Noli Me Tangere (22 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
2.87Mb size Format: txt, pdf, ePub

Ang voces ni Sisa ang siyáng sa canyá'y gumísing.

--¿Anó ang nangyayari sa iyo? ¿Bakit ca umíiyac?

--¡Nanag-ínip acó!... ¡Dios!--ang mariíng sábi ni Basilio at humílig na basâ n~g páwis. Panag-ínip iyón; sabihin pô ninyóng panag-ínip lámang, nánay, iyón; panag-ínip lámang!

--¿Anó ang napang-ínip mo?

--Hindî sumagót ang bátà. Naupô upang magpáhid n~g lúhà at n~g páwis. Madilím sa loob n~g dampâ.

--¡Isáng panag-ínip! ¡isáng panag-ínip!--ang inuulit-úlit ni Basilio sa marahang pananalitâ.

--¡Sabihin mo sa akin cung anó ang iyóng pinanag-ínip; hindî acó mácatulog!--ang sinábi n~g iná n~g mulíng mahigâ ang canyáng anác.

--Ang napanag-ínip co, nánay,--ani Basilio n~g maráhan--camí raw ay namumulot n~g úhay sa isáng tubigang totoong maraming bulaclác, ang m~ga babae'y may m~ga daláng bacol na punô n~g m~ga úhay ... ang m~ga lalaki'y may m~ga dalá ring bácol na punô n~g úhay ... at ang m~ga bátang lalaki'y gayón din ... ¡Hindî co na natatandâan, nánay; hindî co na natatandâan, nánay, ang m~ga ibá!

Hindî na nagpílit n~g pagtatanóng si Sisa; hindî niyá pinápansin ang m~ga panag-ínip.

--Nánay, may naisip acó n~gayóng gabíng itó,--ani Basilio pagcaraan n~g iláng sandalíng hindî pag-imíc.

--¿Anó ang naisip mo?--ang itinanóng niyá.

Palibhasa'y mapagpacababà si Sisa sa lahát n~g bágay, siyá'y nagpapacababà patí sa canyáng m~ga anác; sa acálà niyá mabuti pa ang caniláng pag-iísip cay sa canyá.

--¡Hindî co na ibig na magsacristan!

--¿Bákit?

--Pakinggán pô ninyó, nánay, ang aking náisip. Dumatíng pô ritong galing sa España ang anác na lalaki n~g nasirang si Don Rafael, na inaacalà cong casingbaít din n~g canyáng amá. Ang mabuti pô, nánay, cúnin na ninyó búcas si Crispin, sin~gilín ninyó ang aking sueldo at sabihin ninyóng hindî na acó magsasacristan. Paggalíng co'y pagdaca'y makikipagkita acó cay Don Crisóstomo, at ipakikiusap co sa canyáng acó'y tanggapíng tagapagpastól n~g m~ga vaca ó n~g m~ga calabaw; malakí na namán acó. Macapag-aaral si Crispin sa báhay ni matandáng Tasio, na hindî namamalò at mabaít, cahit ayaw maniwálà ang cura. ¿Maaarì pa bang tayo'y mapapaghírap pa n~g higuít sa calagayan natin? Maniwalà, pô cayó, nánay, mabaít ang matandâ; macáilang nakita co siyá sa simbahan, pagcâ síno ma'y walâ roon; nalúluhod at nananalan~gin, maniwalà pô cayó. Nalalaman na pô ninyó, nánay, hindî na acó magsasacristan: bahagyâ na ang pinakikinabang ¡at ang pinakikinabang pa'y naoowî lámang sa kinamumulta! Gayón din ang idináraing n~g lahát. Magpapastol acó, at cung aking alagaang magalíng ang ipagcacatiwalà sa akin, acó'y calúlugdan n~g may-arì; at marahil ay ipabáyang ating gatásan ang isáng vaca, at n~g macainom tayo n~g gátas; íbig na íbig ni Crispin ang gátas. ¡Síno ang nacacaalam! marahil bigyán pa pô cayó n~g isáng malíit na "guyà," cung makita nilá ang magalíng cong pagtupád; aalagaan nátin ang guya at áting patatabaíng gáya n~g áting inahíng manóc. Man~gun~guha acó n~g m~ga bun~gang cáhoy sa gúbat, at ipagbíbili co sa báyang casama n~g m~ga gúlay sa ating halamanan, at sa ganito'y magcacasalapî táyo. Maglalagay acó n~g m~ga sílò at n~g m~ga balatíc at n~g macahuli n~g m~ga ibon at m~ga alamíd, man~gin~gisdâ acó sa ílog at pagcâ acó'y malakí na'y man~gan~gáso namán acó. Macapan~gan~gahoy namán acó upang maipagbilí ó maialay sa may-árì n~g m~ga vaca, at sa ganyá'y matótowâ sa atin. Pagcâ macapag-aararo na acó'y aking ipakikiusap na acó'y pagcatiwalâan n~g capirasong lúpà at n~g áking matamnan n~g tubó ó mais, at n~g hindî pô cayó manahî hanggang hating gabí. Magcacaroon táyo n~g damít na bágong úcol sa bawa't fiesta, cacain táyo n~g carne at malalakíng isdâ. Samantala'y mamumuhay acóng may calayâan, magkikita táyo sa aráw-áraw at magsasalosalo táyo sa pagcain. At yamang sinasabi ni matandáng Tasiong matalas daw totóo ang úlo ni Crispin, ipadalá natin siyá sa Maynílà at n~g mag-aral; siyá'y paggugugulan n~g bún~ga n~g aking pawis; ¿hindî ba, nánay?

