Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

Noli Me Tangere (23 page)

BOOK: Noli Me Tangere
12.87Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

--Gayó n~gâ ang marapat, macaitlóng isáng Amanamin....

--¡Ipatawad ninyó, hermana Sípa!--ang isinalabat ni Rufa: dapat dasaling gaya n~g ganitóng paraan: hindî dapat ilahóc ang m~ga lalaki sa m~ga babae: ang m~ga Amanamin ay m~ga lalaki, m~ga babae ang m~ga Abaguinoong María, at ang m~ga Gloria ang m~ga anác.

--¡Ee! ipatawad ninyó, hermana Rufa; Amanamin, Abaguinoong-María at Glorìa ay catulad n~g canin, ulam at patís, isáng súbò sa m~ga santo ...

--¡Nagcácamalî cayó! ¡Tingnán na pô lamang ninyó, cayóng nágdárasal n~g paganyán ay hindî nasusunduan cailán man ang inyóng hiníhin~gî!

--¡At cayóng nagdárasal n~g paganyá'y hindî cayó nacacacuha n~g anó man sa inyóng m~ga pagsisiyám!--ang mulíng isinagót n~g matandáng Sípa.

--¿Sino?--ang wicà ni Rufang tumindíg--hindî pa nalalaong nawalan acó n~g isáng bíic, nagdasál acó cay San Antonio ay aking nakita, at sa catunaya'y naipagbilí co sa halagang magalíng, ¡abá!

--¿Siya n~ga ba? ¡Cayâ palá sinasabi n~g inyóng capit-bahay na babaeng inyó raw ipinagbilí ang isang bíic niya!

--¿Sino? ¡Ang waláng hiyâ! ¿Acó ba'y gaya ninyó ...?

Nacailan~gang mamaguitnâ ang maestro upang silá'y payapain: sino ma'y walâ n~g nacágunitâ n~g m~ga Amanamin, walang pinag-uusapan cung dî m~ga baboy na lamang.

--¡Aba! ¡aba! ¡Huwág cayong mag-away dahil sa isáng bíic lamang! Binibigyan tayo n~g m~ga Santong Casulatan n~g halimbáwà; hindî kinagalitan n~g m~ga hereje at n~g m~ga protestante ang ating Pan~ginoong Jesucristo na nagtapon sa tubig n~g isáng càwang m~ga baboy na caniláng pag-aarì, at tayong m~ga binyagan, at bucod sa roo'y m~ga hermano n~g Santísimo Rosario pa, ¿táyo'y man~gag-aaway dahil sa isáng bíic lamang? ¿Anóng sasabihin sa atin n~g ating m~ga capan~gagaw na m~ga hermano tercero?

Hindî nan~gagsi-imîc ang lahat n~g m~ga babae at canilang tinátakhan ang malalím na carunun~gan n~g maestro, at caniláng pinan~gan~ganiban ang masasabi n~g m~ga hermano tercero. Násiyahan ang maestro sa gayóng pagsunód, nagbágo n~g anyô n~g pananalitâ, at nagpatuloy:

--Hindî malalao't ipatatawag tayo n~g cura. Kinacailan~gang sabihin natin sa canya cung sino ang íbig nating magsermon sa tatlong sinabi niyá sa atin cahapon: ó si párì Dámaso, ó si párì Martin ó cung ang coadjutor. Hindî co maalaman cung humírang na ang m~ga tercero; kinacailan~gang magpasiyá.

--Ang coadjutor--ang ibinulong ni Juanang kimingkimî.

--¡Hm! ¡Hindî marunong magsermón ang coadjutor!--ang wíca ni Sipa;--mabuti pa si párì Martin.

--¿Si párì Martin?--ang maríing tanong n~g isang babae, na anyóng nagpápawaláng halagâ;--siyá'y waláng voces; mabuti si párì Dámaso.

--¡Iyán, iyan n~gâ!--ang saysáy ni Rufa.--¡Si párì Dámaso ang tunay na marunong magsermon, catulad siya n~g isang comediante; iyan!

--¡Datapuwa't hindî natin maunáwà ang canyáng sinasabi!--ang ibinulong ni Juana.

--¡Sa pagcá't totoong malalim! n~guni't magsermon na lamang siyang magaling....

