Noli Me Tangere (25 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
4.88Mb size Format: txt, pdf, ePub

Samantala'y nagpapagal n~ga acô at n~g maguíng "papagayo"[254] ang m~ga batà, at canilang masaulo ang lubhang maraming bagay na hindî napagtatalós isa man lamang salitâ[255]. Marami sa canila ang nacasasaulo n~g m~ga "Misterio" at "Trisagio", datapuwa't nan~gan~ganib acóng masáyang ang áking m~ga pagpupumilit tungcól sa cay párì Astete, sa pagca't hindî pa totoong napag-wawarì n~g marámi sa áking m~ga tinuturúan ang pagcacaiba't ibá n~g m~ga tanóng at n~g m~ga sagót, at ang dapat na maguíng cahulugán n~g dalawáng itó. ¡At sa ganitóng calagaya'y mamámatay táyo, at ganyán din ang gágawin n~g m~ga ipan~gán~ganac, samantalang sa Europa'y pinag-uusapan ang nauucol sa pagsúlong.

--¡Howág bagá namán táyong napacamahiliguín sa pag-ásang dito sa átin ay walâ n~g cagalin~gang mangyayári!--ang itinútol ni Ibarra, at sacâ nagtindíg. Pinahatdán acó n~g isáng anyáya n~g teniente mayor upang acó'y dumaló sa isáng púlong sa tribunal ... ¿Síno ang nacaaalam cung doo'y magcacaroon pô cayó n~g sagót sa inyóng m~ga tanóng?

Nagtindig din ang maestro sa escuela, n~guni't umíiling, tandâ n~g pagcuculang tiwála, at sumagót:

--Makikita ninyo't matutulad sa aking m~ga binálac ang láyong caniláng sinábi sa akin, at cung hindî, ¡tingnan natin!

TALABABA:

[252] Tinatawag na "m~ga elemento" n~g una ang lúpà, ang tubig, ang han~gin at ang apóy.

[253] Marahil ang ibig bangguitin ni Dr. José Rizal dito'y ang librong "PAGSUSULATAN NI URBANA'T NI FELIZA" (Urbanidad) na sinulat ni Guinoong Modesto de Castro, presbítero, taga Binyáng, Laguna, at naguing cura párroco sa bayan n~g Naic, Cavite. Ang libróng yao'y isáng carikitdikitang patnubay sa magandang pakikipagcapwa-tao at sa mainam na caasalan, bucód sa magalíng na ulirán sa mabuting pananalita't pagsulat n~g wícang tagalog.--P.H.P.

[254] Isáng ibong; minamagaling dahil sa carikitan n~g canyáng m~ga balahibo at sa cadaliang matutong ulitin ang m~ga salitáng sa canya'y itúrò.--Tinatawag na
papagayo
ang nagsasalitá n~g m~ga bágay na hindî nauunawà--P.H.P.

[255] Ganito ang narinig cong salitaan n~g isang curang fraile at n~g isáng tagalog na mangmang baga, ma't mayaman.--
Tagalog.
Bakit po bá hindi isinasawicang tagalog ang pagmimisa at iba pang panalan~gin, gayóng talastas na ninyong hindi namin nalalaman ang wicang latin?--
Cura.
Sa pagcá't cung wicang tagalog ay kinakailan~gang sabihing macaitlo upang maunawa n~g Dios ang ating hinihin~gi sa canyá, cung wicang castila'y macalawa, at cung wicang latin ay minsan lámang; itó ang dahil at sa
Misterio
at sa
Trisagio'y
na sa wicang latin ang mahalagáng pananalan~gin.