--¿Anó ang aking wiwicain cung dî oo?--ang isinagót ni Sisa niyacap ang canyáng anác.

Nahiwatigan ni Sisang hindî na ibinibilang n~g anác sa hináharap na panahón, ang canyáng amá, at itó ang nagpatulò n~g m~ga lúhà niyá sa pagtan~gis na dî umíimic.

Nagpatuloy si Basilio n~g pagsasaysay n~g canyáng m~ga binabantá sa hináharap na panahón, tagláy iyang ganáp na pag-asa n~g cabataang waláng nakikita cung dî ang hinahan~gad. Walang sinasabi si Sisa cung dî "oo" sa lahát, sa canyáng acala'y ang lahát ay magalíng. Untiunting nanaog ang pagcáhimbing sa pagál na m~ga bubông n~g matá n~g bátà, at n~gayo'y binucsán n~g Ole-Lukoie, na sinasabi ni Anderson, at isinucob sa ibabaw niyá ang magandáng payong na puspós n~g masasayáng pintura.

Ang acálà niyá'y siya'y pastol n~g casama n~g canyáng bunsóng capatíd; nan~gun~guha silá n~g bayabas, n~g alpáy at n~g ibá pang m~ga paroparó sa calicsihán; pumapasoc silá sa m~ga yun~gíb at nakikita niláng numiningning ang m~ga pader; naliligò silà sa m~ga bucál, at ang m~ga buhán~gin ay alabóc na guintô at ang m~ga bato'y túlad sa m~ga bató n~g corona n~g Vírgen. Silá'y inaawitan n~g m~ga maliliit na isdâ at nan~gagtatawanan; iniyuyucayoc sa canila n~g m~ga cahoy ang canilang m~ga san~gang humihitic sa m~ga salapî at sa m~ga bún~ga. Nakita niya n~g matapos ang isang campanang nacabitin sa isang cahoy, at isang mahabang lubid upang tugtuguin: sa lubid ay may nacataling isang vaca, na may isang púgad sa guitnâ n~g dalawang sun~gay, at si Crispin ay nasa loob n~g campanà at iba pa. At nagpatuloy sa gayóng pananaguinip.

N~guni't ang inang hindî gaya niyang musmós at hindî nagtatacbó sa loob n~g isang horas ay hindî tumutulog.

=XVIII.=

=MGA CALOLOWANG NAGHIHIRAP=

Magcacaroon na n~g icapitong horas n~g umaga n~g matapos ni Fr. Salví ang canyang catapusáng misa: guinawà niyá ang tatlóng misa sa loob n~g isáng oras.