Nang gayó'y siyáng pagdatíng ni Sisang may sunong na bacol, nag-magandang araw sa m~ga babae at pumanhíc sa hagdanan.

--¡Pumápanhic iyón! ¡pumanhíc namán tàyo!--ang sinabi nilá.

Náraramdaman ni Sisang tumítiboc n~g bóong lacás ang canyáng púsò, samantalang pumapanhíc siyá sa hagdanan; hindî pa niyá nalalaman cung anó ang canyáng sasabihin sa párì upang mapahupâ ang galit, at cung anó ang m~ga catuwirang canyáng isasaysay upang maipagsanggaláng ang canyáng anác. Nang umagang iyon, pagsilang n~g m~ga unang sínag n~g liwáywáy, nanaog siya sa canyáng halamanan upang putihin ang lalong magagandáng gúlay, na canyáng inilagay sa canyang bacúlang sinapnan n~g dáhong ságuing at m~ga bulaclac. Nan~guha siyá sa tabíng ilog n~g pacô, na talastas niyang naiibigan n~g curang cáning ensalada. Nagbihis n~g lalong magagalíng niyáng damít, sinunong ang bacol at napasabayang hindî guinising muna ang canyang anác.

Nagpapacarahan siyá n~g boong cáya upang huwag umin~gay, untî-unting siyá'y pumanhíc, at nakikinig siya n~g mainam at nagbabacâ-sacaling marinig niyá ang isáng voces na kilalá, voces na sariwà voces batà.

N~guni't hindî niyá nárinig ang sino man at sino ma'y hindî niyá nasumpungán, caya't napatun~go siya sa cocínà.

Diya'y minasdán niyá ang lahát n~g m~ga súloc; malamíg ang pagcacátanggap sa canyá n~g m~ga alilà at n~g m~ga sacritan. Bahagyâ na siyá sinagot sa báti niyá sa canilá.

--¿Saan co mailálagay ang m~ga gúlay na itó?--ang itinanóng na hindî nagpakita n~g hinanakit.

--¡Diyán..! sa alin mang lugar.--ang sagot n~g "cocinero", na bahagyá na sinulyáp ang m~ga gúlay na iyón, na ang canyáng guinágawa ang siyáng totoong pinakikialaman: siya'y naghihimulmol n~g isáng capón.

Isinalansáng mahusay ni Sisa sa ibabaw n~g mesa ang m~ga talòng, ang m~ga "amargoso", ang m~ga patola, ang zarzalida at ang m~ga múrang múrang m~ga talbós n~g pacô. Pagcatápos ay inilagáy ang m~ga bulaclác sa ibabaw, n~gumitî n~g bahagyâ at tumanóng sa isáng alílà, na sa tingín niya'y lalong magalíng causapin cay sa cocinero.

--¿Maaarì bang macausap co ang párì?

--May sakít--ang sagót na marahan n~g alílà.

--At ¿si Crispin? Nalalaman pô bâ ninyo cung na sa sacristía.

Tiningnán siyá n~g alílang nagtátaca.

--¿Si Crispin?--ang tanóng na pinapagcunót ang m~ga kílay.--¿Walâ ba sa inyóng bahay? ¿Ibig ba ninyóng itangguí?

--Nasabáhay si Basilio, n~guni't nátira rito si Crispin--ang itinútol ni Sisa;--ibig co siyáng makita....

--¡Abá!--anáng alílà;--nátira n~gâ rito; n~guni't pagcatapos ... pagcatapos ay nagtanan, pagcapagnacaw n~g maraming bagay. Pinaparoon acó n~g cura sa cuartel pagca umagang umaga n~gayón, upang ipagbigáy sabi sa Guardia Civil. Marahil silá'y naparoon na sa inyóng bahay upang hanapin ang m~ga bátà.

¡Tinacpán ni Sisa ang m~ga tain~ga, binucsán ang bibíg, n~guni't nawalang cabuluhán ang paggaláw n~g canyáng m~ga lábì: waláng lumabás na anó mang tíni!

--¡Tingnán na n~gâ ninyó ang inyóng m~ga anác!--ang idinugtóng n~g cocinero. ¡Napagkikilalang cayó'y mápagtapat na asawa; nagsilabás ang m~ga anác na gaya rin n~g caniláng amá! ¡At mag-in~gat cayó't ang maliit ay lálampas pa sa amá!

