Noli Me Tangere (46 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
12.29Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¿Ang wicà pô ba ninyo'y walóng cuarta lamang ang ibinabayad? ¡Hindî mangyayari!--Ibig n~g Alcaldeng baguhin ang lacad n~g salitaan.

--Tunay pô, at iyan ang dapat uliranin n~g m~ga nagpapanggap na magagaling na m~ga castilà. Nakikita na n~gâ, na buhat n~g mabucsán ang Canal n~g Suez ay sumapit dito ang cahalayang asal. N~g una, n~g kinacailan~gan nating lumigoy sa Cabo, hindî nacararating dito ang lubhang maraming; m~ga may masasamáng caugalian, at hindî namán nacapaglácbay roon ang m~ga iba upang man~gagasamâ!

--¡Datapuwa't párì Damaso!...

--Nakikilala na pô ninyó cung anó ang "indio"; bahagyâ pa lamang nacacaalam n~g cauntî ay nagmamarunong na. Ang lahát n~g m~ga úhuguing iyáng napapasa Europa'y....

--¡N~guní't pakinggan pô ninyó!...--ang isinasalabat n~g Alcalde, na nababalisá dahil sa masasakít na m~ga pasaring na iyón.

--Magcacaroon silá n~g wacás ayon sa canicaniláng carapatán--ang ipinagpatuloy na párì Dámaso;--nákikita sa calaguitnaan ang camáy n~g Dios, kinacailan~gang maguing bulág upang huwag mámasdan. Tumatanggap na sa búhay pang itó ang m~ga magúlang n~g gayóng m~ga ahas ... nan~gamámatay sa bilangguan ¡jé! ¡jé! at masasabi nating waláng sucat na....

Datapuwa't hindî natapos ang sinasabi. Sinúsundan siyá n~g matá ni Ibarrang nan~gin~gitimn~gitim ang pulá n~g mukhâ sa malakíng galit; at pagcárinig n~g pasaring sa canyáng ama'y nagtindíg, at sa isáng lundág ay ilinagpác ang canyáng batibot na camáy sa ibábaw n~g úlo n~g sacerdote, na natihayâ at tulíg.

Sa lubós na pagcagulat at pagcatacot, sino ma'y waláng nan~gahás mamaguitnà.

--¡Layô cayó!--ang sigáw n~g binatà n~g tinig na cagulatgulat, at inabot ang matalas na sundáng samantalang iniípit n~g canyáng paa ang liig n~g fraile, na nahihimásmasan sa canyáng pagcatulíg;--¡ang áayaw mamatáy ay huwag lumapit!

Pinagdirimlán si Ibarra: nan~gan~gatal ang canyáng catawán umíinog sa kinalalagyan ang canyáng m~ga matáng nan~gagbabalà. Nagpumilit si Fr. Dámasong buman~gon at tumindíg; datapuwa't hinawacan siyá sa liig ni Ibarra, saca siyá ipinagwas-wásan hanggang sa siyá'y mapaluhod at mabaluctoc:

--¡Guinoong Ibarra! ¡guinoong Ibarra!--ang pautál na sinabi n~g ilán.

Datapuwa't sino man, cahi man ang alférez ay ayaw man~gahás lumapit at caniláng námamasdan ang kisláp n~g sundáng at nababalac nilá ang lacás at calagayan n~g binatà. Nan~gatitigagal na lahát.

--¡Cayo'y diyan! hindî cayó nan~gagsisiimíc, n~gayo'y acó ang marapat na mang cumilos. ¡Siya'y iniílagan co, dinalá sa akin siyá n~g Dios, ang Dios ang siyáng humatol!

Nahihirapan n~g paghin~gà ang binatà, datapuwa't ang canyáng bísig na basal ay nagpapatuloy n~g pagpiguil sa franciscano, na hindî macawalâ cahi't nagpupumiglás n~g dî cawasà.

--¡Tahimic na tumitibóc ang aking pusô, hindî mabibigó ang aking camáy!...

