Noli Me Tangere (21 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
10.96Mb size Format: txt, pdf, ePub

Doon sa maláyò sa bayan, sa isáng láyong may isáng horas, nátitira ang iná ni Basilio at ni Crispín, asáwa n~g isáng laláking waláng puso, at samantalang ang babae nagpipilit mabúhay at n~g macapag-arugà sa m~ga anác, nagpapagalâgala at nagsasabong namán ang lalaki. Madalang na madálang silá cung magkíta, n~guni't lágui n~g kahapishapis ang nangyayari pagkikita. Unti-unting hinubdán n~g lalaki ang canyáng asáwa n~g m~ga híyas upang may maipagvicio siyá at n~g walâ nang caanoano man si Sisa, upang magugol sa masasamáng m~ga hingguíl n~g canyáng asawa, pinagpasimulâan nitóng siyá'y pahirapan. Mahinà, palibhasà, ang loob, malakí ang cahigtán n~g púsò cay sa pag-iísip, walâ siyáng nalalaman cung dî sumintá at tumán~gis. Sa ganáng canyá'y ang canyáng asawa ang siyáng dios niyá,; ang m~ga anác niyá'y siyáng canyang m~ga ángel. Sa pagca't talastás n~g lalaki cung hanggáng saan ang sa canya'y pag-íbig at tacot, guinágawa namán niyá ang catulad n~g asal n~g lahát n~g m~ga diosdiosan: sa aráw-áraw ay lumálalâ ang canyáng calupitan, ang pagca waláng áwà at ang pagcapatupatuloy n~g bawa't maibigan.

N~g múhang tanóng sa canyá si Sisa n~g minsang siyá'y sumipót sa báhay, na ang mukha'y mahiguít ang pagdidilim cay sa dati, tungcól sa panucalang ipasoc n~g sacristan si Basilio, ipinatúloy niyá ang paghahagpós n~g manóc, hindî siyá sumagot n~g oo ó ayaw. Hindî nan~gahás si Sisang ulítin ang canyang pagtatanong; datapuwa't ang lubháng mahigpít na casalatán n~g caniláng pamumúhay at ang han~gád na ang m~ga báta'y man~gag-áral sa escuelahan n~g bayan n~g pagbasa't pagsúlat, ang siyang sa canya'y pumílit na ipalútoy ang panucalà niya. Ang canyang asawa'y hindî rin nagsabi n~g anó man.

Nang gabíng yaon, icasampó't calahatî ó labíng-isá ang horas, n~g numiningning na ang m~ga bituin sa lan~git na pinaliwanag n~g unós, nacaupô si Sisa sa isáng bangcóng cahoy na pinagmamasdan ang ilang m~ga san~gá n~g cahoy na nagninin~gasnin~gas sa calang may tatlóng batóng-buhay na may m~ga dunggót. Nacapatong sa tatlóng batóng itó ó tungcô ang isang palayóc na pinagsasain~gan, at sa ibabaw n~g m~ga bága'y tatlóng tuyóng lawlaw, na ipinagbíbili sa halagang tatló ang dalawang cuarta.

Nacapan~galumbabà, minámasdan ang madilawdilaw at mahinang nín~gas n~g cawayang pagdaca'y naguiguing abó ang canyang madalíng malugnaw na bága; malungcót na n~gitî ang tumatanglaw sa canyang mukhâ. Nagugunità niya ang calugodlugód na bugtóng n~g palayóc at n~g apóy na minsa'y pinaturan sa canya ni Crispin. Ganitó ang sinabi n~g batà:

"Naupô si Maitím, sinulót ni Mapula. Nang malao'y cumaracara."

Batà pa si Sisa, at napagkikilalang n~g dacong úna'y siya'y maganda at nacahahalina cung cumílos. Ang canyang m~ga mata, na gaya rin n~g canyang calolowang ibibigay niyang lahat sa canyang m~ga anac, ay sacdal n~g gaganda, mahahabà ang m~ga pilíc-mata at nacauukit cung tumin~gín; mainam ang hayap n~g ilóng; marikít ang pagcacaanyô n~g canyang m~ga labing namumutlâ. Siya ang tinatawag n~g m~ga tagalog na "cayumanguing caligatan," sa macatuwid baga'y cayumangguí, n~guni't isang cúlay na malínis at dalísay. Baga man batà pa siya'y dahil sa pighatî, ó dahil sa gútom, nagpapasimulâ na n~g paghupyac ang canyang namumutlang m~ga pisn~gí; ang malagóng buhóc na n~g úna'y gayac at pamuti n~g canyang cataóhan, cung cayâ husay hindî sa pagpapaibiíg, cung dî sa pagca't kinaugalîang husayin: ang pusód ay caraniwan at walang m~ga "aguja" at m~ga "peineta."