Nanambitan si Sisa n~g boong capaitan, at nagpacáupô sa isáng bangcô.

--¡Howág cayóng manán~gis dito!--ang isinigáw sa canyá n~g cocinero:--¿hindî ba ninyó alám na may sakít ang párì? Doon cayó manan~gis sa lansan~gan.

Nanaog sa hagdanan ang abang babaeng halos ipinagtutulacan, samantalang nagbubulungbulun~gan ang m~ga "manang" at pinagbabalacbalac nilá ang tungcól sa sakit n~g cura.

Tinacpán n~g panyô n~g culang pálad na iná ang canyáng mukhâ at piniguil ang pag-iyác.

Pagdatíng niyá sa dâan, sa pag-aalinlan~ga'y nagpalín~gaplín~gap sa magcabicabilà; pagcatapos, tîla mandin may pinacsâ na siyáng gágawin, cayá't matulin siyáng lumayô.

=XIX.=

=MGA KINASAPITAN NG ISANG MAESTRO SA ESCUELA=

Caraniwang tao'y haling ang isípan at sa pagca't silá'y nagbabayad mandin, carampatang silá'y pag-salitang han~gál n~g upang matowa sa ga-yóng pagbágay.

(Lope de Vega.)

Natutulog n~g tahímic, na tagláy iyáng pagpapaimbabaw n~g m~ga elemento[252], ang dagatang nalilibot n~g canyang m~ga cabunducan, na anó pa't tila mandin hindî siyá nakialam sa malacás na unós n~g gabíng nagdâan. Sa m~ga únang sínag n~g liwánag na pumupucaw sa túbig nang m~ga nagkintábkintáb na m~ga lamáng-dágat, naaaninagnagán sa maláyò, hálos sa wacás n~g abót n~g tanáw, ang abó-abóng m~ga aníno: yaó'y ang m~ga bangcâ n~g m~ga mán~gin~gisdang naglíligpit n~g caniláng lambát; m~ga cascó at m~ga paráw na nan~gagláladlad n~g caniláng m~ga láyag.

Pinagmámasdan ang túbig n~g dalawáng táong capuwà páwang lucsâ, ang pananamít mulâ sa isáng mataas na kinálalagyan: si Ibarra ang isá sa canilá, at ang isá'y isáng binatang mápagpacumbabâ ang anyô at mapanglaw ang pagmumukhâ.

--¡Dito n~gâ--ang sabi nitóng hulí--dito iniabsáng ang bangcáy n~g inyóng amá. Dito camí n~g teniente Guevara at acó ipinagsama n~g tagapaglibíng!

Pinisíl ni Ibarra n~g boong pag-íbig ang camáy n~g binátà.

--¡Walâ pô cayóng súcat kilanlín sa áking útang na lóob!--ang mulíng sinabi nitó.--Marámi pong totoo ang utang na lóob co sa inyóng amá, at ang tan~ging guinawâ co'y ang makipaglibíng sa canyá. Acó'y naparitong walâ acóng cakilala síno man, waláng tagláy na anó mang súlat upang may magtangkílic sa ákin, salát sa carapatán, waláng cayamanang gaya rin n~gayón. Iníwan n~g áking hinalinhán ang escuela upang maghánap búhay sa pagbibilí n~g tabaco--Inampón acó n~g inyóng amá, inihanap acó n~g isáng báhay at binigyán acó n~g lahát cong kinacailan~gan sa icasusulong n~g pagtutúrò; siyá'y napapasa escuela at namamahagui sa m~ga bátang mahihírap at mapagsakit sa pag-aaral n~g iláng m~ga cuadro; silá'y biníbigyan niyá n~g m~ga libro't m~ga papel. Datapuwa't itó'y hindî naláon, cawán~gis din n~g lahát n~g bágay na magalíng!

Nagpugay si Ibarra't anaki'y nanalan~ging mahabang horas. Hinaráp pagcatapos ang canyáng casama at sa canya'y sinabi:

--Sinasabi pô ninyóng sinasaclolohan n~g aking amá ang m~ga batang dukhâ, at ¿n~gayón pô?