At tumin~gin sa paliguid niya't nagsalitâ;--Makinig muna cayó, ¿mayroon bagang isá man lamang sa inyó na umibig sa canyáng amá, na nagtamin n~g malalim na galit sa canyáng pinagcacautan~gan n~g búhay, isá man lamang na ipinan~ganác sa cahihiyán at sa caimbihán?... ¿Nakita mo na? ¿Nariring mo baga ang hindî nilá pag-imic na iyán? Sacerdote n~g isáng Dios n~g capayapaan, puspós ang bibig mo n~g cabanalan at religión, at ang puso'y punô n~g m~ga carumhán, ¡hindî mo marahil nálalaman cung anó ang isáng amá!... ¡cung guinugunitâ mo sana ang iyóng amá! ¿Nákita mo na? Sa guitnâ n~g caramiháng iyáng pinawawalan mong halaga, ¡walâ cahi't isá man lamang na catulad mo! ¡Nahatulan ca na!

Ang m~ga taong sa canyá'y nacaliliguid, sa pagcaisip niláng doó'y gagawâ n~g isáng cusang pagpatay, sila'y nan~gagsikilos.

--¡Lumayô cayó!--ang mulíng isinigáw na nagbabalà ang tinig; ¿anó? ¿nan~gan~ganib ba cayóng dumhám co ang aking camáy n~g maruming dugó? ¿Hindî ba sinabi co na sa inyóng tiwasay na tumitiboc ang aking pusô? ¡Lumayò cayó sa amin! ¡Pakinggan ninyó m~ga sacerdote, m~ga hucóm, na ang boong acalà ninyo'y hindî cayó cawan~gis n~g ibáng m~ga tao at nagbibigáy cayó sa inyóng sarilí n~g ibáng m~ga catuwiran! Ang aking amá'y isáng taong may malinis na capurihán, ipagtanóng ninyó diyan sa bayang lubós na iguinagalang ang pagaalaala sa canyá. Ang aking amá'y isáng mabait na mayaman: inihandóg niyá ang canyáng pagpapacahirap sa akin at sa icagagaling n~g canyáng bayan. Laguing bucás ang canyáng báhay, laguing handâ ang canyáng dulang sa taga-ibang lupain ó sa pinapanaw sa canyáng kinaguisnang lupâ, na sa udyóc n~g caralitaa'y tumatacbó sa canyá! Siya'y mabuting cristiano: lagui n~g guinagawâ niyá ang cagalin~gan at cailan ma'y hindî siyá umapí sa mahinang naguiguipit at hindî siyá humabág sa na sa malakíng carukhaan.... Binucsán niyá sa taong sumasadálitâ ang m~ga pintuan n~g canyáng bahay, pinaupô niyá at pinacain sa canyáng dúlang at canyáng pinan~galanang caibigan. ¿Anó ang pagtumbás na sa canyá'y guinawâ? Siya'y pinaratan~gan, pinag-usig, pinapanandata n~g laban sa canyá ang camamangman~gan at siya'y pinag-usig hanggang sa libin~gang pinagpapahin~galayan n~g m~ga patáy. At, hindî pa nagcacasiyà sa ganitóng m~ga gawa'y ¡pinag-uusig naman n~gayon ang anác na lalaki! Aco'y tumacas sa canyá, iniílagan cong siya'y aking macaharap ... Nárinîg ninyó siyá caninang umaga na hindî pinagpacundan~ganan ang púlpito, idinalirî acó sa halíng na pananampalataya n~g m~ga taong han~gál sa bayan, n~guni't hindî acó umimíc. N~gayo'y naparito't aco'y hinahamit; nagtiis acó sa hindî pag-imíc na inyóng pinangguilalasán, datapuwa't mulíng linait ang lalong pinacamamahal n~g lahát n~g m~ga anác sa caibuturan n~g caniláng alaala ... Cayóng m~ga nariritó, m~ga sacerdote, m~ga hucóm, ¿nakita baga ninyó ang pagpapacacasipag sa paggawâ n~g matandâ ninyóng amá, at n~g masunduan ang inyóng icagagalíng, mamatay sa hapis ang amáng iyán sa isáng bilangguan, na nagbubuntong hinîn~gà sa pagmimithíng cayo'y mayacap; na humahanap n~g isáng taong sa canyáng umalíw, nag iísa, may sakít, samantalang cayo'y na sa ibáng lupain?... ¿Narinig ba ninyó pagcatapos na siniraan n~g purì ang canyáng pan~galan, nasumpun~gan baga ninyóng waláng laman ang sa canya'y pinaglibin~gan n~g pumaroon cayó at ang talagà ninyo'y manalan~gin sa ibábaw n~g baunang iyón? ¿Hindî? ¿Hindî cayó umiímïc? ¡cung gayo'y hinahatulan ninyóng tunay n~gâ siyáng masamâ!