May ilang araw nang hindî siya nacacaalis sa bahay at canyang tinatapos tabìin ang isang gawang sa canya'y ipinagbiling yarîin sa lalong madalíng panahóng abót n~g caya. Sa pagcaibig niyang macakita n~g salapî, hindî nagsimba n~g umagang iyón, sa pagca't maaabala siya n~g dalawang horas ang cauntian sa pagparoo't parito sa bayan:--¡namimilit ang carukhâang magcasala!--N~g matapos ang canyang gawa'y dinala niya sa may-arì, datapuwa't pinan~gacuan siya nitó sa pagbabayad.

Walâ siyang inísip sa boong maghapon cung dî ang m~ga ligayang tatamuhin niya pagdatíng n~g gabí: canyang nabalitaang óowî ang canyang m~ga anac, at canyang inísip na sila'y canyang pacaning magalíng. Bumilí n~g m~ga lawlaw, pinitas sa canyang malíit na halamanan ang lalong magagandang camatis, sa pagca't nalalaman niyang siyang lalong minamasarap ni Crisping pagcain, nanghin~gî sa canyang capit bahay na si filósofo Tasio, na tumitira sa may m~ga limangdaang metro ang layò sa canyang tahanan, n~g tapang baboy-ramó, at isang hità n~g patong-gubat, na pagcaing lalong minamasrap ni Basilio. At puspós n~g pag-asa'y isinaing ang lalong maputíng bigas, na siya rin ang cumúha sa guiícan. Yaón n~ga nama'y isang hapúnang carapatdapat sa m~ga cura, na canyang handâ sa caawaawang m~ga batà.

Datapuwa't sa isang sawîng palad na pagcacatao'y dumatíng ang asawa niya't kinain ang canin, ang tapang baboy ramó, ang hità n~g pato, limang lawlaw at ang m~ga camatis. Hindî umiimic si Sisa, baga man ang damdam niya'y siya ang kinacain. Nang busóg na ang lalaki'y naalaalang itanóng ang canyang m~ga anac. Napan~gitî si Sisa, at sa canyang catowâa'y ipinan~gacò sa canyang sariling hindî siya maghahapunan n~g gabíng iyón; sa pagca't hindî casiya sa tatló ang nalabi. Itinanóng n~g ama ang canyang m~ga anac, at ipinalalagay niya itóng higuít sa siya'y cumain.

Pagcatapos ay dinampót n~g lalaki ang manóc at nag-acalang yumao.

--¿Ayaw ca bang makita mo sila?--ang itinanóng na nan~gan~gatal;--sinabi ni matandang Tasiong sila'y malalaon n~g cauntî; nacababasa na si Crispin ... marahil ay dalhín ni Basilio ang canyang sueldo.

N~g marinig itóng huling cadahilanan n~g pagpiguil sa canya'y humintô, nag-alinlan~gan, n~guni't nagtagumpay ang canyang mabuting angel.

--¡Cung gayó'y itira mo sa akin ang piso!--at pagcasabi ay umalis.

Tuman~gis n~g bóong capaitan si Sisa; n~guni't pagcaalaala sa canyang m~ga anac ay natuyô ang m~ga luhà. Mulî siyang nagsaing, at inihandâ ang tatlong lawlaw na natira: bawa't isa'y magcacaroon n~g isa't calahatì.

--¡Darating silang malakí ang pagcaibig na cumain!--ang iniisip niya:--malayò ang pinangagalin~gan at ang m~ga sicmúrang gutóm ay walang púsò.