--N~gayó'y guinagawâ nilá ang boong cáya, at sumusulat silá cailán man at macasusulat,--ang isinagót n~g binatà.

--At ang dahil?

--Ang dahil ay ang caniláng gulanít na m~ga bárò at nan~gahihiyang m~ga matá.

Hindî umimíc si Ibarra.

--¿Ilán bâ ang inyóng m~ga batang tinuturuan n~gayón?--ang tanóng na wari'y may han~gád na macatalós.

--¡Mahiguít pong dalawáng dâan sa talâan, at dalawampò at limá ang pumapasoc!

--¿Bákit nagcacáganyan?

Mapangláw na n~gumitî ang maestro sa escuela.

Cung sabíhin co po sa inyó ang m~ga cadahilana'y cailan~gang magsalitâ acó n~g isáng mahábà at nacayáyamot na casaysayan--ang sinabí niyá.

--Huwág po ninyóng ipalagay na ang tanóng co'y dahil sa isang han~gad na walang catuturán--ang muling sinabi ni Ibarra n~g boong cataimtiman, na canyáng minámasdan ang maláyong abot n~g tanâw.--Lálong mabuti ang aking mapaglining, at sa acala co'y cung áking ipatúloy ang láyon n~g aking amá ay lalong magalíng cay sa siyá'y tan~gisan, lálò pa mandin cay sa siya'y ipanghigantí. Ang libin~gan niya'y ang mahál na Naturaleza, at ang bayan at isáng sacerdote ang siyáng canyáng m~ga caaway: pinatatawad co ang bayan sa canyáng camangman~gán, at iguinagalang co ang sacerdote dahil sa canyáng catungculan at sa pagcá't ibig cong igálang ang Religióng siyáng nagturò sa m~ga namamayan. Ibig cong gawíng patnubay ang panucalà n~g sa aki'y nagbigáy búhay, at dáhil dito'y ibig co sánang maunáwà ang m~ga nacaháhadlang dito sa pagtutúrò.

[Larawan:--At cayóng nacacakita n~g casam-an, ¿anó't hindî ninyo pinag-isip na bigyang cagamutan?--Imp. de M Fernandez, Paz 447, Sta. Cruz.]

--Pacapupurihin at dî po cayó calilimutan n~g bayan cung inyóng papangyarihin ang magagandang m~ga panucálà n~g inyóng nasírang amá!--anáng maestro.--¿Ibig pô bâ ninyóng mapagkilála cung anó ang m~ga hadláng na natatalisod n~g pagtutúrò? Cung gayó'y tantuin ninyóng cailan ma'y hindî mangyayari ang pagtuturong iyán sa m~ga calagayan n~gayón cung waláng isáng macapangyarihang túlong; unauna'y cahi't magcaroon, itó'y sinisira n~g caculan~gán n~g m~ga sucat na magamit at n~g maraming panírang malíng caisipan. Sinasabing sa Alemania'y nag-aaral daw sa escuela n~g bayan sa loob n~g walóng taón ang anác n~g tagabúkid; ¿sino ang macacaibig ditong gumámit n~g calahatì man lamang n~g panahông iyán sa gayóng lubháng bábahagyâ ang inaaning m~ga bún~ga? Nan~gagsisibasa, nan~gagsisisulat at caniláng isinasaulo ang malalakíng bahagui at n~g madalás pang isinasaulo ang m~ga boong librong wícang castílà, na hindî nawawatasan ang isá man lamang salitâ n~g m~ga librong iyón? ¿anó ang pinakikinabang sa escuela n~g anác n~g ating m~ga tagabúkid?

--At cayóng nacacakita n~g casam-an, ¿anó't hindî ninyó pinag-ísip na bigyáng cagamutan?