Inian~gat ang bísig; datapawa't malicsíng tulad sa cabilisán n~g sinag n~g liwanag, pagdaca'y napaguîtnâ ang isáng dalaga at piniguil n~g canyáng linalic na camáy ang mapaghigantíng bîsig: ang dalagang iyo'y si María Clara.

Tiningnan siyá ni Ibarra n~g isáng titig na wari'y nan~gan~ganîno ang casiraan n~g ísip. Untî unting lumuag ang pagcahawac n~g m~ga naninigás na m~ga dalirì n~g canyáng m~ga camáy at pinabayaang lumagpac ang catawan n~g franciscano't ang sundang, tinacpán ang mukha't tumacas na sinagal ang caramihang tao.

=XXXV.=

=MGA SALISALITAAN.=

Pagdaca'y lumaganap sa bayan ang balita n~g nangyaring iyón. N~g bagobago'y ayaw maniwalâ sino man, n~guni't sa pan~gan~gailan~gang pahinuhod sa catotohanan, nan~gag-iinaman ang lahat sa pagsigáw n~g pagtatacá.

Bawa't isa'y nagbubulaybulay alinsunod sa abót n~g cataasan n~g canicaniláng calinisan n~g budhî.

--¡Si párì Dámaso'y namatáy!--ang sabihan n~g m~ga iilán;--n~g itindíg nilá siya'y naliligó ang canyáng mukhâ n~g dugô at hindî humihin~gà.

--¡Magpahin~galay nawâ siyá sa capayapaan, n~guni't waláng guinawâ sa canyá cung dî papagbayarin lamang n~g canyáng utang--ang malacás na sabi n~g isáng binatà--Wariin ninyóng waláng sucat maipan~galan sa guinawâ niyá caninang umaga sa convento.

--¿Anó ba ang guinawâ? ¿Mulì bang sinuntóc ang coadjutor?

--¿Anó ba ang guinawâ? ¡Ating tingnán! ¡Sabihin mo sa amin!

--¿Nakita ba ninyó n~g umagang itó ang isáng mestizong castílà na lumabás sa dácong sacristía samantalang nagsésermon?

--¡Oo! ¡oo n~gâ, siya'y nakita namin! Pinagmasdán siyá ni párì Dámaso.

--Ang nangyári'y ... pagcatapos n~g sermón, siyá'y ipinatáwag at tinanóng cung anóng dahil sa siyá'y lumabás.--"Hindî pô acó maálam n~g wicang tagálog, padre",--ang isinagót.--"¿At bakìt ca nanglibác, na sinabi mong wicang griego iyón?"--ang isinigáw sa canyá ni párì Dámaso, at tuloy sinampál siyá. Gumantí ang bináta, nagpanuntóc ang dalawá, hanggáng sa silá'y pinag-awatanan.

--¡Cung sa akin mangyari ang gayóng bágay!...--ang ibinulóng n~g márahan n~g isáng estudiante.

Hindî co minamagalíng ang guinawâ n~g franciscano,--ang idinugtóng namán n~g isá,--sa pagca't hindî dapat ipagpilitan ang Religióng párang isáng parusa ó isáng pahirap; datapuwa't hálos ikinatútuwâ co, sa pagca't nakikilala co ang binátang iyán; siyá'y tagá San Pedro Macatí at maigui siyáng magwicang tagálog. N~gayo'y ibig niyáng siyá'y ipalagáy na bágong gáling sa Rusia, at ipinagmámapuri ang pagpapacunuwaríng hindî niyá nalalaman ang wícà n~g canyáng m~ga magugúlang.