Pinakingan niyang magalíng ang lahat n~g in~gay, masdan natin at hinihiwatigan niya ang lalong mahinang yabag:

--Malacas at maliwanag ang lacad ni Basilio; marahan at hindî nacacawan~gis ang cay Crispin--ang iniisip n~g ina.

Macaalawa ó macaatló n~g humúni ang calaw sa gúbat, mulâ n~g tumilà ang ulan, at gayón ma'y hindî pa dumarating ang canyang m~ga anac.

Inilagay niya ang m~ga lawlaw sa loob n~g palayóc at n~g huwag lumamig, at lumapit sa pintuan n~g dampâ upang siya'y malibang ay umawit n~g marahan. Mainam ang canyang voces, at pagcâ narìrinig nilang siya'y umaawit n~g "cundiman", nan~gagsisiiyac, ayawan cung bakit. N~gúni't n~g gabing iyó'y nan~gan~gatal ang canyang voces at lumalabas n~g pahirapan ang tínig.

Itiniguil ang canyang pag-awit at tinitigan niya ang cadiliman. Sino ma'y walang nanggagaling sa bayan, liban na lamang sa han~ging nagpapahulog n~g tubig sa malalapad na m~ga dahon n~g m~ga saguing.

Caracaraca'y biglang nacakita n~g isang ásong maitím na sumipót sa harap niya; may inaamoy ang hayop na iyón sa landas. Natacot si Sisa, cumúha n~g isang bató at hinaguis. Nagtatacbó ang asong umaatun~gal n~g pagcapanglawpanglaw.

Hindî mapamahîin si Sisa, n~guni't palibhasa'y maráming totóo ang canyáng nárinig na m~ga sinasabi tungcol sa m~ga guníguní at sa m~ga ásong maiitím' caya n~ga't nacapangyári sa canyá ang laguím. Dalidaling sinarhán ang pintô at naupô sa tabí n~g ílaw. Nagpapatíbay ang gabí n~g m~ga pinaniniwalaan at pinupuspos n~g panimdím ang aláng-álang n~g m~ga malicmátang aníno.

Nag-acálang magdasál, tumáwag sa Vírgen, sa Dios, upang calin~gáin nilá ang canyáng m~ga anác, lálonglalò na ang canyáng bunsóng si Crispín. At hindî niyá sinásadya'y nalimutan niyá ang dasál at napatun~go ang bóong pag-iisip niyá sa canilá, na anó pa't canyáng naaalaala ang m~ga pagmumukhâ n~g báwa't isá sa canilá, yaóng m~ga mukháng sa towî na'y n~gumín~gitî sa canyá cung natutulog, at gayón din cung nagíguising. Datapuwa't caguinsaguinsa'y naramdaman niyáng naninindíg ang canyáng m~ga buhóc, nangdidilat n~g maínam ang canyáng m~ga matá, malicmátà ó catotohanan, canyáng nakikitang nacatìndíg si Crispin sa tabí n~g calan, doón sa lugar na caraníwang canyáng inúup-an upang makipagsalitaan sa canyá. N~gayó'y hindî nagsasabi n~g anó mán; tinititigan siyá niyóng m~ga matáng malalakí at n~gumín~gitî.

--¡Nánay! ¡bucsán ninyó! ¡bucsán ninyó, nánay!--ang sabi ni Basilio, búhat sa labás.

Kinilabútan si Sisa at nawalâ ang malícmatà.

=XVII.=

=BASILIO=

Bahagyâ pa lamang nacapapasoc si Basiliong guiguirayguiray, nagpatínghulóg sa m~ga bísig n~g canyáng iná.

Isáng dî masábing panglalamíg ang siyáng bumálot cay Sisa n~g makita niyáng nag-íisang dumatíng si Basilio. Nagbantáng magsalitâ ay hindî lumabás ang canyáng voces; iníbig niyáng yacápin ang canyáng anác ay nawal-án siyá n~g lacás; hindî namán mangyaring umiyác siyá.

N~guni't n~g makita niyá ang dugóng pumapalígò sa noo n~g bata'y siyá'y nacasigáw niyáng tínig na wári'y nagpapakilala n~g pagcalagót n~g isáng bagtìng n~g púsò.

--¡M~ga anác co!

--¡Howág pô cayông mag-ala ala n~g anó man, nánay!--ang isinagót ni Basilio;--nátira pô sa convento pô si Crispin.