--¡Ay!--ang isinagót na iguinágalaw n~g boong calungcutan ang úlo:--hindî lámang nakikibunô ang isáng abáng maestro sa m~ga malíng caisipán, cung dî namán sa m~ga tan~ging lakás na macapangyarihan. Ang unang kinacailan~ga'y magcaroón n~g escuelahan, isáng báhay, at hindî gáya n~gayóng doón acó nagtutúrò sa tabí n~g coche n~g párì cura, sa sílong n~g convento. Doo'y ang m~ga bátang talagáng maibiguíng bumasa n~g malacás, nacaliligalig n~ga namán sa párì, na cung minsa'y nananaog na may daláng gálit, lalonglálò na cung sumásakit ang úlo, sinísigawan ang m~ga bátà at madalás na acó'y linalait. Inyóng natatalastas na sa ganyá'y hindî maaaring macapagtúrò at macapag-áral; hindî iguinagalang n~g bátà ang maestro, mulâ sa sandalíng nakikitang linalapastan~gan at hindî siyá pinagbíbigyang catuwiran. Upang pakinggán ang maestro, n~g hindî pag-alinlan~ganan ang canyáng capangyarihan, nagcacailan~gang siyá'y caaláng-alan~gánan, magcaroón n~g dan~gal, magtagláy n~g lacás dahil sa pagpipitagan sa canyá, magcaroon n~g calayâang tán~gì, at ipahintulot pô ninyóng sa inyó'y ipahayag ang m~ga malulungcót na nangyayari. Inacálà cong magbagong palácad ay acó'y pinagtawanán. Upang mabigyáng cagamutan ang casamâang sa inyó'y sinasabi co, aking minagalíng na magtúrò n~g wícang castílà sa m~ga bátà, sa pagca't bucód sa ipinag-uutos n~g Gobierno, inacálà co namáng itó'y isáng cagalin~gan n~g lahát. Guinamit co ang paraang lalong magaang, na m~ga salitâ at m~ga pan~gálan, na anó pa't hindî co isinangcap ang m~ga dakílang palatuntunan, at ang talagá co'y sacâ co na itúrò ang "gramática", pagca nacauunawà na silá n~g wícang castílà.

Nang macaraan ang iláng linggo'y halos nawawatasan na acó n~g lalong matatalas ang ísip at silá'y nacapag-uugnay-ugnay na n~g iláng m~ga salitâ.

Humintô ang maestro at tila nag-aalinlan~gan; pagcatapos, tila mandin minagaling niyá ang sabihing lahat, caya't nagpatuloy:

--Hindî co dapat icahiyâ ang pagsasaysay n~g m~ga caapiháng aking tinítiis, sino mang málagay sa kinálalagyan co'y gayón din maráhil ang uugalîin. Ayon sa sinábi co, ang pasimula'y magalíng; datapowa't n~g macaráan ang iláng áraw, ipinatawag acó sa sacristan mayor ni pári Dámaso, na siyáng cura n~g panahóng iyón. Palibhasa'y talastas co ang canyáng ásal at nan~gan~ganib acóng siyá'y papaghintáy-hintayin, pagdaca'y nanhíc acó at nagbìgay sa canyá n~g magandáng áraw sa wicang castílà. Ang cura, na ang boong pinacabatì ay ang paglalahad sa akin n~g camáy upang áking hagcán, pagdaca'y iniurong itó at hindî acó sinagót, at ang guinawa'y ang magpasimulâ n~g paghalakhác n~g halakhac-libác. Nápatan~ga acó; náhaharap ang sacristan mayor. Sa sandaling iyó'y walâ acóng maalamang sabihin; natigagal acó n~g pagtitig sa canyá; datapuwa't siyá'y nagpatúloy n~g pagtatawá. Aco'y nayáyamot na, at nakikinikinita cong acó'y macagagawâ n~g isáng dî marapat; sa pagca't hindî n~gâ nangagcacalaban ang maguing mabuting cristiano at ang matutong magmahál n~g sariling caran~galan. Tatanun~gin co na sána siyá, n~g di caguinsaguinsa'y inihalíli sa táwa ang pag-alimura, at nagsabi sa ákin n~g patuyâ:--"Buenos dias palá, ha? ¡buenos dias! ¡nacacatawá ca! ¡marunong ca n~g magwicang castílà palá!"--At ipinatuloy ang canyáng pagtatawa.

BOOK: Noli Me Tangere
12.87Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

The Circus by James Craig
The Glass Lake by Maeve Binchy
Hearts of Stone by Simon Scarrow
Educating My Young Mistress by Christopher, J.M.
Perfect Mate by Mina Carter
The Silver Castle by Nancy Buckingham
If I Could Tell You by Lee-Jing Jing
Shaman Pass by Stan Jones
The Sword And The Olive by van Creveld, Martin