--May sakít ang párì--anang madadasaling m~ga babae; hindî gaya n~g dating mainam at mahinhín ang canyáng kílos.

Naghubad n~g canyáng m~ga suot na di umíimic, hindî tumitin~gin sa canino man, hindî bumabatì n~g cahi't anó.

--¡Mag-in~gat!--anáng bulungbulun~gan n~g m~ga sacristan;--¡lumulúbhâ ang samâ n~g úlo! ¡Uulan ang m~ga multa, at ang lahát n~g ito'y pawang casalanan n~g dalawáng magcapatíd!

Umalís ang cura sa sacristía upang tumun~go sa convento; sa sílong nitó'y nan~gacaupô sa bangcô ang pitó ó walóng m~ga babae at isáng lalaking nagpapalacadlacad n~g paroo't parito. Nang makita niláng dumarating ang cura ay nan~gagtindigan; nagpauna sa pagsalubong ang isáng babae upang hagcán ang canyang camáy; n~guni't gumamit ang cura n~g isáng anyóng cayamután, caya't napahintô ang babae sa calaguitnaan n~g canyáng paglacad.

--¿Nawalan yatà n~g sicapat si Curiput?--ang mariíng sabi n~g babae sa salitáng patuyâ, na nasactán sa gayóng pagcá tanggáp. ¡Huwag pahagcán sa canyá ang cama'y, sa gayóng siyá'y celadora n~g "Hermandad", gayóng siya'y si Hermana Rufa! Napacalabis namang totóo ang gayóng gawâ.

--¡Hindî umupô n~gayóng umaga sa confesonario!--ang idinugtóng ni Hermana Sípa, isáng matandáng babaeng walâ n~g n~gipin;--ibig co sanang man~gumpisal at n~g macapakinabang at n~g magcamit n~g n~ga "indulgencia".

--Cung gayo'y kinahahabagan co cayó!--ang sagót n~g isang babaeng batà pa't ma'y pagmumukhang tan~ga; nagcamít acó n~gayóng umaga n~g tatlóng indulgencia plenaria na aking ipinatungcól sa calolowa n~g aking asawa.

--¡Masamang gawâ, hermana Juana!--ang sabì n~g nasactán ang loob na si Rufa.--Sucat na ang isang indulgencia plenaria upang mahan~gò siya sa Purgatorìo; hindî dapat ninyóng sayan~gin ang m~ga santa indulgencia; tumúlad cayó sa akin.

--¡Lalong magalíng ang lalong marami: ang sabi co!--ang sagót n~g waláng málay na si hermana Juana, casabáy ang n~gitî.

Hindî agád sumagót si hermana Rufa: nanghin~gî muna n~g isáng hitsó, n~ginán~gà, minasdán ang nagcacabilog na sa canyá'y nakikinig n~g dî cawasà, lumurâ sa isáng tabí, at nagpasimulâ, samantalang n~gumán~gatâ n~g tabaco:

--¡Hindî co sinasayang cahi't isáng santong araw! Nagcamít na acó, búhat n~g acó'y mapanig sa Hermandad, n~g apat na raa't limampo't pitóng m~ga indulgencia plenaria, pitóng daá't anim na pong libo, limáng daa't siyám na po't walóng taóng m~ga indulgencia. Aking itinátalâ ang lahát n~g aking m~ga kinácamtan, sa pagca't ang ibig co'y malinis na salitaan; ayaw acóng mangdáyà, at hindî co rin ibig na acó'y dayâin.

Tumiguil n~g pananalitâ si Rufa at ipinatuloy ang pagn~guyâ; minámasdan siyá, n~g boong pagtatacá n~g m~ga babae; n~guni't humintô sa pagpaparoo't parito ang lalaki, at nagsalitâ cay Rufa n~g may anyóng pagpapawalang halagá.

--Datapuwa't nacahiguít acó sa inyó, hermana Rufa, n~g taóng itó lamang sa m~ga kinamtan co, n~g apat na indulgencia plenaria at sangdaang taón pa; gayóng hindî lubhang nagdárasal acó n~g taóng itó.