--¿Sa convento? ¿nátira sa convento? ¿Buháy?

Itinin~galâ n~g bátà sa canyáng iná ang canyáng m~ga matá.

--¡Ah!--ang isinigaw, na anó pa't ang lubháng malaking pighati'y naguing lubháng malaking catowâan. Si Sisa'y umiyác, niyácap ang canyáng anác at pinuspós n~g halíc ang may dugóng nôo.

--¡Buháy si Crispin! Iniwan mo siyá sa convento ... at ¿bákit may súgat ca, anác co? ¿Nahúlog ca bâ?

At siniyasat siyá n~g boong pag-iín~gat.

--N~g dalhín pô si Crispin n~g sacristan mayor ay sinábi sa áking hindî raw acó macaaalis cung dî sa icasampóng horas, at sa pagcá't malálim na ang gabí, acó'y nagtánan. Sa baya'y sinigawán acó n~g m~ga sundalo n~g "Quien vive," nagtatacbó acó, bumaríl silá at nahilahisan n~g isáng bála ang áking nóo. Natatacot acóng mahuli at papagpupunásin acó n~g cuartel, na abóy n~g pálò, na gaya n~g guinawâ cay Pablo, na hanggá n~gayó'y may sakít.

--¡Dios co! ¡Dios co!--ang ibinulóng n~g ináng kiníkilig--¡Siyá'y iyóng iniligtas!

At sacâ idinugtóng, samantalang, humahanap n~g panaling damit, túbig, súcà, at balahibong maliliit n~g tagác:

--¡Isáng dálì pa at nápatay ca sana nilá, pinatáy sana nilá ang aking anác! ¡Hindî guinúgunitâ n~g m~ga guardia civil ang m~ga iná!

--Ang sasabihin ninyó'y nahulog acó sa isáng cáhoy; huwág pô sánang maalaman nino mang acó'y pinaghágad.

--¿Bákit bâ nátira si Crispin?--ang itinanóng ni Sisa pagcatapos magawâ ang paggamot sa anác.

Minasdán ni Basiliong isáng sandalî ang canyáng iná, niyácap niyá itó at sacâ, untiunting sinaysáy ang úcol sa dalawáng onza, gayón ma'y hindî niyá sinabi ang m~ga pagpapahirap na guinagawà sa canyáng capatíd.

Pinapaghálò n~g mag-iná ang caniláng m~ga lúhà.

--¡Ang mabaít cong si Crispin! ¡pagbintan~gán ang mabaít cong si Crispin! ¡Dahiláng tayó'y dukhâ, at ang m~ga dukháng gáya natin ay dapat magtiís n~g lahát!--ang ibinulòng ni Sisa, na tinitingnan n~g m~ga matáng punô n~g lúhà ang tinghóy na nauubusan n~g lan~gís.

Nanatiling malaónlaón ding hindî silá nag-imican.

--¿Naghapunan ca na bâ?--¿Hindî? May cánin at may tuyóng lawláw.

--Walâ acóng "ganang" cumain; túbig, túbig lámang ang íbig co.

--¡Oo!--ang isinagót n~g iná n~g boong lungcót;--nalalaman co n~g hindî mo ibig ang tuyóng lawláw; hinandâan catá n~g ibáng bágay; n~guni't naparíto ang iyòng tátay, ¡caawaawang anác co!

--¿Naparito ang tátay?--ang itinanòng ni Basilio, at hindî kinucusa'y siniyasat ang mukhâ at ang m~ga camáy n~g canyang iná. Nacapagsikíp sa púsò ni Sisa ang tanóng n~g canyáng anác, na pagdaca'y canyáng napag-abót ang cadahilanan, cayá't nagdumalíng idinugtóng:

--Naparito at ipinagtanóng cayó n~g mainam, ibig niyáng cayó'y makita; siya'y gutóm na gutóm. Sinabing cung cayó raw ay nananatili sa pagpapacabaít ay mulî siyáng makikisama sa átin.

--¡Ah!--ang isinalabat ni Basilio, at sa samâ, n~g canyáng lóob ay inin~giwî ang canyáng m~ga labî.

--¡Anác co!--ang ipínagwícà ni Sisa.

