáng bátang capatíd na ang anyó'y íbig ipagsanggaláng itó.

Nailayô ang canyáng camáy n~g sacristán mayor sa isáng tampál, at sacâ kinaladcád si Crisping nagpasimulâ n~g pag-iyác, at nagpatinghigâ, samantalang sinasabi sa canyáng capatíd:

--¡Huwág mo acóng pabayâan, pápatayin acó nilá!

N~guni't hindî siyá pinansín n~g sacristan, kinaladcád at nawalâ siyá sa guitnâ n~g cadilimán.

Nátira si Basiliong hindî man lamáng macapagsalitâ. Nárinig niyá, ang m~ga pagcacáhampáshampás n~g catawán n~g canyáng capatíd sa m~ga baitang n~g maliit na hagdanan, isáng sigáw, iláng tampál, at unti-unting napáwì sa kanyáng tain~ga ang gayóng m~ga pagsigáw na nacaháhambal.

Hindî humíhin~ga ang bátà: nacatindíg na nakíkinig, dilát na dilát ang m~ga matá, at nacasuntóc ang m~ga camáy.

--¿Cailán bagá cayâ acó macapag aaráro n~g isáng búkid?--ang maráhang ibinúbulong, at dalîdaling nanáog.

Pagdatíng sa coro'y nakiníg n~g maigui: lumálayô n~g boong catulinan ang voces n~g canyáng capatíd, at ang sigáw na: "¡nánay!", "¡cacâ!" ay nawaláng lubós pagcasará n~g pintô. Nan~gán~gatal, nagpapawis, sandalî siyáng tumiguil; kinácagat niyá ang canyáng camao upang lunúrin ang isáng sigáw na nagtutumácas sa canyáng púsò at pinabayaan niyáng magpalin~gaplin~gap ang canyáng m~ga matá sa nag-aagaw dilím at liwanag na simbahan. Doo'y malamlám ang nin~gas n~g ílaw na lan~gís sa "lámpara"; na sa guitnâ, ang "catafalco"; sará ang lahát n~g m~ga pintuan, at may m~ga rejas ang m~ga bintánà.

Dî caguinsaguinsa'y nanhíc sa maliit na hagdán, linampasán ang pan~galawang sáray, na kinalalagyan n~g nagninin~gas na candílà, nanhíc sa icatlóng sáray. Kinalás ang m~ga lúbid na nacatálî sa m~ga "badajo" (pamaltóc n~g campánà), at pagcatapós ay mulíng nanáog na namúmutlâ; n~gúni't cumíkinang ang canyáng m~ga matá'y hindî sa m~ga lúhà.

Samantala'y nagpapasimulâ n~g pagtílà ang ulán at untiunting lumiliwanag ang lán~git.

Pinagdugtong ni Basilio ang m~ga lubid, itinálì ang isáng dúlo sa isáng maliit na pinacahalígui n~g "barandilla", at hindî man lámang naalaalang patayín ang ílaw, umus-ós sa lubid sa guitnâ n~g cadilimán.

Nang macaraan ang iláng minuto, sa isá sa m~ga dáan sa báyan, ay nacárinig n~g m~ga voces at tumunóg ang dalawáng putóc; n~guni't síno ma'y waláng natigatig, at mulíng tumahimic na lahát.

TALABABA:

[251] Isá sa tatlóng m~ga Furia Gorgona caaway ni Minerva. Pinugutan n~g ulo si Medusa ni Perseo. Ang m~ga pan~galan n~g tatlóng Furia ay Medusa, Euriale at Estenio: ang táong matitigan n~g alín man sa tatlóng itó'y hindî macakilos at napípipi. Si Minerva ang diosa n~g carunun~gan at pagbabaca. Si Perseo ay anác ni Dánae at hárì sa Argos; iniligtás niyá sa infierno ang canyáng sinísintang si Andrómeda.

=XVI.=

=SI SISA=

Madilim ang gabí: tahimic na tumutulog ang m~ga namamayan; ang m~ga familiang nag-alaala sa m~ga namatay na'y tumulog na n~g boong capanatagán at capayapaan n~g loob: nan~gagdasál na silá n~g tatlóng bahagui n~g rosario na may m~ga "requiem", ang pagsisiyám sa m~ga cálolowa at nan~gagpanín~gas n~g maraming candilang pagkít sa haráp n~g m~ga mahál na larawan. Tumupád na ang m~ga mayayaman at ang m~ga nacacacaya sa pagcabûhay sa m~ga nagpamana sa canilá n~g caguinhawahan; kinabucasa'y sísimba silá sa tatlóng misang gágawin n~g báwa't sacerdote, man~gagbíbigay silá n~g dalawáng piso at n~g ipagmisa n~g isáng patungcól sa cálolowa n~g m~ga namatáy; bíbili sila, pagcatapos, n~g bula sa m~ga patáy na puspós n~g m~ga indulgencia. Hindî n~ga totoong nápacahigpit ang Justicia n~g Dios na gáya n~g justicia n~g táo.