N~gayón naliliwanagan na n~g ilaw n~g catotohanan ang pag-iisíp n~g halos n~g lahat n~g tagalog, ang gayong pananalità n~g curang walang mithî cung di mamahay tayo sa cabulagán ay magtátamo agad n~g matindíng pagpapawalang halagá. Cung ganap na catotohanán ang Dios puspós n~g carunun~gan waláng hanggán--sa pagca't cung di gayo'y hindi siyá Dios dapat náting sampalatayanang túnay na talós niyá ang lahát n~g wicà at sa anó mang wica sabihin ang pagtáwag sa canya'y caracaraca'y nauunawà niyá; hindi lámang itô; di pa natin binúbuca ang ating bibíg ay talastás na niyá ang íbig nating hin~gín. Ang masamâ ang casamasamaan, sa pagca't isáng pagaacsayá n~g panahón ay ang magsasalitâ n~g di alám cung anó ang sinasabi, tulad sa ibong
papagayo ó loro
.--P. H. P.

=XX.=

=ANG PULONG SA TRIBUNAL=

Yaó'y isang salas na may labíngdalawá ó labíng-limáng metro ang hábà may waló ó sampóng metro ang lúang. Ang m~ga pader n~g salas na iyó'y pinaputî n~g pintáng ápog at punóng-punô n~g m~ga dibujong úling ang iguinúhit na humiguít cumúlang ang capan~gitan, humiguít cumúlang ang casalaulàan, na may m~ga cahalong paunawang súlat upang mapag-unáwang magalíng ang m~ga cahulugán noón. Namamasdan sa isáng suloc na nacasandál n~g mahúsay na pagcacahanay ang may sampóng m~ga lúmang fusil na batóng pingkian ang pangpaputóc na cahálò n~g sableng cálawan~gin, m~ga espadin at m~ga talibóng: yaón ang m~ga sandata n~g m~ga "cuadrillero."

Sa isáng dúlo n~g salas na napapapamutihan n~g maruruming m~ga "cortinang" pulá, natatagò ang larawan n~g hári, na nacasábit sa pader, nacapatong sa isáng tarímang cáhoy ang isáng lúmang sillóng nacabucá ang canyáng wasác na m~ga brazo; sa harapa'y may isáng malakíng mesang cáhoy na narurun~gisan n~g tinta na may m~ga úkit na m~ga salitâ at m~ga únang letra n~g pan~galan cawan~gis n~g marami sa m~ga mesa sa m~ga tindahan n~g álac at cerveza sa Alemania, na caraniwang paroonan n~g m~ga estudiante. Man~ga siráng banccô at silla ang siyáng nacahúhusto n~g m~ga casangcapan.

Itó ang salas na pinagpupulun~gan n~g tribunal, n~g m~ga pagpapahirap at ibá pa. Dito nagsasalitaan n~gayón ang m~ga púno n~g báyan at n~g m~ga nayon: hindî nakikihálò ang pangcát n~g m~ga matatanda sa pangcát n~g m~ga báta, at hindî nan~gagcacasundò ang isá't isá; silá ang m~ga kinácatawan n~g partido conservador at n~g partido liberal, ang naguiguing catangîa'y totoong napapacalabis sa m~ga bayan ang caniláng m~ga pagtatalotalo.

--¡Nacacapagcúlang-tiwálà sa ákin ang asal n~g gobernadorcillo!--ani Don Filipong púno n~g partido liberal sa canyáng m~ga catoto; may dáti siyáng talagang pacay siya totoong ipinagpahuli niya ang pagtutuos n~g bálac na gúgugulin. Unawàin ninyóng labing-isáng araw na lamang ang sa áti'y nátitira.

--At ¡nátira siya sa convento upang makipagsalitaan sa curang may sakit!--ipinaalaala n~g ísa sa m~ga batà.

--¡Hindî cailan~gan!--ang sinábi namán n~g isá;--ang lahát, ay naihandâ na natin. Huwág bâ lamang magcaroon n~g lálong maráming "voto" ang bálac n~g m~ga matatandá....

--¡Hindî co inaacalang magcaroon!--ani Don Filipo;--acó ang magháharap n~g bálac n~g m~ga matatandâ....

--¿Bakit? ¿anó ang sábi pô ninyó?--ang sa canyá'y m~ga tanóng n~g m~ga nakikinig sa canyáng páwang nan~gagtátaca.