--¡Ipatáwad pô ninyó, nánay!--ang mulíng isinagót na matigás ang anyô--¿Hindî bâ cayâ lálong magalíng na táyong tatlò na lámang, cayó, si Crispin at acó?--N~guni't cayó po'y umíiyac; ipalagáy ninyóng walâ acóng sinabing anó man.

Nagbuntóng-hinin~gá si Sisa.

Sinarhán ni Sisa ang dampâ at tinabunan n~g abó ang caunting bága sa calán at n~g huwág mapugnáw, túlad sa guinagawâ n~g táo sa m~ga damdámin n~g cálolowa; tacpán ang m~ga damdaming iyán n~g abó n~g búhay na tinatawag na pag-wawalang-bahálâ, at n~g huwág mapugnáw sa pakikipanayám sa aráw-áraw sa áting m~ga capowâ.

Ibinulóng ni Basilio ang canyáng m~ga dasál, at nahigâ sa tabí n~g canyáng iná na nananalan~gin n~g paluhód.

Nacacaramdam n~g ínit at lamíg; pinagpilitang pumíkit at ang iniisip niyá'y ang canyáng capatîd na bunsô, na nag-aacalang tumulog sana n~g gabíng iyón sa sinapupunan n~g canyáng iná, at n~gayó'y marahil umíiyac at nan~gan~gatal n~g tácot sa isáng súloc n~g convento. Umaalin~gawn~gaw sa canyáng m~ga taín~ga ang m~ga sigáw na iyón, túlad sa pagcárinig niyá n~g siyá'y dóroon pa sa campanario; datapuwa't pinasimulâang pinalábò ang canyáng ísip n~g pagód na naturaleza at nanáog sa canyáng m~ga matá ang "espíritu", n~g panaguimpán.

Nakita niyá ang isáng cuartong tulugán, at doo'y may dalawáng candílang may nín~gas. Pinakíkinggán n~g curang madilím ang pagmumukhâ at may hawac na yantóc ang sinasabi sa ibáng wicà n~g sacrístan mayor, na cakilakilabot ang m~ga kílos. Nan~gán~gatal si Crispin, at palin~gaplin~gap ang matáng tumatan~gis sa magcabicabilâ, na párang may hinahanap na táo, ó isáng tagúan. Hinaráp siyá n~g cura at tinatanong siyáng malakí ang gálit at humaguinît ang yantóc. Ang bata'y tumacbó at nagtagò sa licuran n~g sacristan; n~guni't siyá'y tinangnán nitó at inihandâ ang canyáng catawán sa sumusubong gálit n~g cura; ang caawaawang báta'y nagpupumiglás, nagsísicad, sumísigaw, nagpápatinghigâ, gumugulong, tumitindíg, tumatacas, nadudulas, nasusubasob at sinásangga n~g m~ga camáy ang m~ga hampás na sa pagca't nasusugatan ay bigláng itinatagò at umaatun~gal. Nakikita ni Basiliong namimilipit si Crispin, iniháhampas ang úlo sa tabláng yapacán; nakikita niyá at canyáng náririnig na humáhaguinit ang yantóc! Sa lakíng pagn~gan~galit n~g canyáng bunsóng capatíd ay nagtindíg; sirâ ang isip sa dî maulatang pagcacahirap ay dinaluhong ang canyáng m~ga verdugo, at kinagat ang cura sa camáy. Sumigáw ang cura't binitiwan ang yantóc; humawac ang sacristan mayor n~g isáng bastón at pinálò sa úlo si Crispin, natimbuang ang bátà sa pagcatulíg; n~g makita n~g curang siyá'y may sugat ay pinagtatadyacán si Crispin; n~guni't itô'y hindî na nagsásanggalang, hindî na sumísigaw: gumugulong sa tabláng parang isáng bagay na hindî nacacaramdam at nag-iiwan n~g bacas na basâ ...

Other books

Erak's Ransom by John Flanagan
Super Awkward by Beth Garrod
A Necessary Action by Per Wahlöö
My Sister, My Love by Oates, Joyce Carol
In the Black by Sheryl Nantus
Thirty and a Half Excuses by Denise Grover Swank
The Charming Gift by Disney Book Group
The Centauri Device by M John Harrison