N~guni't ang dukhâ, ang mahírap, na bahagyâ nanacacakita upang may maipag-agdóng-búhay, at nan~gangailán~gang sumúhol sa m~ga "directorcillo," m~ga escribiente at m~ga sundalo, upang pabayaan siláng mamúhay n~g tahimic, ang táong iyá'y hindî tumutulog n~g panatag, na gaya n~g inaacála n~g m~ga poeta sa m~ga palacio, palibhasa'y hindî pa silá maráhil nacapagtitiis n~g m~ga hagpós n~g carálitâan. Malungcót at nag-iisíp-ísip ang dukhâ. Nang gabíng iyón, cung cácauntí ang canyáng dinasál ay malakíng lubhâ ang canyáng dalán~gin, tagláy ang hírap sa m~ga matá at ang m~ga lúha sa púsò. Hindî siyá nagsísiyam, hindî siyá marunong n~g m~ga "jaculatoria", n~g m~ga tulâ at n~g m~ga "oremus," na cathâ n~g m~ga fraile, at iniuucol sa m~ga táong waláng sariling caisipán, waláng sariling damdámin, at hindî rin namán napag-uunawà ang lahát n~g iyón. Nagdárasal siyá n~g áyon sa pananalitâ n~g canyáng caralitaan; ang cálolowa niyá'y tumatan~gis dáhil sa canyáng sariling calagayan, at dáhil namán sa m~ga namatáy, na ang pagsintá nilá sa canyá'y siyáng canyáng cagalin~gan. Nangyayaring macapagsaysáy ang m~ga lábì niyá n~g m~ga pagbátì; n~guni't sumísigaw ang canyang ísip n~g m~ga daing at nagsásalitâ n~g m~ga hinanakít. ¿Cayó bagá'y man~gasísiyahan. Icáw na pumuri sa carukhâan, at cayó namán, m~ga aninong pinahihirapan, sa waláng pamúting panalan~gin n~g dukhâ, na sinasaysay sa haráp n~g isáng estampang masamâ ang pagcacágawâ, na liniliwanagan n~g ílaw n~g isáng timsím, ó bacâ cayâ ang ibig ninyo'y ang may m~ga candílang malalakí sa haráp n~g m~ga Cristong sugatán, n~g m~ga Virgeng malilíit ang bibíg at may m~ga matáng cristal, m~ga misang wícang latíng ipinan~gun~gusap n~g m~ga sacerdoteng hindî inuunawà ang sinasabi? At icáw, Religióng ilinaganap na talagáng úcol sa sangcataohang nagdaralità, ¿nalimutan mo na cayâ ang catungculan mong umalíw sa naaapi sa canyáng carukhâan, at humiyâ sa macapangyarihan sa canyáng capalalûan, at n~gayó'y may laan ca lamang na m~ga pan~gácò sa m~ga mayayaman, sa m~ga táong sa iyó'y macapagbabayad?

Ang caawaawang tao'y nagpúpuyat sa guitnâ n~g canyáng m~ga anác na nan~gatutulog sa canyáng síping; iniisip ang m~ga bulang dapat bilhín upang mápahin~galáy ang m~ga magulang at ang namatáy na esposo.--"Ang píso--anyá--ang píso'y isáng linggóng caguinhawahan n~g aking m~ga anác; isáng linggóng m~ga tawanan at m~ga catuwâan, ang aking inimpóc sa bóong isáng buwan, isáng casuutan n~g aking anác na babaeng nagdádalaga na."--Datapuwa't kinacailan~gang patayín mo ang m~ga apóy na itó--ang wícà n~g voces na canyáng nárinig sa sermón--kinacailan~gang icáw ay magpacahírap." ¡Tunay n~gâ! ¡kinacailan~gan! Hindî ililigtas n~g Iglesia n~g waláng bayad ang m~ga pinacasisinta mong cálolowa: hindî ipinamímigay na waláng báyad ang m~ga bula. Dápat mong bilhín ang bula, at hindî ang pagtulog cung gabí ang iyóng gágawin, cung dî ang pagpapagal. Samantala'y mailálantad n~g iyóng anác na babae ang bahágui nang catawáng dapat ilíhim sa nanonood; ¡magpacagútom ca, sa pagca't mahál ang halagá n~g lán~git! ¡Tunay na túnay n~gâ yátang hindî pumapasoc sa lán~git ang m~ga dukhâ!

Nan~gagliliparan ang m~ga caisipáng itó sa alang-alang na pag-itang mulâ sa sahíg na kinalalatagan n~g magaspáng na baníg, hanggáng sa palupong kinatatalîan n~g dúyang pinag-úuguyan sa sanggól na laláki. Ang paghin~gá nitó'y maluág at payápà; manacânacang n~ginun~guyâ ang láway at may sinasabing dî mawatasan: nananaguinip na cumacain ang sicmurang gutóm na hindî nabusóg sa ibinigáy sa canyá n~g m~ga capatíd na matatandâ.

Ang m~ga culiglíg ay humuhuning hindî nagbabago ang tínig at isinasaliw ang caniláng waláng humpáy at patupatuloy na írit sa m~ga patlángpatláng na tin-ís na húni n~g cagaycáy na nacatagò sa damó ó ang butiking lumálabas sa canyáng bútás upang humánap n~g macacain, samantalang ang tucô, na wala n~g pinan~gan~ganibang túbig ay isinusun~gaw ang canyáng ulo sa gúang n~g bulóc na púnò n~g cáhoy. Umaatun~gal n~g lubháng mapanglaw ang m~ga áso doon sa daan, at sinasampalatayanan n~g mapamahíing nakikinig na silá'y nacacakita n~g m~ga espíritu at n~g m~ga anino. Datapuwa't hindi nakikita n~g m~ga áso at n~g ibá pang m~ga háyop ang m~ga pagpipighatî n~g m~ga tao, at gayón man, ¡gaano carami ang canilang m~ga cahirapang tinítiis!

Other books

The Day of the Moon by Graciela Limón
Trapped by Michael Northrop
Ambition by Yoshiki Tanaka
Undercover by Wolfer, Christina
The Brevity of Roses by Lewis, Linda Cassidy
Complete Nothing by Kieran Scott
Ashes and Ice by Tracie Peterson
Love After All by Celeste O. Norfleet