--Cung gayó'y ¡linílikhâ silá n~g Dios at silá'y nan~gagsusuntucan!

--Gayón ma'y dápat táyong tumútol sa cagagawáng iyán,--ang sábing malacás n~g isáng estudiante namán;--ang dî pag-imíc ay párang isáng pag-sangáyon, at ang guinawáng iyó'y mangyayaring gawín namán sa alín man sa átin. ¡Nanunumbalic táyo sa m~ga panahón ni Nerón!

--¡Nagcácamalî ca!--ang tútol n~g isá;--¡si Nerón ay isáng dakîlang artista, at si párì Dámaso'y isáng casamasamaang magsesermón!

Ibá namán ang salisalitaan n~g m~ga táong may catandaan na.

Samantalang hiníhintay nilá sa isáng maliit na bahay, na na sa labás n~g báyan ang pagdatíng n~g Capitán General, itó ang sinasabi n~g Gobernadorcillo:

--Hindî n~gâ bágay na magaáng sabíhin cung síno ang may catuwíran at cung síno ang walâ, datapuwa't cung nacapagmunimuni sána si guinoong Ibarra....

--¿Cung nagcaroón sána si párì Dámnaso n~g calahatî man lámang n~g pagmumunimuni ni guinóong Ibarra, ang talagáng ibig pô ninyóng sabihin maráhil?--ang isinalábat ni don Filipo,--Ang casamaa'y nagpalít silá n~g catungcúlan: ang bátà ang nag ásal matandâ at ang matandâ ang nag-ásal bátà.

--¿At ang sabi pô ninyo'y walâ síno mang dumalô upáng silá'y awatin, liban na lámang sa anác na babáe ni cápitang Tiago?--ang tanóng ni cápitang Martín. ¿Sino man sa m~ga fraile, cahi't ang Alcalde man lámang? ¡Hm! ¡Lálò pa n~gang masama! Hindî co nanasaing aking casapitan ang calagayan n~g binatâ. Sino ma'y walang macapagpapatawad sa gayóng sa canyá'y pagcatácot. ¡Lálò pa n~gang masama! ¡Hm!

--¿Sa acalà cayâ ninyó?--ang tanóng ni cápitang Basilio, na totoong malakí ang han~gad na macatalastas.

--Umaasa acó,--ani don Felipong nakipagsulyápan cay cápitang Basilio,--na hindî siyá pababayaan n~g bayan. Dápat náting alalahanin ang guinawâ n~g canyáng m~ga magugúlang at ang canyáng casalucúyang guinágawâ n~gayon. At sacali't hindi umimic ang bayan, dahil sa pagcatacot, ang canyang m~ga caibiga'y....

--N~guni, m~ga guinoo,--ang isinalabat n~g gobernadorcillo,--ano baga ang ating magagawa? ¿ano ang magagawa n~g bayan? Mangyari ang ano mang mangyari'y ang m~ga fraile ang siyang "lagui" n~g na sa catuwiran!

--"Lagui" na silang na sa catuwiran, sa pagca't "lagui" n~g binibigyang cabuluran natin sila; minsan man lamang ay magbigay tayong catuwiran sa ating sarili, at pagsacagayo'y saca tayo mag-usap!

Kinamot n~g gobernadorcillo ang canyáng ulo, tumin~gala sa bubun~gan at saca nagsalita na ang tinig ay masaclap:

--¡Ay! ang ínit n~g dugo! Tila mandin hindî ninyo nalalaman ang lupaíng kinalagayan natin; hindî ninyo nakikilala ang m~ga cababayan natin. Ang m~ga fraile'y mayayaman at nan~gacacaisa; tayo'y nagcacáwasac wasác at m~ga dukha. ¡Siya n~ga! ¡ticman ninyong siya'y inyóng ipagmalasakit, at makikita ninyóng cayo'y pababayaan n~g ating m~ga cababayang mag-isa sa m~ga sagutin!