--Ang sinasabi co'y cung acó ang únang magsasalita'y áking iháharap ang bálac n~g ating m~ga caáway.

--At ¿ang bálac natin?

--Cayó pô namán ang magháharap n~g bálac natin--ang sagót n~g tenienteng n~gumin~giti, na ang pinagsasabiha'y isáng bátang cabeza de barangay;--magsasalità pô cayó, pagcâ aco'y natálo na.

--¡Hindî pô namin mawatasan ang inyóng caisipán!--ang sábi sa canyá n~g m~ga causap, na minámasdan siyáng puspos n~g pag-aalinlán~gan.

--¡Pakinggan ninyó!--ang marahang sinabi ni Don Filipo sa dalawá ó sa tatlóng nakikinig sa canyá--Nacausap co canínang úmaga si matandáng Tasio.

--At ¿anó?

--Sinabi sa akin n~g matandà: "Kinapopootan pô cayó n~g inyóng m~ga caaway n~g higuit sa pagcapóot sa inyóng m~ga caisipán. ¿Ibig bagá ninyóng howag mangyári ang isáng bágay? Cung gayó'y cayó ang humicayat na gawín ang bágay na iyán, at cáhi't ang bágay na iyá'y pakikinaban~gang higuít cay sa isáng "mitra" ay ipagtatacwilan. Cung cayó'y matálo na, inyóng ipasábi ang inyóng linalayon sa lalong cababababaan sa lahát ninyóng m~ga casamahán, at sasang-ayunan ang inyóng láyong iyón n~g inyóng m~ga caaway, sa han~gád niláng cayó'y hiyâin." Datapuwa't inyó sánang in~gátan ang líhim cong itó.

--N~guni't....

--Cayâ n~ga acó ang siyáng magsasalitâ upang gawín ang panucálà n~g ating m~ga caáway, na anó pa't pacalalabisin co ang pan~gan~gatuwíran hanggang sa catawá-tawá. ¡Howág cayóng main~gay! Narito na si Guinoong Ibarra at ang maestro sa escuela.

Bumáti ang dalawáng binátà sa isá't isáng pulutóng; n~guni't hindî nakialám sa m~ga salitâan.

Hindî naláo't pumásoc ang gobernadorcillong malungcót ang pagmumukhâ: siyá rin ang nakita nátin cahapong may daláng isáng arrobang candilà. Humintô ang m~ga alin~gawn~gáw pagpásoc niyá; bawá't isa'y naupô at untiunting naghárì ang catahimícan.

Naupô ang gobernadorcillo sa sillóng nacalagáy sa ibabâ n~g larawan n~g harì, macaapat ó macálimang umubó, hinaplós ang úlo at ang mukhâ, inilagáy ang síco sa ibabaw n~g mesa, inalís, mulíng umubó at gayón ang paúlit-ulit na guinawâ.

--¡M~ga guinoó!--ang sinábi sa cawacasang nanglulupaypay ang voces:--nan~gahás acóng anyayáhan co cayong lahát sa pagpupulong na itó ... ¡ejem!... ¡ejem!... gágawin natin ang fiesta n~g ating pintacasing si San Diego sa ica 12 nitong buwán.... ¡ejem!... ¡ejem!... n~gayo'y ica 2 tayo ¡ejem!... ¡ejem!...

At dito'y inubó siyá n~g mahabà at tuyô na siyang pumíguil n~g canyáng pagsasalitâ.

Nang magcagayo'y tumindíg sa bangcô n~g m~ga matatandâ ang isáng táong may anyong makísig, na may m~ga apat na pong taón ang gúlang. Siya ang mayamang si capitang Basilio, caaway n~g nasírang si Don Rafael, isáng taong nagsasabing umanó'y mulâ n~g mamatay si Santo Tomás de Aquino, ang mundo'y hindî sumusulong n~g cahi't iisang hacbang, at mulâ n~g canyáng íwan ang San Juan de Letrán, nagpasimulâ ang Sangcataóhan n~g pag-udlót.