--¿Higuít cay sa ákin? ¿Mahiguít na anim na raa't walompo't siyám na plenaria, siyám na raa't siyám na po't apat na libo walóng daa't limampo't ánim na taón?--ang ulit ni hermana Rufang wari'y masamâ n~g cauntî ang loob.

--Gayón n~gâ, walóng plenaria at sangdaa't labing limáng taón ang aking cahiguitán, at itó'y sa íilang buwán lamang--ang inulit n~g lalaking sa líig ay may sabit na m~ga escapulario at m~ga cuintas na punô n~g libág.

--¡Hindî dapat pagtakhan--ani Rufang napatalo na;--cayó pô ang maestro at ang púnò sa lalawigan!

N~gumin~gitî ang lalaking lumakí ang loob.

--Hindî n~gâ dapat ipagtacáng acó'y macahiguít sa inyó n~g pagcacamit; halos masasabi cong cahi't natutulog ay nagcácamit acó n~g m~ga índulgencia.

--¿At anó pô bâ ang guinágawâ ninyó sa m~ga indulgenciang iyán?--ang tanóng na sabáysabáy n~g apat ó limáng voces.

--¡Psh!--ang sagót n~g lalaking umanyô n~g labis na pagpapawalang halagá;--aking isinasabog sa magcabicabilà!

--¡Datapuwa't sa bágay n~gang iyán hindî co mangyayaring cayó'y puríhin, mâestro--ang itinutol ni Rufa,--¡Cayó'y pasasa Purgatorio, dahil sa inyóng pagsasayáng n~g m~ga indulgencia. Nalalaman na pô ninyóng pinagdurusahan n~g apat na pong áraw sa apóy ang bawa't isáng salitáng waláng cabuluhán, ayon sa cura; ánim na pong áraw sa bawa't isáng dangcal na sinulid; dalawampo, bawa't isáng patác na tubig. ¡Cayó'y pasasa Purgatorio!

--¡Malalaman co na cung paano ang paglabás co roôn!--ang sagót ni hermano Pedro, tagláy ang dakilang pananampalataya.--Lubháng marami ang m~ga cálolowang hinán~gò co sa apóy! ¡Lubháng marami ang guinawâ cong m~ga santo! At bucód sa rito'y "in articulo mortis" (sa horas n~g camatayan) ay macapagcácamit pa acó, cung aking ibiguìn, n~g pitóng m~ga "plenaria", ¡at naghihín~galô na'y macapagliligtas pa acó sa m~ga ibá!

At pagcasalitâ n~g gayó'y lumayóng tagláy ang malakíng pagmamataas.

--Gayón ma'y dapat ninyóng gawín ang catulad n~g aking gawâ, na dî acó nagsásayang cahit isáng áraw, at magalíng na bilang ang aking guinágawâ. Hindî co ibig ang magdayâ, at áyaw namán acóng marayà nino man.

--¿At paano pô, bâ ang gawâ ninyó?--ang tanóng ni Juana.

--Dapat n~gâ pô ninyóng tularan ang guinágawâ co. Sa halimbawà: ipalagáy pô ninyóng nagcamít acó n~g isáng taóng m~ga indulgencia: itinatalâ co sa aking cuaderno at aking sinasabi:--"Maluwalhating Amáng Poong Santo Domingo, pakitingnán pô ninyó cung sa Purgatorio'y may nagcacailan~gan n~g isáng taóng ganáp na waláng labis culang cahi't isáng áraw."--Naglálarô acó n~g "cara-y-cruz;" cung lumabás na "cara" ay walâ; mayroon cung lumabás na "cruz." N~gayó'y ipalagáy nating lumabás n~g "cruz", pagcágayo'y isinusulat co: "násin~gil na;" ¿lumabás na "cara"? pagcágayó'y iniin~gatan co ang indulgencia, at sa ganitóng paraa'y pinagbubucodbucod co n~g tigsasangdaaag taóng itinátalâ cong magalíng. Sayang na sayang at hindî magawâ sa m~ga indulgencia ang cawan~gis n~g guinágawâ sa salapî: ibibigay cong patubuan: macapagliligtas n~g lalong maraming m~ga cálolowa. Maniwálà cayó sa akin, gawín ninyó ang áking guinágawâ.