--¡Siyá n~ga!--ang biglang sinabi ni don Filipo n~g boong sacláp,--mangyayari n~ga ang gayon samantalang ganyan ang pinagiisip, samantalang totoong nagcacahawig ang tacot at ang pagiin~gat. Lalo pang pinapansin ang isáng capahamacáng hindî pa nalalaman cung mangyayari n~ga, cay sa kinacailan~gang pagcápacagaling; pagdaca'y dinaramdam ang tácot, sa hindî ang pananalig; bawa't isá'y walang iniisip cung dî ang ganang canya, sino ma'y hindî nag-iisip n~g ganang sa m~ga ibá, caya mahihinà táyong lahát!

--Cung gayo'y isípin na muna ninyo ang sa ganáng m~ga ibá, at bago ninyó isipin ang sa ganáng inyó, at makikita ninyó cung paáno ang pagpapabayang sa inyó'y gagawin. ¿Hindi ba ninyó nalalaman ang casabihang castilà: "na nag-pasimula sa saríling catawán ang mahúsay na pagcacaawang gawâ"?

--Ang lálong magalíng na inyóng masasabi--ang sagot na pagalit n~g teniente mayor--na nagsisimulá ang mahusay na caruwagan sa malabis na pag-ibig sa sariling catawan, sa nawawacasan sa pagcawala n~g cahihiyan! N~gayón di'y ihaharap co sa Alcalde ang pagbibitiw n~g aking catungculan; bundat na acó n~g paglagay sa cahihiyan, na canino ma'y wala acong nagagawang cagalin~gan. ¡Paalam!

Iba naman ang m~ga panucala n~g m~ga babae.

--¡Ay! ang buntóng hinin~ga n~g isáng babae na ang anyó'y mabait;--¡cailán ma'y ganyán ang m~ga cabataan! Cung nabubuhay ang canyang mabait na ina'y ¿anong sasabihin? ¡Ay, Dios! Pagca napag-iisip co na maaaring magcaganyan din ang áking anác na laláki, na mainit din namán ang úlo ...¡ay Jesús! halos pinananaghilian co ang canyáng nasirang iná..,¡mamamátay acó sa dalamháti!

--N~guni't acó'y hindî ang sagót namán n~g isáng babáe,--hindî acó magdadalamháti cung sacali't magcacaganyan din ang áking dalawáng anác na laláki.

--¿Anó pô ang sinasabi ninyo, capitana Maria?--ang sabing malacás n~g unang babáeng nagsalita, na pinagduduop ang m~ga camáy.

--Ibig cong matuto ang m~ga anác na nagsasanggaláng n~g capurihan n~g namatay n~g m~ga magugúlang nilá, capitana Tinay; ¿ano pô ang wiwicain ninyo cung isáng araw na cayo'y bao na márinig ninyóng pinaguupasalaan ang inyóng asawa, at itun~gó n~g inyóng anác sa Antonío ang úlo at huwag umimic?

--¡Ipagcacait co sa canyá ang aking bendicion!--ang sabing malacas n~g pan~gatlóng babae, na ito'y si hermana Rufa--datapuwa't....

--¡Hindî co maipagcacait ang aking bendición cailan man!--ang isinalabat n~g mabait na si capitana Tinay;--hindî dapat sabihin n~g isáng iná iyan ...datapuwa't hindî co maalaman ang aking gagawin ... hindî co maalaman ... sa acalà co'y acó'y mamámatay..siyá'y ...¡hindi! ¡Dios co! datapuwa't hindî co na marahil iibiguing muling makita co pa siya ... ¿n~guni't cung anó-anó ang m~ga iniisip ninyó, capitana Maria?

--Datapuwa't gayón man,--ang dugtóng ni hermana Rufa,--hindî dapat limuting isang malaking casalanan ang magbuhat n~g camáy sa isang taong "sagrado."

Other books

The Death of Bees by Lisa O'Donnell
Stealing Popular by Trudi Trueit
Bug Eyed Monsters by Jean Ure
Hell Bent by Becky McGraw
The One Place by Laurel Curtis
Zombies Don't Cry by Brian Stableford
Restless in Carolina by Tamara Leigh