--Itúlot pô n~g m~ga camahalan ninyóng magsaysay acó tungcól sa isáng bágay na totoong mahalagá--anyá. Acó ang náunang nagsalitâ, bagá man lálong may carapatáng man~gáuna sa ákin ang m~ga caumpóc dito, n~guni't acó ang únang nagsalitâ, sa pagca't sa acalà co'y sa m~ga ganitóng bágay, ang magpasimulà n~g pananalita'y hindî ang cahuluga'y siyáng nan~gun~guna, at gayón ding hindî ang cábuntutan ang cahulugán n~g cahulihulihang magsaysáy. Bucód sa rito'y ang m~ga bágay na sasabihin co'y lubháng napacamahalagá upang maipagpaubáyà ó sabihin cayâ sa cahulihulihan; itó ang dáhil at íbig co sánang magpáuna n~g pananalitâ, at n~g máibigay ang dápat na cauculán. Itulot n~gâ ninyóng acó ang máunang magsalitâ sa púlong na itóng kinakikitaan co n~g m~ga nalílimping totoóng m~ga litáw na m~ga táo, gáya na n~ga n~g guinoong casalucuyang capitan, n~g capitan pasado, n~g caibigan cong tán~ging si Don Valenting capitan pasado, ang aking caibigan sa camusmusáng si Don Julio, ang ating bantóg na capitan n~g m~ga cuadrillerong si Don Melchor, at marami pang m~ga caguinoohang dî co na sasabihi't n~g huwág acóng humábà, na nakikita n~g inyóng m~ga camahalang pawang caharap natin n~gayón ípinamanhic co pô sa inyóng m~ga camahalan ipahintulot na acó'y macapagsalitâ bago magsalitâ ang ibáng síno man ¿Magtátamo cayâ acó n~g capalarang pahinuhod ang capulun~gan sa áking mapacumbabang capamanhican?

At sacâ yumucod ang mananalumpátì n~g bóong paggálang at ga n~gumin~gitî na.

--¡Macapagsasalitâ na cayó, sa pagcá't cayó'y pinakíkinggan námìn n~g boong pagmimithî!--ang sinábi n~g m~ga binan~guít na m~ga caibigan, at iba pang m~ga táong nan~gagpápalagay na siya'y dakílang mananalumpatî: nan~gag-úubo n~g bóong ligaya ang m~ga matatandâ at caniláng pinagpípisil ang dalawáng camáy. Pagcatápos na macapagpáhid n~g páwis si capitán Basilio n~g canyáng panyóng sutlâ, ay nagpatúloy n~g pananalitâ:

Yamang lubháng nápacaganda ang inyong calooban at mapagbigay lugod sa ating abáng cataohan, sa pagcacaloob sa aking acó ang macapagsalitáng máuna sa sino mang náririto, sasamantalahin co ang capahintulutang itóng sa aki'y ipinagcaloob n~g bóong cagandáhan n~g pusó at aco'y magsasalitâ. Iniisip n~g aking isip na aco'y sumasaguitnâ n~g cagalanggalang na Senado romano, "senatus populusque romanus", na sinasabi nátin niyóng m~ga caayaayang panahóng sa caculan~gang pálad n~g Sangcataóha'y hindî na magbábalic, at aking híhin~gin sa "Patres Conscripti", ang sasabihin marahil n~g pantás na si Ciceron, cung siyá ang málagay sa catayuan co n~gayón; hihín~gin co, sapagca't capós táyo sa panahón, at ang panaho'y guintô, áyon sa sábi ni Salomón na sa mahalagang pinag uusapan n~gayo'y sabíhing maliwanag, maiclí at walang ligóy-lígoy n~g báwa't isá ang canyang panucalà. Sinabi co na.

At tagláy ang bóong pagcalugód sa canyáng sariling cataóhan at sa magaling na pakikinig sa canyá n~g nan~garoroon, naupô ang mananalumpatî, datapuwa't canyáng tiningnán múna si Ibarra at anyóng nagpapakilala siya n~g canyáng cataásan, at canyáng tiningnán din namán ang canyáng m~ga caibigan, na pára mandíng sa canilá'y canyáng sinasabi: ¡Há! ¿Mabuti ba ang áking pagcacásalitâ? ¡há!