--¡Cung gayó'y lalong magalíng ang áking guinágawâ!--ang sagót ni hermana Sípa.

--¿Anó? ¿Lálong magalíng?--ang tanóng ni Rufang nagtátaca.--¡Hindî mangyayari! ¡Sa guinágawâ co'y walâ n~g gágaling pa!

--¡Makiníg pô cayóng sandalî at paniniwalâan ninyó ang áking sábi, hermana!--ang sagót ni hermana Sípang matabáng ang pananalitâ.

--¡Tingnán! ¡tingnán! ¡pakinggán natin!--ang sinabi n~g m~ga ibá.

Pagcatapos na macaubó n~g boong pagpapahalaga'y nagsalitâ ang matandáng babae n~g ganitóng anyô:

--Magalíng na totoo ang inyóng pagcatalastas, na cung dasalín ang "Bendita-sea tu Pureza," at ang "Señor-mio Jesu cristo,--Padre dulcísimo-por el gozo," nagcacamit n~g sampóng taóng indulgencia sa bawa't letra..

--¡Dálawampo!--¡Hindî!--¡Cúlang!--¡Lima!--ang sabi n~g iláng m~ga voces.

--¡Hindî cailan~gan ang lumabis ó cumulang n~g isá! N~gayón: pagca nacababasag ang aking isáng alilang lalaki ó isáng alilang babae n~g isáng pinggán, váso ó taza, at ibá pa, ipinapupulot co ang lahát n~g m~ga piraso, at sa bawa't isá, cahi't sa lalong caliitliitan, pinapagdárasal co siyá n~g "Bendita-sea-tu-Pureza" at n~g "Señor-mio-Jesu cristo Padre dulcísimo por el gozo", at ipinatútungcol co sa m~ga cálolowa ang m~ga indulgenciang kinácamtan co. Nalalaman n~g lahát n~g taga báhay co ang bagay na itó, tán~gì lamang na hindî ang m~ga púsà.

--N~guni't ang m~ga alilang babae ang siyáng nagcácamit n~g m~ga indulgenciang iyán, at hindî cayó, Hermana Sipa--ang itinutol ni Rufa.

--At ¿sínong magbabayad n~g aking m~ga taza at n~g aking m~ga pinggan? Natótowa ang m~ga alilang babae sa gayóng paraang pagbabayad, at acó'y gayón din; silá'y hindî co pinapálò; tinutuctucan co lamang ó kinúcurot....

--¡Gagayahin co!--¡Gayón din ang aking gágawin!--¡At acó man!--ang sabihan n~g m~ga babae.

--Datapuwa't ¿cung ang pinggán ay nagcacádalawa ó nagcácatatatlong piraso lamang? ¡Cacauntî ang inyóng cácamtan!--ang ipinaunawà pa n~g maulit na si Rufa.

--Itulot pô ninyóng ipagtanóng co sa inyó ang isáng pinag-aalinlan~ganan co--ang sinabi n~g totoong cakimîan n~g bátà pang si Juana.--Cayó pô m~ga guinoong babae ang nacacaalam na magalíng n~g m~ga bagay na itóng tungcól sa Lan~git, Purgatorio at Infierno,.... ipinahahayag cong acó'y mangmang.

--Sabihin ninyó.

--Madalás na aking nakikita sa m~ga pagsisiyám (novena) at sa m~ga ibá pang m~ga libro ang ganitong m~ga bilin: "Tatlóng amánamin, tatlóng Abáguinoong Maria at tatlóng Gloria patri.."

--¿At n~gayón?....

--At n~gayó'y ibig cong maalaman cung paano ang gágawing pagdarasal: ¿Ó tatlóng Amanaming sunôd-sunód, tatlóng Abaguinoong Mariang sunôd-sunód; ó macaatlóng isáng Amanamin, isáng Abaguinoong María at isáng Gloria Patri?

Other books

Put on by Cunning by Ruth Rendell
The Killing Hand by Andrew Bishop
The Creatures of Man by Howard L. Myers, edited by Eric Flint
Isabella’s Airman by Sofia Grey
Bodyguard by Suzanne Brockmann