Inilarawan namán n~g canyáng m~ga caibigan sa caniláng m~ga matá ang dalawáng pagtin~gíng iyón, sa caniláng pagsulyáp sa m~ga bátang guinóo, na ibig niláng patayín sa caingguitán.

--N~gayó'y macapagsasalitâ na ang bawa't may ibig, na ... ¡ejem!--ang sinabi n~g gobernadorcillo, na hindî natápos ang sinásalitâ, mulíng siyá'y inihít n~g ubó at n~g m~ga pagbubuntóng hinin~gá.

Ayon sa hindî pag-imíc na námamasid, sino ma'y áyaw na siyá'y tawagguin "patres conscripti", síno ma'y waláng tumítindíg: n~g magcagayó'y sinamantala ni Don Filipo ang nangyayari at humin~gíng pahintúlot na macapagsalitâ.

Nan~gagkindátan at nan~gaghudyátan n~g macahulugán ang m~ga conservador.

--¡Iháharap co, m~ga guinóo, ang áking panucalang gugugulin sa fiesta! ani don Filipo.

--¡Hindî námin masasang-ayunan!--ang sagót n~g isáng natutuyong matandáng conservador na hindî mapaclihán n~g anó man.

--¡Lában sa panucalang iyán ang áming voto!--ang sábihan n~g ibáng m~ga caaway.

--¡M~ga guinoo!--ani Don Filipong pinipiguil ang pagtáwa;--hindî co pa sinasabi ang panucalang dalá rito naming m~ga "bátà". "Lubós" ang aming pagása na siyáng mamagalin~gín n~g "lahat" cay sa pinapanucálà ó mapapanucálà n~g áming m~ga catálo.

Ang palálong pasimuláng itó ang siyáng nacapuspós n~g gálit sa caloóban n~g m~ga conservador, na nagsisipanumpâ sa caniláng sariling caniláng gagawín ang catacottacot na pagsalangsáng. Nagpatuloy n~g pananalitâ si Don Filipo:

--Tatlong libo't limandáang piso ang inaacálà náting gugúlin. Mangyayaríng macagawâ n~ga táyo, sa pamamag-itan n~g salapíng ito n~g isang fiestang macahihiguit n~g di anó lamang sa caningnin~gan sa lahát n~g hanggá n~gayó'y napanood dito sa ating lalawigan at sa m~ga lalawigang carátig man.

--¡Hmjn!--ang pinagsabihan n~g m~ga hindî naniniwálà; gumugugol ang bayang A. n~g limáng libo, ang bayang B. nama'y ápat na libo--¡Hmjn! ¡cahambugán!

--¡Pakinggán ninyó acó, m~ga guinoo, at cayô'y maniniwálà. Aking iniaakit sa inyóng tayo'y magtayô n~g isáng malakíng teatro sa guitnâ n~g plaza, na maghalagáng isáng dáa't limampóng píso!

--¡Hindî cásiya ang isáng dáa't limampô, kinacailan~gang gumugol n~g isáng dáa't anim na pô!--ang itinutol n~g isáng matigás ang úlong conservador.

--¡Itític pô ninyó, guinoong director, ang dalawang daang pisong iniuucol sa teatro!--ani Don Filipo.--Iniaanyaya cong makipagcayárì sa comedia sa Tundó upang magpalabás sa pitóng gabíng sunod sunod. Pitóng palabás na tigdadalawang daang píso bawa't gabí, ang cabooa'y isáng libo at ápat na ráang píso: ¡isulat pô ninyó, guinoong director, isáng libo't ápat na raang píso!

Other books

Dreamer's Pool by Juliet Marillier
The Magehound by Cunningham, Elaine
Strike by Jennifer Ryder
Fleeting Moments by Bella Jewel
Twice Dead by Kalayna Price
Ancient Evenings by Norman Mailer
The Hero Two Doors Down by Sharon Robinson